Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

23K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 15

261 48 6
By Formidable_Writer

Wala sa sarili akong napatayo sa kinauupuan ko habang nanlalaki ang mga mata sa gulat na napatingin sa padabog na nag ukas ng pinto

'S-Sir Cafaro?!'

Nagtama ang aming paningin pero mukhang di naman sya nagulat sa presensya ko dito at parang wala lang bago inalis ang tingin sa akin

Napatingin naman ako sa babaeng kasunod niya na mas lalo kong ikinabigla

'Nurse J-Jeralene?!'

Nagtama rin ang aming paningin pero tulad ni Sir ay wala man lang itong karea-reaksyon, para bang alam na nila na nandito ako

'Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito?.... Bisita rin ba sila?' sunod sunod na tanong ko sa isip

Dahil sa pagkakayakap ni Nurse Jeralene sa braso ni Sir ay napaiwas ako ng tingin pero tumama ang paningin ko sa mga suot nila. Nakaitim silang suot na parehong pormal. Bumagay kay Nurse Jeralene ang suot niya, bakas na may maganda itong hubog ng katawan, pagdating naman kay Sir ay lalong nadagdagan ang kalakasan ng appeal niya, idagdag mo pa ang buhok niyang naka brush up.

'Sabi ko na lamay talaga tong pinuntahan ko'

Para bang napaka-awkward para sakin ang makitang ako lang ang naiiba ang kulay ng damit na suot. Ganoon na lang ako nahihiya sa suot ko, di dahil sa nabili lang to sa ukay ukay at pinaglumaan ni Mama, kundi dahil ako lang talaga ang naiiba.

Mayamaya pa, matapos ng saglit na katahimikan ay rinig ko ang yapak ng kung sino, si Mr. Amato pala na wala na sa gilid ko kundi nasa gitna na sya at diretsong tinignan si....

Napasunod rin ako ng tingin sa kung saan sya nakatingin, kay Sir Cafaro na wala man lang nagbago sa walang emosyon niyang mukha. Bumalik ang tingin ko kay Mr. Amato at naitikom ko ang bibig ko ng bigla na lang umangat ang gilid ng labi niya habang nagpapalitan ng matalas na tingin kay Sir Cafaro

'Magkakilala ba sila?... Magka-ano ano sila?'

"Sei in ritardo" (You're late) ani Mr. Amato na nakatingin parin kay Sir Cafaro

Yun na naman ang lengwaheng sila lang ang nagkakaintindihan. Di nagsalita si Sir Cafaro, sa halip ay bumuntong hininga lang sya.

Napakatahimik ng paligid, aakalain mong walang ka tao-tao dito habang ako tulalang pinapanood sila at nakalimutang nagtatrabaho pala ako dito

Di ko kase napansin na ang ilan sa kanila, kabilang na doon sina Nurse Jeralene, Mr. Amato at Sir Cafaro na magkaharapan sa magkabilang dulo ng mesa habang katabi naman ni Sir Cafaro ang Nurse ay nakaupo na sa mahabang mesa na napapaligiran ng may katamtamang laki na bilugang mesa kung saan nakaupo ang ibang mga bisita

Lahat sila ay sabay sabay na napatingin sa akin na ikinakaba ko

'May ginawa ba akong masama?'

Napalunok ako ng kita ko ang matunog na pagngisi ni Mr. Amato na parang natatawa ng bahagya, sumenyas sya sa Butler na matandang lalaki bago yun naglakad papalapit sa akin

"Wari'y ikaw ay nakalimot na ika'y musikera sa selebrasyong ito?" sa sinabi ng matanda ay natauhan ako at napatingin sa sariling kinatatayuan

'Leche Flan! Ako na lang pala ang nakatayo! My gas!'

"S-sorry po, tutugtog na po ako, hehe" napakamot sa ulo kong ani bago mabilis na natatarantang na-upo at ipinwesto ang mga kamay sa keys ng piano

'Anong sunod kong tutugtugin?.... Di naman pupwedeng paulit ulit ako.... Eda. Isip. Isip. Dali!'

Humugot ako ng malalim na hininga bago nilibot ang paningin para saglit silang pagmasdan pero hindi rin nagtagal ng makitang nakatingin parin sila sakin at parang hinahantay pa nila ako, nahinto ang paningin ko kay Sir Cafaro at medyo nakakaramdam ng luwag sa dibdib ng di na sila magkadikit nung Nurse. Di ko alam kung bakit ako ganito na-aapektuhan

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa piano at naisip tugtugin ang Clair de Lune by Claude Debussy, tutal ay nauubusan na ako ng ideya dahil nakakatense pala na pakiramdam mo na ikaw lang ang naiiba at lahat sila sayo nakatingin.

Nagumpisa ko ng kalabitin isa isa ang mga keys kahit alam kong hindi naman pang masigla ang tunog na ito sa halip ay ibinagay ko lang sa suot nila

Todo focus pa ako dito sa pagtugtog para hindi magkamali, sinubukan kong lumingom sa gawi nila at medyo nakahinga ng maluwag ng kanya kanya na silang usap-usapan

"Qual è la tua intenzione?" (What's your intention?) pangbabasag ni Sir Cafaro sa kanilang hapagkainan

Di agad sumagod si Mr. Amato na sa tingin ko ay sya ang kinakausap niya, kita ko lang ang pagangat ng gilid ng labi niya habang nagsilabasan ang mga waiter and waitress sa kung saan, bitbit ang naglalakihang mga lalagyanan ng kanilang mga handa at isa isang nilalapag sa bawat mesa na andito. Ganon sila kayaman

Nagpapalitan ang tingin ko sa piano at sa gawi nila, nagmumukha tuloy akong chismosa

Mayamaya pa ay parang mga sundalo na sabay sabay na luminya at tuwid na tumayo ang mga waitress at waiter sa bawat sulok ng sa may nakaupo habang sabay sabay na hinawakan ang takip ng mga pagkain

"Su!" (Up!) mataas na boses na ani ng mukhang butler dahilan para sabay sabay na iniangat ng mga ito ang mga takip sa handaan

Gusto kong mamangha sa pagiging disiplinado nila, para talaga akong nasa palasyo ng mga royal family

Napangiwi ako bigla sa amoy ng mga pagkain na handa nila, di ko masyadong makita kung ano ang mga nakalapag na pagkain dahil sa bahagya kong layo sa gawi nila pero gayon pa man ay matapang ang amoy nito na may na-aamoy akong baho mula mismo sa mga pagkaing nakalapag. Pansin ko rin na halos karne yata na hindi gaanong luto ang nakalagay doon dahil kulay pula at mukhang sariwa ang itsura nun

"Buon appetito a tutti!" (Enjoy your food everyone!) malakas na ani Mr. Amato na nag-aanunsyo siguro para marinig ng lahat at kasabay nun ang pagngiti nila

Nagpatuloy ako sa pagtugtog na papatapos na

"sì sua altezza!" (Yes, your Highness!) parang bigla akong nangilabot sa sabay sabay na ani ng mga bisita maliban kela Nurse Jeralene at Sir Cafaro

"Sei appena arrivato prima. Calmati... È il mio compleanno, per favore non rovinare la mia notte" (You just arrived earlier. Calm down... It's my birthday, please don't ruin my night)

'Iba na talaga ang kutob ko dito'

Napatingin muli ako sa gawi nila, kita ko na ang pagngisi ni Mr. Amato habang diretso ang tingin sa kanilang dalawa, parehong matatalas na lalo ang tingin nina Nurse Jeralene at Sir Cafaro kay Mr. Amato na para bang may hindi sila nagugustuhan at...

Nahinto na ako ng tuluyan sa pagtugtog ng magulat ako kung gaano ka takaw na takaw kumain ang mga bisita na halos kinakamay na nila ang mga pagkain at kulang na lang ay mag-agawan

Bumibilis na naman ang kalabog ng puso ko at laglag pangang nailibot ang paningin, ngayon lang kase ako nakakita ng mga mukhang mayayaman at formal na mga suot pero parang mga patay gutom kung kumain

"cosa vuoi?" (what do you want?) malamig at tipid na pagkakasabi ni Sir Cafaro sa kanya

Ilang saglit pa bago nagreak si Mr. Amato at nadagdagan ang kaba ko ng dahan dahan syang tumingin sa gawi ko at nginitian ako ng nakakaloko. Di ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman kong takot tuloy ay nabaling muli ako sa piano sa harap ko dahil sa nerbyos

'Luh! My gas, ano nga ulit yung tinutugtog ko?'

"Davvero vuoi saperlo?" (Do you really want to know?)

Tutugtog sana ulit ako ng magsalita na si Mr. Amato at naitikom ko ang bibig ko sabay mabigat na napalunok ng makitang nakatingin na ito sakin diretso sa mga mata ko pero napapaiwas iwas ako ng tingin na di makadiretso ng tingin sa kanya sa halo halong emosyon kong nararamdaman

"Vuoi sapere o vuoi che te lo faccia sapere anche se lo sai già?" (Do you want to know or do you want me to let you know even though you already know it?) sinabi niya muna iyon na nakatingin sa akin bago matunog na ngumisi at tumingin muli kay Sir Cafaro

"ti avverto" (I warn you)

Kahit di ko naiintindihan ang mga pinagsasabi nila pero sa dating ng pagkakasabi nun ni Sir Cafaro ay para niyang binabalaan si Mr. Amato sa di malamang dahilan base sa lamig ng itsura niya ngayon

Wala mang mababasang galit sa mukha ay mararamdaman mo naman sa paraan ng kaniyang pananalita

Umangat na naman muli ang gilid ng labi ni Mr. Amato saka hinawakan ang wine glass niya dahilan para lagyan yun ng laman ng isang waiter na kinuha ang stainless na pitsel

Pulang likido ang lumabas doon kaya sa tingin ko ay wine na naman, pero ang pinagtataka ko lang kung bakit hindi bote mismo ang pinaglagyan nun, nagtataka din ako kung bakit wala man lang akong nakikitang inumin na tubig ni isa sa mesa nila, sa halip ay puro red wine lang yata

"Perché? Non la possiedi, Dontai" (Why? You don't own her, Dontai) sinabi iyon ni Mr. Amato habang hinahalo halo ang red wine sa bitbit niyang glass wine

"Vediamo" (Let's see) tipid na namang ani Sir Cafaro na mahihimigan pa rin ang pagiging malamig na may nandidilim na mukha, kulang na lang siguro ay kaya niya ng pumatay sa tingin na iyon

'Ano bang pinag-uusapan nila? Wala bang subtitle o translator ko man lang, chismosa lang peg ko'

Saglit na katahimikan muli sa mesa nila, habang ang katable naman nila na mukhang may mga edad na pero mukha paring bata ay nakikinig lang sa usapan at maayos na kumakain di gaya sa...

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng makita ko kung gaano kadungis kumain ang mga bisita dito na may mga sauce na nakakalat sa bibig nila at kahit puno pa ang bunganga ay panay parin ang subo tuloy ay tumutulo sa bibig nila ang sauce, para tuloy may tumutulo na dugo sa bibig nila

Nakakadiri sila panoorin, nakakasuka. Bakit ba parang gutom na gutom at takam na takam sila na halos gigil na gigil na sila sa pagkain? Anong kinakain nila?

(o_0)

Bigla akong napatingin ng may humarang sa harap ko at napatingala ako ng tingin na si Nurse Jeralene pala

"Let's go" mahina niyang ani na kaming dalawa lang siguro ang magkakarinigan

"Ha?... Naku, di pa po ako pwedeng umalis, nagtatrabaho pa po ako dit—————"

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng pabigla akong marahas na pinatayo ni Nurse Jeralene dahilan para matumba ang bangko na kina-uupuan ko at medyo nasasaktan ako sa pagkakawahak niya sa braso ko, para bang may galit

'Leche flan, anong problema nito?! Gusto niya yata ng ayaw! Nananahimik ako di—————'

Natigilan ako ng talasan niya ako ng tingin na para bang may malaki akong kasalanan na nagawa.

'Teka, di niya ba nagustuhan ang tinugtog ko? Di naman ako DJ kung gusto niya ng lively na sound'

Doon ko lang napansin na nahinto sa matunog na salo salong kainan ang naganap kanina sa mga bisita at napatingin sa gawi namin, para bang na-isturbo sila

Lunok.

"Dobbiamo andare, grazie per il cibo" (We need to go, thank you for the food) matapos sabihin yun ni Sir Cafaro na may diin pa sa salita ay tumayo na siya at basta na lang sila tinalikuran nito

Sa paglalakad paalis ni Sir Cafaro ay saka palang ako marahas na kinaladkad nitong Nurse, para bang may malalim syang galit sa akin

Nakakailang hakbang palang si Sir at pagsunod namin sa kanya habang hilahila ako ng Nurse ay nahinto kami sa paglalakad ng may muling nagsalita at sabay kaming dalawa ni Nurse Jeralene napatingin doon

"Non importa quante volte la proteggerai, mi assicurerò di assaggiarla prima ancora che tu te ne accorga" (No matter how many times you protect her, I will make sure I taste her before you even know it)

Pahabol pa ni Mr. Amato na masama siguro ang sinabi dahilan para doon palang sya lingunin ni Sir na salubong na salubong ang mga kilay, kita ang galit sa mga mata niya na di ko na halos masilayan sa pagdidilim nito, ngunit nginisihan lang muli sya ni Mr. Amato

Nakalabas na kami sa palasyo at parahas parin akong ki akaladkad ng Nurse na ito kaya panay ang pagpupumiglas at pagrereklamo ko, nagdadasal na sana tulungan ako ni Sir Cafaro pero mukhang wala syang balak gawin yun dahil diretso lang ang paglalakad niya ng mabilis na nangunguna sa amin

"Aray! Teka. Teka. Teka. Aray naman oh! Teka lang. Ano ba masakit, nasasaktan ak—————" pagrereklamo ko habang kaladkad ako ng marahas ni Nurse Jeralene ng may mabilis ang paglalakad gaya ni Sir Cafaro, para bang may lakad ang peg nila at may date pa silang dalawa

Pero natigilan ako ng marahas akong binitawan ni Nurse Jeralene ng makalayo kami doon sa palasyo, napalakas yata ang pagkabitiw niya dahilan para ma out of balance ako dahil parang may tinatagong syang lakas

Akala ko ay matutumba na ako pero laking gulat ko ng sa isang iglap ay salo salo na ako ni Sir Cafaro at nakahawak sa bewang ko

Di ako nakapagsalit di dahil sa posisyon namin, kung hindi, dahil sa nakita ko mismo sa mga mata ko kung gaano sya kabilis na nakapunta sa gawi ko na parang hangin na hindi na halos makita, para ring multo na bigla na lang nagteleport para saluin ako

'A-ano yun?! P-paanong———ang bilis niya yata m-maglakad o t-tumakbo siguro....'

Wala sa sarili akong naituro sya sa pagkagulat at kita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata niya, mukhang sya ay nagulat sa biglaan niyang pagteleport

Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko lalo ng makita ko mismo harap harapang nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata, yun ang kulay na nasa panaginip ko. Magkahalong kulay Asul na berde pero di ko maipaliwanag ang kulay nun

'I-Ito na naman.... Panaginip na naman ba ito?'

Kasabay ng pandodoble ng paningin ko habang nakatingin sa mga mata niya at ang pagsakit ng ulo ko ay ang malakas na ihip ng malamig na hangin bago biglang nandilim ang paningin ko

****

Continue Reading

You'll Also Like

12K 109 101
You can put these quotes in your stories.. Just made this to help yah guys
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
13.6K 821 55
A probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/strem...