Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

22.8K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 23

207 23 6
By Formidable_Writer

"Anong relasyon niyong dalawa?"

Napangiwi ako sa tanong niya.

"Ah... Ako estudyante niya tapos teacher ko si Sir Cafaro?" ani ko na may pagkapilosopo. Di ko kase maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Nangunot ang nuo niya "More than that" ani Blake.

Napakamot ako sa ulo, nag-iisip ng isasagot. Di naman siguro nabagok ang ulo ko sa sahig kanina, bakit ganern? Ang loading ko.

'Ano bang gusto niyang sabihin ko? Ayos lang ba siya? Ano ba kaseng iniisip nito?'

"Ahm.. Mentor ko si Sir sa nalalapit na math conte-----"

"Naglolokohan ba tayo dito?" sa tono ni Blake ay mukhang seryoso nga siya pati ang tingin niya, nakakaramdam na talaga ako sobrang hiya lalo na't puro lalaki ang kasama ko dito at nakatapis lang ako.

"Eh ano ba dapat sabihin ko?!" naiinis ko ng sabi.

Di siya sumagot agad "Your relation to him. Why don't you get that?"

"Leche flan naman. Teacher ko nga s'ya! Estudyante niya ako. Yun ang relasyon namin! Ba't di mo rin ma gets 'yun? Tsaka nakakahiya, nasa gilid mo lang ang tinutukoy mo, respeto naman, teacher natin yan, tinulungan niya lang ako!" sunod sunod at mahaba kong ani.

Natigilan siya ng makitang seryoso nga ako.

Natuptop ang bibig at sinulyapan si Sir.

Napahalukipkip pa si Sir na nagpalitan ng tingin saming dalawa.

"Mr. Farnacio. Kung ayaw mong may ibang umaaligid sa girlfriend mo.. Bantayan mong maigi, yung hindi lampa.." nanlaki ang mga mata ko na napatingin kay Sir.

'Ono dow? Tologo bo? Girlfriend? May girlfriend na pala itong si mokong? Bat di ko napapansin?'

"Bago ka rin magsalita ilagay mo sa tamang lugar ang pananalita mo kung ayaw mong ibagsak kita sa subject ko, hindi ko kailangan ng talino mo kung wala ka namang respeto"

Parang mas ako ang kinakabahan para kay Blake dahil sa sinabi ni Sir sa kaniya. Napakaseryoso ng mga mukha nila.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Blake na nakakuyom ito. Ngumiti si Blake sa kaniya pero kita doon ang pagkasarkastiko niya at pagkainis niya.

"Yes Sir" aniya na napipilitang ngumiti at maging magalang.

Tumango lang si Sir "Maiwan ko na kayo, may gagawin pa ako, ikaw na bahal sa girlfriend mo" ani Sir bago ako nilingon at doon ko pa lang nakuha kung sino ang tinutukoy ni Sir na nobya ng mokong!

"T-teka Sir! Hindi niya ako girlfrie------" di ko na natapos ang sasabihin ng huli na dahil nakalabas na siya at sinarado ang pintuan. Para bang namamadali.

Kaya tuloy nadala niya ang first aid kit na bitbit niya, di ko alam kung saan niya dadalhin yun.

Napatingin silang dalawa sakin.

"Patrick" tawag ni Blake dito, tinignan naman siya.

"Get out first. Dalhin mo sa kusina yung mga binili ko, don't come here in this room hangga't di ko sinasabi" mahinahon na ang boses ni Blake sa pakikipagusap sa kaibigan.

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nitong mokong. Kung magsalita siya ay parang siya ang may-ari ng bahay na 'to.

Napatango na lang ito bago pa ako sinulyapan at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Kami na lang dalawa ni Blake dito.

Nilingon niya na ako na ikinaramdam ko ng kaba, hindi ko alam kung bakit. Kinakabahan ako sa itsura niya ngayon, para bang may ginawa akong mali ng di ko nalalaman.

Nanghumakbang ito papalapit sakin ay mas lalong dumadagundong sa kaba ang puso ko. Napupuno ng hiya dahil tuwalya lang ang nagsisilbing takip sa katawan ko.

Yumuko ako, natuon ang paningin sa mga hita ko. Nabigla pa ako ng bahagya siyang naupo sa harap ko ng makalapit habang nakaluhod ang isang tuhod at sinilip ang mukha ko.

"Eda" pagtawag nito sakin. Di ako tumingin sa halip ay mas lalo pa akong napahigpit ang hawak sa kumot kong pinangtatakip sa katawan ko.

Sumasagi kase sa isip ko kung gaano nakakahiya ang makita mismo ni Sir Cafaro na wala akong saplot kanina, di ko alam kung nakita niya ba talaga dahil sa pagkakaalam ko ay sa mukha ko lang talaga siya nakatingin. Di ko rin malilimutan kung paano luminaw ang paningin ko ng walang suot na salamin.

"Eda.. Hey" may lambing sa tono niyang pagtawag sakin na hinawakan ang baba ko para mapatingin sa kaniya.

"Are you ok? What did he do to you? Tell me please... May masakit ba sa katawan mo?" sunod sunod nitong tanong.

Napaayos pa ako ng salamin kong nasuot ko na pala ito kanina. Di ko man lang namalayan sa dami ng iniisip. Palagi na lang talaga akong lutang.

Tipid lang akong tumango na ikinagulat niya at humigpit ang hawak sa bedsheet nitong higaan, doon kase siya nakatukod sa may gilid ko habang nasa harap ako.

"F*ck!"

Pinagkunutan ko siya "Di naman ako nagmura, bat minumura mo 'ko?" taas kilay ko pang ani na akala mo ay aabot hanggang bubong ang kilay.

Pinagkunutan niya rin ako "No, of course not. Di ko magagawang murahin ka noh!" kaagad niyang pagpoprotesta.

"Ngek, eh kasasabi mo pa lang------"

"Hindi kase para sayo yun" nakangiwi niyang ani, napalingon ako sa paligid.

Bahagya kong nilapit ang ulo ko sa kaniya "May nakikita ka bang 'di ko nakikita? Wag kang magbiro ng ganyan" kabado kong ani.

Kung ano ano na lang ang naiisip. Na truama siguro sa sumaging ala-ala sa isip ko kanina, nakapaweird nun. Mas lalong nakakasira ng utak yung bigla na lang sumulpot si Sir na sa di ko inaasahang siya ang hiningan ko ng tulong gamit lang ang isip.

"Tch. Puro ka naman kalokohan eh. Seryoso ako. S-saan banda masakit?" di ko alam kung bakit kailangan niya pang mautal.

Bumuntong hininga ako bago tumingin sa namamaga ko ng paa, may nakikita na akong nangingitim na ito sa may gilid.

"What the----what happened? Are you ok? Masakit ba?" di ko pa man sinasabi ay napatingin din siya sa napilay kong paa at hinawakan ang itaas na bahagi kong paa, kung saan hindi ako masasaktan. Sinuri pa niya iyon.

"Saan ka pa nakakitang napilayan pero hindi masakit?" pagsusungit ko pa, kagigising lang kase at wala pang kain kaya ganito mood ko.
Umangat ang tingin niya sa mga mata ko, pinagkunutan ako.

"Tinatanong kita ng maayos, anong nangyari sayo? Bakit nagkaganito paa mo?" naitikom ko ang bibig ko sa pagkaseryoso ng mukha niya.

Nagpakawala ulit ako ng buntong hininga sa kawalan.

"Na-slide sa banyo.."

"What?! Ang tanga mo naman"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya na napatingin sa kaniya.

"Leche 'to. Mas tanga ka, halata naman kaseng masakit, tinatanong mo pa, iba rin yata iniisip mo saming dalawa ni Sir?" di siya nakasagot sa halip ay umiwas lang ng tingin bago maingat na binitawan ang paa ko at napakamot sa batok niya. Mukhang tama nga ako.

"Tsk. Nagkataon lang kase na si Sir ang natawagan ko, wala akong ibang mahingan ng tulong dito.
Tapos pinag-isipan mo pa ng masama 'yung tao" ani ko na pinagsasabihan siya.

"Pano kase.. ganyan ayos mo" di makatingin niyang ani na tinuro ako sa pagkakatakip ko sa sarili ko. Mukhang nahihiyang tumingin sakin ng diretso.

"Natural, galing akong banyo, nadulas ako kanina matapos namamadaling maligo"

Saglit siyang di nakapagsalita.

"Bakit... Siya pala tinawagan mo? Wala ka bang ibang kasama dito? Nagdadala ka pala ng phone sa banyo?" natigilan ako sa tanong niya.

Ako naman ang di makasagot.

Napaiwas ako ng tingin.

"Bakit ka rin kase nagmamadali? San ka ba pupunta?" naguluhan ako sa tanong niya muli ng wala siyang makuhang sagot.

"E-eksakto lang yung number ni Sir ang na una sa phone ko... Sa kakamadali.. Nadala ko na lang phone ko sa banyo.. at.. Ako lang ang mag-isa sa bahay na 'to" ani ko na punong puno ng kasinungalingan. Sa isip ko lang kase tinawag si Sir, mukhang di niya papaniwalaan iyon.

Pahina ng pahina ang boses ko na napayuko, kinakabahan ako sa tingin niya, baka hinuhuli niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko siyang napabuntong hininga na lang.

"A-ano na bang araw ngayon? Narinig ko kase kanina na.. Ilang araw na akong di pumapasok?" kita ko ang pagtataka niya sa tanong ko. Napakunot ang nuo sakin.

"Di mo alam ang petsa ngayon?"

Umiwas ulit ako ng tingin. Kahit ako di ko maipaliwanag kung ano ano ang mga kakaibang nangyayari sa paligid ko.

"Nakalimutan ko lang" pagdadahilan ko.

Yun na naman siya, saglit tinitigan ang mukha ko bago napabuntong hininga sa kawalan.

"It's Saturday" sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?! D-di ba dapat Tuesday ngayon?! Kahapon kase Monday!" kaagad kong nareaksyon.

Nangunot lalo ang nuo niya sakin sa pagtataka, napangiwi siya na may pagtatanong sa mukha.

"Seriously, Eda? You can't remember what day it is?" napapangiwi niyang ani, puno ng pagkagulo.

"Wait.. Don't tell me.. Kaya ka namamadali because you thought that we have class today and it's Tuesday?" aniya na naguguluhan man ay mukhang nagpipigil siya ng tawa sakin.

'Luh siya, kanina galit na galit gustong manakit, pero ngayon parang natataeng nagpipigil ng tawa'

Tinignan ko siya na seryoso talaga ako kaya natigilan siya. Napahilamos ako sa mukha ko dahil para akong mababaliw sa kakaisip kung paano nangyaring natulog ako ng ilang araw!

'Ganon ba ako napagod para makatulog ng iilang araw?! Araw talaga?! Daig ko pa na comatose ng ilang araw. Leche'

Nagpapa-alarm kase ako kahit weekend dahil sa mga trabaho ko.

"Hey.." yun na naman ang may lambing sa tonong pagtawag niya sakin, naalis ko ang pagkakatakip ko sa mukha ko at napatingin sa kaniya.

"Is somethings bothering you? You tell it to me... Maybe I can help?" naupo pa siya sa tabi ko na sinilip ang mukha ko.

Sa tono niya ay mukhang mabait siya ngayon at di lokoloko.

"Bakit ka nga pala di pumasok ng ilang araw? What happened to you?" aniya na hinawakan pa ang nuo ko pati ang nuo niya, kinukumpara kung tama lang ba ang temperatura ko.

Napabuntong hininga siya na bumaba ang tingin sa pilay kong paa.

"Let's go to the hospital. Magbihis ka muna" napabuntong hininga muli niyang ani bago tumayo na at napasunod ako ng tingin sa kaniya ng naglakad siya papunta sa kabinet ko.

"W-wag!" pagpapahinto ko sa kaniya, natigil naman siya at nilingon ako.

"What?"

"Anong gagawin mo?"

"Get you some clothes to wear?" patanong niyang sabi, nagtataka sakin.

Nadagdagan ang kahihiyan ko ng maisip na paano kung mahawakan at makita niya yung napulot ni Sir kanina.

"Wag mong sabihin di ka magbibihis?" kaagad nabaling ang tingin ko sa kaniya sa tanong niya.

"Ano? Siraulo 'to ah, bakit di ako magbibihis, edi giginawin ako?" kunot nuo kong sabi.

Lumitaw ang ngisi niya napangiwi ako sa naisip na ganon na lang kabilis mawala ang galit na nakita ko sa kaniya kanina. Para bang sa mga oras na 'to aasarin na naman ako.

"Pwede namang di ka magbihis pero dapat dito lang tayong dalawa" napataas ang kilay ko sa sinabi niya sabay pinagkross ang mga braso.

Sa sinabi niya ay parang sinasabi niyang kami lang dapat dalawa sa iisang kwarto ng tuwalya lang ang tanging suot ko.

Inis kong inabot ang unan at malakas na binato sa mukha niya sana pero ang mokong, sinalo lang iyon ng tatawa tawa, ganyan siya ka abnormal para magbago agad ang mood niya.

"I'm just kidding" tatawa tawa niyang ani sabay hagis sa unan na hawak niya ngayon dito sa higaan.

Di pa rin naalis ang matalas kong tingin sa kaniya.

"All right. I'm going out, take your time.." pagsuko niya.

Nang pumunta na sa pintuan palabas ay huminto pa siya at sinulyapan ako "Just call me if you need help" pahabol pa nito.

Tipid akong tumango para makalabas na siya. Marahan pa niyang sinarado ang pinto. Huminga ako ng malalim. Paniguradong masakit sa paa ang pagtayo ko nitong mag-isa.

Di naman gaanong malayo ang kabinet ko kase maliit lang ang pwesto ng kwartong ito, pero parang ang sakit talaga ng paa at pati na rin ang sa may likuran ko, nabugbog yata sa pagkabagsak ko.

Kumapit ako sa mga sulok sulok na anong pwede kong makapitan para lang makatayo at makalapit na sa may damitan ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang na nabuksan ko na ang pinto nitong kabinet.

Habang maingat akong nabibihis ay pilit na namang sumasagi sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Kung paano biglaang sumulpot si Sir kaya napapaisip ako na baka nananaginip lang ako. Imposible rin kaseng makatulog ako ng ilang araw.

Naguguluhan na ako dahil parang totoo ang mga nangyari kanina at nasa totoong mundo ako. Ramdam ko kase kanina ang kakaibang temperatura sa katawan ni Sir nang buhatin niya ako at pisilin pa ang hita ko!

Hindi lang yun dahil... Basta.

Napailing ako, pilit binubura ang mga naiisip ko pero saglit na naman akong natulala dahil parang may nagflash na ala-ala sa isip ko. Yun na naman ang panaginip na kung saan may masama sanang balak sa akin si Mr. Amato ngunit dumating ng may galit sa mga mata si Sir Cafaro at di talaga kapani paniwalang nawasak ang bintana na pinaghihinalaan kong doon pumasok si Sir at nacrack naman ang pader na kung saan niya kinwelyuhan si Mr. Amato sa pagkakadiin sa pader.

Nabalik ako sa wisyo ng mapa-igtad pa ako nang may kumatok sa pinto "Eda, are you still there? Malapit ka na bang matapos?"

"Eda?" muli niyang pagtawag mula sa labas at kumatok ulit ng di ako agad nakasagot.

"O-Oo. Malapit na, heto na patapos na ako! Sandali lang!" pasigaw kong ani para marinig ako.

"Hindi ka ba nahihirapan? Sabihin mo lang so that I can help you" nagsalubong ang mga kilay kong napatingin sa pinto.

'Leche flan ka talagang mokong ka! Wag mong sabihing tutulungan mo akong magbihis?! Lalaki ka at babae ako!'

"Leche flan! Umalis ka na nga! Sinabing matatapos na ako!" pasigaw kong ani na may inis sa tono pero ang lokoloko, narinig ko ang mahinang hagikhik niya mula sa labas.

Maya't maya pa ay natapos na akong magbihis. Niligpit ko muna ang mga gamit dito, binalik ko na ang planggana at sinampay ang bimpo matapos labhan, yun ang mga ginamit ko kanina. Kahit nahihirapan maglakad ayaw ko kase ng makalat.

Nangbuksan ko na ang pinto ay nakita ko si Blake na nasa gilid lang pala nitong pintuan. Nakakros ang mga paa habang nakatayong nakasandal sa pader. Busy sa phone niya na parang may tinitignan doon at ngingiti ngiti doon.

Napaayos siya ng tayo na napatingin sa akin at kaagad itinago ang phone niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko kase kung di ako nagkakamali nakita ko yung mukha ko sa phone niya.

"Ano yan?" patukoy ko sa phone niya.

"Huh? Ang alin? W-wala ah. Wala" halatang nagmamaang-maangan pa siya.

Tinaasan ko siya ng kilay "Let's g-----" aakma na siyang aalalayan ako pero nagsalita na ako.

"Patingin ako" aniko.

"A-ang alin?"

"Yung phone mo"

"Bakit?"

"Basta"

"Wala yun. Tara na----"

"Akin na sabi, ang kulit"

"Wala nga yun sabi ang kulit" pagtanggi pa nito. Ginagaya pa ang tono ko na ikinasalubong ng kilay ko.

"Leche flan naman, titignan ko lang, bat ayaw mong pakita?"

"Eh kase cellphone ko ito, privacy. Sa akin 'to kaya wala kang magagawa kung ayaw kong ibigay sayo" balik pa niyang pagpoprotesta na niyakap pa ang phone niya.

Nginiwian ko siya.

Ibinaling ang tingin sa kawalan, kunwareng sumimangot. Nakakapit lang ako sa pasimano ng pintuan, baka mamaya matumba ako.

"Let's go-----"

"Ayaw ko nga" pagsusungit ko pa na palihim sumusulyap sa hawak niyang phone.

"Tch. Tara na sabi" inalalayan pa niya ako na maglakad pero nanatili lang akong nakatayo doon.

Bumaba ang tingin niya sakin.

Pasimple ko namang tinignan ang phone na hawak niya habang hawak niya rin ako sa magkabilaang braso para alalayan ako.

"Eda-----" natigil siya ng kaagad kong naagaw ang phone sa kamay niya na parang bubwit na snatcher.

Sabay pa ika ikang lumayo para di niya maaagaw na tumalikod pa sa gawi niya at binuksan ang screen nun.

Nangunot ang nuo ko ng makitang kailangan ng password yun. Nilingon ko siya at sumalubong ang pagkakakunot rin ng nuo niya na hinayaan ako.

"Password" iniwagayway ko pa ang phone niya, naghihintay na sabihin ang password doon.

"Bakit ko sasabihin?"

"Kase sinabi ko"

"Sabi mo phone lang kukunin mo bakit pati password?"

"Oh eh pano ko makikita kung di mo sasabihin?" pagsusungit ko pa, ako na nga may kailangan ako pa may ganang magsungit.

"No" pagmamatigas nito, mukhang nawala ang mood niya nang naglakad na siya paalis, di na binawi ang phone niya sakin. Napasunod ako ng tingin.

'Ay moody si mokong? May regla ka boy?'

Napangisi ako ng makaisip ng idea, para bang may bumbilya sa may uluhan ko.

"Hoy teka lang!.. Sandali lang kase uy!" kunware ko pa siyang hinahabol dahil ang sakit talaga ng paa ko "Aray!" nagkunware akong napatid pero kahi kailan ang tanga ko talaga. Parang natotoo akong nadapa.

"Eda!" walang kasing bilis siyang napakaripas ng takbo papunta sa akin at tinulungan akong makatayo. Hindi ako binitawan hangga't di ako nakakakapit kung saan.

"Hindi ka kase nag-iingat! Yan tuloy, tignan mo nangyari sa siko mo!" bahagya pa akong napa-igtad sa kinatatayuan.

Napatingin naman ako sa siko ko. Nasugatan pala, di ko agad naramdaman, pano kase mas masakit ang paa ko.

Napanguso na lang akong napayuko.

'Kasalanan mo tapos ako pa talaga sinisisi mo, ayaw pa kaseng ibigay ang password. Ang sarap batukan!'

Marahas siyang napabuga ng hininga.

"Give me my phone" inilahad ang kamay niya sa harap ko.

Kaagad kong tinago ang phone niya sa likuran ko, ayaw ibigay iyon.

"I'll put the password.." pailalim ko siyang tinignan sa pagkakayuko ko. Yumuko ulit, ayaw maniwala. Baka kase mamaya di naman pala totoo.

Marahas ulit siyang napabuga ng hininga na para bang suko na.

"Fine. Ok. Ok.. The password is your name and my surname" aniya.

Halos abot teng ang ngiti ko saka nagtype doon.

your name and my surname

Nangunot pa ang nuo ko ng mali ang password na nakalagay.

"Nakikipaglokohan ka ba sakin?" aniko dito.

Napataas ang parehong kilay niya habang naka amba ang mga braso niya sakin, para bang matutumba ulit ako ng di oras.

"What? Yun nga kase yung password. I'm telling the truth"

"Oh eh bakit ayaw?" hinarap ko pa ang screen ng phone sa kaniya.

"Tch. Ang loading mo naman" kumunot ang nuo niya habang ako naman ang napataasang kilay, nang insulto pa ang mokong "Eda Farnacio kase ang password, are you happy now?" parang napipilitan pa niyang ani.

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkabigla na tuluyang napaangat ng tingin sa kanya.

Umiwas siya ng tingin pero nakalahad pa rin ang mga braso niya, nakaakmang sasaluin ako sa oras na matumba ulit ako kahit joke lang yun kanina.

Di na lang ako nagsalita at sinulat ang password doon. Bahagya pa akong nabigla dahil yun nga ang password.

'Bakit ganon ang password niya?.. Anong trip nito at pinang password pa ang pangalan ko'

Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat dahil napaka-OA ko, joke. Napatakip pa ako sa bibig ko, kase ang baho, joke ulit. Nag toothbrush ako.

Kase naman mga stolen pictures ko lahat yung nasa gallery niya. Karamihan doon ay nagbabasa ako ng libro, meron ding nakatulugan ko na ang pagbabasa ng libro habang mag-isa na lang ako sa room, sa anggulo ng kamera ay mukhang nakapwesto ito ng patago.

Ang ilan sa mga pictures ko ay nakaduko ako sa table habang natutulog.

Salubong ang mga kilay kong unti unting nag-angat muli ng tingin sa kaniya, nahuli ko siyang nakatitig na pala pero agad siyang mabilis na umiwas. Nakalahad pa rin ang mga braso na ang isa ay isinandal sa may pader.

"Bakit.." yun ang unang lumabas na bibig ko, di matuloy ang sasabihin. Napapakamot siya sa batok niya habang di makatingin sakin.

"Nangi-stalk ka ba?" napapangiwi kong taong.

Sinulyapan niya lang ako.

"Akin na nga yan" hinayaan ko lang siyang agawin muli ang phone niya, isinuksok sa bulsa n'ya.

Magsasalita pa sana ako nang hawak niya muli ako sa magkabilang braso para alalayan.

"Let's go----"

"Teka, sagutin mo muna ako----"

"Tara na nga sabi" pampuputol niya sa sasabihin ko, malumanay lang ang pagkakasabi pero may diin sa salita.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin, aakma pa siyang lalapit ulit sa pag-aakalang matutumba ako pero nakakapit lang ako kung saan.

"Bakit may mga pictures ako sa phone mo. Ikaw ba kumuha niyan?------"

"I said let's go!" nabigla ako sa pagtaas ng boses niya.

Magsasalita pa sana ako dahil sa pagtaas ng boses niya at balak pa siyang sungitan nang magsalita siya.

"Can you please, be careful, woman?" napakaseryoso na ng mukha niya nang umatras pa ako ng pa ika. Para bang problemado pa niya kung matumba ulit ako.

Muli na sana akong magtatangkang magsalita ng mapatili ako sa biglaan niyang pagbuhat sa akin ng walang pasabi kaya mabilis akong napayakap sa may leeg niya sa takot na mahulog.

"Ano ba! Ibaba mo nga ak-----"

"Kung di ka mananahimik, hahalikan talaga kita! Tignan mo pinaggagawa mo sa sarili mo. Nabugbog na nga paa mo tapos ang tigas pa ng ulo mo!" napayuko akong napapikit sa pagbulyaw niya sakin, mukhang napipikon na nga siya sakin.

Natigilan man sa una niyang nasabi ay nanahimik na lang ako sa takot na baka gawin niya nga 'yun.

Marahan siyang napabuga ng hininga matapos kong makita sa gilid ng mata kong tinignan niya pa ako saglit.

"I'm sorry.." umangat ang tingin ko sa kanya. Nagtataka.

"I didn't mean to shout at you.." pahina ng pahina nyang sabi.

Siya ang umiwas ng tingin matapos humingi ng tawad at nagumpisa ng maglakad habang bitbit ako.

Natulala na lang ako sa kawalan. Di ko makalimutan ang mga pictures ko sa phone niya.

Napapaisip kase ako tungkol sa nararamdaman ko na parateng may nakasunod sa akin tuwing papalubog na ang araw.

'Hindi kaya... si Blake 'yung nararamdaman ko?... Pero... Sa mga pagkakakuha ng litrato ko.. maliwanag pa naman doon?'

'Leche flan, ang gulo!'

****

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
154K 8.7K 43
Tagalog Vampire-Romance story. Ano ang gagawin mo kapag tumira ka sa isang mansion kasama ang mga bampira? Ikaw ba ay matatakot o magmamahal? Hindi m...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
8.9K 639 73
This Series is Connected to Marcos Family where the 17th President of the Republic of the Philippines has a Daughter named "MARIA LOUISSE ERICA CASSA...