Marin Diaries: Jasmine [COMPL...

By 97bambi26

3.6K 244 2

The firstborn of Marin. A radio dj who doesn't fall in love so easily. Ngunit dumating ang hindi inaasahang l... More

Note
Marin Diaries: Jasmine
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 36
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
Pahina 40
Huling Pahina (Cain Galleni)

Pahina 15

66 7 0
By 97bambi26

15

Gusto kong tumakbo palabas ng opisina ni sir Cain at tumawa na hindi na ito kaharap. He can't be serious at what he said. Hindi ko alam kung ano ang gusto nito o kung ano ang trip nito sa buhay para isali ako sa kalokohan nito.



Kung biro lang ang mga sinasabi nito ay mas mabuti pang talikuran ko siya ngayon at palitan si Hito na syang temporaryong umupo sa shift ko. Ang sa akin lang, bakit nag-aaksaya ito ng oras para sa mga biro nito? Bakit hindi nalang siya maghanap ng iba na iyong walang trabaho at iyon ang guluhin nya?



"You're laughing at what I just said"



Mabilis akong umiling para ideny ang bintang nito. Sa totoo lang ay sobrang tawa ko na sa aking utak. Ang tingin ko dito ay para itong nakakain ng langaw kaya hindi magawang makapag-isip ng maayos.



"Amuse na amuse ka. 'Wag mong ideny. I can see it clearly in your eyes"



"Sir naman kasi" wika ko. Pilit kong sineryoso ang boses kahit nauunat ang bibig ko sa pinipigilang tawa. "Anong trip n'yo, po?



Huminga ito ng malalim.



"You're not taking me seriously, Jasmine"



Tumikhim ako pagkakitang mukhang seryoso talaga ito. Hinintay ko lang kasi ang oras na tatawa ito at sisigaw na 'it's a prank!'. Mukha yatang hindi iyon darating base sa pag-iigting ng panga nito. Nagdikit din ang makakapal na kilay habang matalim itong nakattig sa akin.



"I... uhm... I'm sorry, sir"



Shit! Seryoso talaga ang boss kong ito?



"Don't call me 'sir'"



Nakagat ko ang loob ng aking pisngi sa lalim ng boses nito. Dios mio! Bakit ako ang napili nito?



Mas gugustuhin ko pa iyong mga araw na galit ito sa akin. At least hindi ko siya nakikita madalas ng mga araw na iyon.



Panic at gulat naman ang dala nito ngayon sa akin. He was gone for days. Akala ko tatagal pa iyon.



I was supposed to ask him if he's okay after what happened noong anihan. Ngunit siya ang naunang magtanong sa akin sa hindi ko alam paano sagutin na tanong.



Tikom ang aking bibig. Unti-unti ding umusbong ang kaba ko sa mga titig nito.



"Don't worry. I will give you time to think but first I want you to stop calling me 'sir'"



May tanong ako na hindi ko maisaliwalat dito. Bakit ako? Sa daming mga babae sa mundo? He can't really be serious, right?



Isa pa, ang alam ko hindi pa ito nakamove on sa dating karelasyon nito. It was his greatest love. I noticed the way he got angry every time he had a conversation with his mother about it.



Dahan-dahan akong humakbang paatras habang nakaharap pa rin dito. I need to escape from his office. Hindi ko alam kung bakit pero nasilyado ang bibig ko kanina pa. I was just listening at the words came out from his mouth.



Malapit na ako sa pintuan ng opisina nito nang tumalikod ako. Naihakbang ko ang aking paa pagkabukas ng pintuan pero natigil ang din sa paghakbang nong nagsalita itong muli.



"Know this, Jasmine. I will give you time to think but not much time. Maghanda ka isang araw. I'm on your doorstep ready to hear your decision"



Parang naglalakad ako sa hangin patungong elevator. Hindi ko na napansina ng pagsunod ng mga tingin sa nagtatrabaho sa palapag na iyon. Gulat at lito sa nangyari.



Tulala akong dumating sa studio. Agad din akong nilapitan nila J pagka-upo ko sa couch. Kahit si Arlon na hindi ko nakitang tumayo sa upuan nito tuwing nasa trabaho ay mabilis akong nilapitan.



"Anong nangyari?"



Tumikhim si Hans at tumingin kay Arlon. Talim lang ng tingin ang iginawad ni Arlon dito bago bumaling ulit sa akin.



"What did he say?" tanong nito



"Wala" sabay iling ko



Wala na ako sa opisina ni sir Cain pero paulit-ulit namang naglalaro sa isip ko ang mga sinasabi nito. I can simply say no kanina pero hindi ko maibuka ang bibig sa gulat.



"Sigurado ka? Para kang nakakita ng multo e" si Hans



"Y-yeah! Okay lang. Napagod lang sa layo ng opisina ni sir Cain" kaila ko



"Saan ka napagod? Sa kakatayo sa elevator? O sa mabilang lang na lakad mula sa opisina ni boss papuntang elevator?"



"Shut up, Hans" si Arlon at muling binigyan ng matalim na tingin ang una




"You can have a 5 minutes rest bago pumalit kay Hito, Jas. Gather your self bago ka pumasok sa studio"



"Thanks, J" binigyan ko ito ng munting ngiti. He smiled back. Tinapik muna ang aking balikat bago naglakad papuntang pantry.



"Are you sure you're okay?"



"Okay lang talaga ako, Arlon. Salamat"



Hindi man ito nakumbinsi sa sagot ko ay tumango pa rin ito. Hindi pinutol ang tingin sa akin bago bumalik sa upuan. I gave him a smile to convince him more.



Ayaw kong sabihin sa kanila ang nangyari sa opisina ni sir Cain, noh! Una nakakahiya. Pangalawa, weird ang nangyari. Alam nila na hindi maganda ang pakikitungo ni sir Cain sa amin lalo na sa akin. Pangatlo, hindi nila ako paniniwalaan o pagtatawanan lang nila ako. Nangunguna na ang dalawang unggoy sa station namin.



Isang tapik sa aking balikat mula kay Hans bago ito sumunod kay Arlon. Katulad din nong kay J at Arlon, binigyan ko ng ngiti si Hans.



Nagsimula na din akong bumalik sa aking sarili. Matibay na din ang sagot ko para sa sinabi ni sir Cain kanina.



Isang malaki at matayog na 'NO'. Hindi ko siya gusto. Hindi maayos ang relasyon nito sa ina at hindi ko alam kung pati sa ama nito. It's a big no no for me if you're not in good terms with your family. It also seem that he's not yet over with his ex.



Pwede naman kaming magkaibigan. Hindi ako sigurado kung meron s'ya non. Pero handa ako na maging kaibigan s'ya. Mukha kasing kailangan nito ng isang tao na makikinig dito. He look broken na nagpapanggap na hindi.



Pagkalabas ni Hito sa studio ay pumalit din ako kaagad. Nagawa pa nitong sumingit ng biro na sinagot ko ng mahinang suntok sa balikat.



"Kahit isang araw lang, Hito. Tigilan mo ang pangungulit sa akin. Pwede ba? Baka isang araw ubos na iyang ngipin mo kapag nasuntok ko"



"Ano ka si Hulk?" natatawang sagot naman nito



"Hindi.Pero magiging hulk-luban ka kapag na suntok kita ulit"



Natigil lang ito sa kakaasar nong sinaway ito ni J na kababalik lang mula sa pantry. May dalang mainit na kape sa loob ng mug. Mahigpit na inakbayan ni J si Hito at hinila paalis sa harapan ko. Nagpupumiglas ang huli para makalayo kay J na nagbibirong itatapon ang mainit na kape dito.



Umiiling akong pumasok sa studio. Huminga ako ng malalim. Sinubakang alisin lahat na bumabagabag sa aking isipan bago isinuot ang headset. Pagkabuka ko sa aking bibig upang batiin ang lahat na nakikinig sa programa ay parang pitik ng mga kamay ni Thanos. Nabura ang nasa aking isipan na hindi kailangan sa oras na iyon. Trabaho at kung ano lang ang sasabihin ko sa harap ng mikropono ang natira.



Natapos ko ang shift ko na maayos katulad ng nakasanayan. Trending topic na nangyayari sa Pilipinas. Tanggap ng mga caller para pakinggan ang kanilang mga opinyon. I was back at my usual self. Hindi ko na rin pinoproblema na uupo ako sa Midnight Love dahil tinanggal na ako doon ni Ms. Joyce. Buti nalang.



Though, marami ang nagre-request na bumalik ako doon. Tinawanan ko nalang ang ibang paulit-ulit. Minsan nililihis ko ang topic but in a smooth way. As a radio dj I'm good at that. Nasanay na din kasi ako na kapag may sensitibong salita mula sa mga caller na hindi pwedeng I-on air, pasimpleng ililihis na hindi halata.



"Mauna na ako, Hans. Arlon" wika ko sa abalang mga lalaki



Unang nagtaas ng tingin sa akin si Arlon. Bahagya din itong tumayo mula sa kinauupuan.



"O san ka?" tanong ni Hans dito



"Hatid ko lang" naubo si Hans. Tila hindi inaasahan ang sa sagot ni Arlon.



Parang walang narinig si Arlon at tumayo na ng tuluyan.



"Huwag na, Arlon. Kaya ko na"



"Kaya na daw ng lablab mo. Dito ka na lang" si Hans ulit



Muling binalewala iyon ni Arlon. Ako naman ay tiningnan si Hans na parang alien ito.



"Tayo na?"



"Kaya ko na, Arlon." muli kong wika. Inalis ko na ang tingin ko kay Hans. "Isa pa may trabaho ka pa dito" dagdag ko nang maalala si sir Cain. Baka makita ulit kaming magkasama ni Arlon at kung ano-ano na naman ang iisipin nito. Oras pa ngayon ng trabaho ni Arlon at ayokong mapagalitan ito.



"I want to know kung maayos kang nakakarating sa parking lot. Kahit iyon lang since hindi kita pwedeng ihatid sa apartment mo"



Eksaheradong umubo si Hans sa tabi ni Arlon. Isang batok kaagad ang natanggap nito mula sa huli.



"Kaya ko na. Seryoso. Isang taon mahigit ko na itong ginagawa, noh" natatawa kong sabi "Nandoon naman sina kuya sa baba kaya okay lang talaga" tukoy ko sa mga security guard ng building.



Sa huli ay sumuko si Arlon. Bagsak ang balikat nitong naupo.



"Kaya ko na talaga" muli kong sabi bago tuluyang umalis sa station



Kagaya nang sinabi ko kanina, dalawang security guard ang nandoon sa parking lot. Isa ang naglalakad habang may dalang flashlight at ang isa ay nasa gate nakatayo.



Binati ko silang dalawa habang sinuot ang helmet na bumagay sa puti kong scooter. Kumaway si kuyang guard na may dalang flashlight bago lumiko pakabilang building para doon naman magch-check sa paligid.



"Ingat, Jas!" si kuyang guard naman na nasa gate ang kumaway sa akin



Kumaway ako dito bago pinaharurot ang aking scooter paalis. Dahil hating gabi at wala nang traffic sa Makati, mabilis kong narating ang aking apartment.



Ginawa ko ang nakasanayan kong gawin bago matulog. Naligo, nagpalit ng malinis na pampatulog at nagtoothbrush.



Dahil siguro sa biyahe kanina at sa paglilinis ko kanina kaagad akong dinalaw ng antok pagkahiga ko pa lang sa aking kama.



Kinabuksan, bumalik sa normal ang araw ko. Inaasar pa rin ako ni Hito at ni Hans kay Arlon. Ang huli naman ay hindi pinapansin ang dalawa. Walang ring sir Cain na nagpapakita.



Lumipas ang ilang mga araw pa na walang sir Cain. Ikinatuwa ko iyon ng malaki. Sumagi na din sa isip ko na naglalaro lang ito. Na may nahanap na itong mapagtripan imbes na ako. Siguro mas mabilis maloko ang bago nitong hanap kaysa sa akin.



I can only show how grateful I am for that in silent. Kung tama ang inisip ko. Halos isang linggo pagkatapos nong huli kong kita kay sir Cain, dahan-dahang nabura ang mga sinasabi nito sa aking utak. Hindi ko na iyon niisip pagkatapos ng dalawang araw.



Dahil na din abala sa trabaho at pagmamanage sa bukid habang nandito sa Manila, mas lalong hindi ko na iniisip iyon. Kakatawag lang ni Vanda kagabi na handa na daw ang palayan sa panibagong taniman kaya naging abala na din ako doon.



Sabado ng gabi, kakatapos ko lang sa shift ko at naghahanda ng umuwi nong tumayo si Arlon sa kinauupuan nito. Seryoso itong nakatingin sa akin.



"Ihahatid ko lang sa baba" inunahan na nito si Hans na bumuka ang bibig upang magtatanong sana



"Kaya ko na, Arlon"



Hindi katulad ng nauna, hindi ito tumigil hangga't hindi ako pumayag. Naiiling na lang si Hans na may nakakalokong ngiti sa labi bago bumaling ulit sa computer na nasa harap nito. Mabuti nalang at wala na si Hito kung hindi kanina pa ito nang aasar. Mas mapang asar kasi ang unggoy na iyon kaysa dito kay Hans. Pero pareho pa rin silang pinanggigigilan kong ibaon sa pilapil.



Tahimik na iginiya ako ni Arlon papasok sa elevator. Nagpasalamat ako dito bago pumasok. Si Arlon ang nagpindon ng elevator button pa ground floor pagkapasok naming dalawa.



Mabilis din naman kaming nakaabot sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng glass door palabas ng lobby sa building. At mula sa aming kinatatayuan ay tanaw ko na kaagad ang aking scooter. Katabi ang isang magarang sasakyan na siguradong pagmamay-ari iyon ng isa sa nagtatrabaho sa loob ng building.



"Let's go?" si Arlon, marahan nitong hinawakan ang aking siko. Umestwera ang kamay pababa sa limang hakbang na hagdan para marating ang aking scooter.



Ngumiti ako sa kanya at nagpatianod na. Hating gabi na kaya tahimik ang buong paligid. Kaunti nalang din ang tao sa loob at labas ng building. Rinig ko ang malalim na hininga ni Arlon nang makarating kami sa aking scooter.



"Salamat sa paghatid" wika ko dito "Kahit kaya ko naman" sinundan ko pa iyon ng mahinang tawa para hindi maging iba ang dating dito. "Nakakahiya tuloy" isinuot ko ang aking helmet habang nakatingin ito sa akin.



"Okay lang, Jas. Actually, I have something to tell you" huminga ito ng malalim na tila nahihirapang kumuha ng hangin



Naitaas ko ang kanang kilay ko. Naghihintay kung ano ang susunod nitong sasabihin.



"I insisted na ihatid ka dahil ayokong doon ko sasabihin sa station. You know how naughty and nosy our co-workers are" natawa ito kaya natawa na rin ako



May kaunting ideya nang nabuo sa utak ko kung saan patungo ang sasabihin nito. Awkward man, ay hindi ko iyon pinahahalata. Arlon's a great man. He disappointed me one time but he admitted his mistake. He said his sorry multiple times. Kita ko rin kung gaano ito nagsisisi sa ginawa. And I forgave him.



He sighed again.



"Tomorrow's our day-off, right?" tumango ako "I wanna ask you out"



Sasagot na sana ako nang maunahan ako nito. Napakamot pa ito sa batok.



"If you're not busy. Kung may gagawin ka, okay lang"



"Wala pa akong plano bukas kaya pwede tayong lumabas"



Ewan ko ba. Ayokong hindi-an si Arlon. He's a nice friend at kung friendly date lang naman ang niyaya nito. Wala iyong problema. I can't crush the hope he had on his eyes that night.



Tulog na si Lotus sa kuwarto nito nong dumating ako. Nakahiga na ako sa aking kama at inuulit ang mga sinasabi ni Arlon.



Ang akala ko hanggang pagyaya lang nito sa akin na lumabas bukas ang sasabihin nito. Ngunit dinagdagan pa nito ang sinabi na nagpalaki sa aking mga mata.



Hindi ko inakala na ang pagtutukso nila ni Hito at Hans ay totoo pala. I was shocked and stunned. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis doon na habang gulat pa.



This is his exact words na hindi ko alam kung paano sasagutin. It bothers me at the same time too.



"I like you, Jasmine. Sana pagbigyan mo ako. I like you and I like you more and more each passing day"


----------------------------------------------------------------------------------------------------------

2-23-21

8:24

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...