Responsibility To Oath (Fixed...

By ellastic18

327K 6.4K 100

Fixed Series #3 (R-18) Carsen Landrix Fontanilla doesn't believe in love and relationships. But an unexpected... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue

Chapter 36

1.2K 20 0
By ellastic18

Chapter 36

Ngumuso siya. "What time Mommy?"

"Stop asking questions Calia, let's just wait for Dad." si Callum.

Kung titignang maigi, masasabi kong mabilis ang progress ng mga bata. Sa edad nilang iyan ay nakapagsasalita na sila ng maayos, walang bulol bulol o ano. Kung magisip sila minsan ay para bang matanda na, matured na, pero may mga oras din na lumalabas ang pagiging makulit at immature, depende sa sitwasyon. Gumagaling na sila sa pagbabasa at pagsusulat, miski kapag nagsasagot sa mga word games and problems.

Hindi muna kami nagsimulang kumain dahil ayaw pumayag ng mga bata. Talagang desidido sila na hintayin ang kanilang Daddy. Well, mas maganda rin naman iyon, iyong kumain ng sabay-sabay at kumpleto. 

"Pwede naman na tayong kumain kung talagang gutom na kayo," sabi ko. 

Narito kami ngayon sa sala, abala ulit sila sa panonood habang naghihintay. Ang mga ulam sa lamesa ay tinakpan ko na muna para hindi lumamig. 

"Later na Mommy." sabay na naman nila iyong isinagot.

Tumango ako at hindi nalang ulit nagsalita. Lumipas ang ilang minuto at saka pa lamang dumatinng si Calix. Narinig namin ang pagbukas ng gate at ang tunog ng kanyang sasakyan. Bigla namang lumiwanag ang mukha ng dalawa kong anak, tila nabuhayan dahil sa wakas ay dumating na rin ang kanilang Daddy na kanina pa nila hinihintay.

"Daddy's here!" May kalakasang sabi nina Callum at Calia. 

Saktong pagkasabi nila no'n ay siyang pagbukas ng pintuan. Iniluwa nito si Calix. Agad naman na dumako ang paningin niya sa akin at sa mga bata. 

"Daddy!" Patakbong nanakbo ang dalawa papunta sa kanilang ama. Yumakap sila sa binti nito at bahagyang tumingala para magtama ang mga mata nila.

Binalingan ako ni Calix dahil sa ikinilos na iyon ng mga bata. "What is the meaning of this?" tanong niya.

Ngumiti ako, sinulyapan ko muna ang dalawa saka ko tinignan ang aking asawa. "May itatanong sila sa 'yo."

"Ano iyon?" tanong niya.

"Nako mamaya na 'yan, kumain na muna tayo," sabi ko at nauna nang maglakad patungo sa dining. Nang makarating doon ay pinagtatanggal ko na ang takip ng mga ulam. 

Nagsimula kaming kumain matapos ang isang dasal. Si Callum ang naglead no'n. Inabutan ko si Calix ng ulam at kanin. Sumunod naman ay ang mga bata, hinayaan ko silang kumuha ng kanin at ulam nila, basta ba'y kaya nilang ubusin. 

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang biglang magsalita si Calia.

"Daddy..." malambing niyang sabi.

Nilingon  naman siya ng Daddy niya. "What is it baby?"

Nagkatinginan sina Calia at Callum. Sinenyasan pa ni Calia ang kanyang kapatid na sumagot kaya naman wala ng nagawa si Callum kundi sundin ang kagustuhan nito.

"Dad we want some new toys," diretsang ani Callum, walang balak magpaligoy-ligoy.

Nilingon ako ni Calix. 

"Idodonate nila iyong toys nila na hindi na nila ginagamit sa orphanage and in exchange to that, they would like to buy some new toys," paliwanag ko.

"Is that so?" tanong ng aking asawa.

Tumango ako. "Yes."

"Please Daddy!" sabay na namang sinabi iyon ng mga bata. Nagawa pang magpuppy eyes.

"What do you think?" tanong sa akin ni Calix.

"Ayos lang naman sa akin." 

Binalingan na niya ang aming mga anak matapos ko iyong isagot. "Okay, we'll buy new toys," anunsiyo niya.

Nanlaki ang mata nina Callum at Calia. Sa sobrang saya ay lumapit pa sila sa amin para yumakap at magpasalamat. 

"Thank you Mommy and Daddy!" Ginawaran nila kami ng halik sa pisngi. 

Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos. Nagpaalam ako sa hospital na hindi makakapasok ngayon, ganoon din si Calix. Ngayon kasi namin balak dalhin sa orphanage ang mga laruan na napilian nina Callum at Calia kahapon.

Hindi na makapaghintay ang mga bata. Paano ba naman kasi, ngayon din pala pupunta roon sina Lauri at Tusher kasama ang kanilang kambal, gaya namin, mamimigay din sila. Kaya 'ayun, madaling madali sila.

"Mommy, malapit na ba tayo?" tanong ni Callum na panay ang lingon sa magkabilang bintana, tinitignan ang mga nadaraanan naming lugar.

"Yes po," sagot ko agad.

"Yey! We'll see Reid and Reib!" excited na sabi ni Calia. Magkatabi sila ni Callum doon sa likod.

Nagkatinginan kami ni Calix saka natawa. Nakakatuwa na magkakaibigan din miski ang aming mga anak. Mukhang madadagdagan pa nga dahil balita ko'y malapit na ulit manganak si Lauri.

Yup, buntis ulit siya. And this time babae naman. Nakakatatlo na sila pero sina Creed at Ella ay wala pa kahit isa. Well, kapag naman kasi tinatanong namin sila, lagi nilang sinasagot na busy pa sila sa career, na saka nalang.

Lagpas trenta pa naman na si Ella. Sana naman ay hindi siya mahirapang magbuntis if ever.

"We're here," anunsiyo ni Calix. Itinabi na niya ang sasakyan saka niya tinanggal ang seatbelts na suot.

Ganoon din ang ginawa ko. Matapos 'yon ay bumaba na kami. Pinagbuksan namin ng pinto ang dalawang bata at inalalayang bumaba. Ako na ang humawak sa kanila dahil si Calix ang may dala ng dalawang karton.

Sabay sabay kaming pumasok doon, sinalubong kami ni Sister Angel. Siya kasi iyong nakausap ko sa phone noong tumawag ako, kaya siya na rin ang nagwelcome sa amin. Binati niya kami at inanyayahang pumasok sa loob.

Pagpasok namin, nandoon na rin sina Lauri, Tusher, Reid and Reib. Nang makita kami ay patakbong lumapit sa gawi namin ang mga bata. Nagyakapan sila at nagbatian. Nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa nina Lauri at Tusher.

"This is our tradition every year, magmula no'ng dalhin ako rito ni Lauri ay palagi na kaming bumibisita rito," ani Tusher nang maupo kami.

Ang mga bata ay hinayaan na muna namin doon sa labas kasama ang ibang mga bata. Nakakatuwang mabilis nilang nakapagpalagayan ng loob ang mga ito.

"Mahilig kasi ako sa mga bata, kaya 'eto, sabi ko sa sarili ko, soon dadalhin ko rito ang asawa at mga anak ko." si Lauri sabay ngiti.

"Nagawa mo," sabi ko saka siya nilingon na may ngiti sa labi.

"Oo..." Hinaplos niya ang tyan na malaki na. "Soon, pati ang baby girl namin ay isasama na rin namin dito," dagdag niya.

"Ilang anak ba ang balak niyo?" tanong ni Calix, na nakatingin kay Tusher.

"Lima sana, pero baka apat?"

Nahampas ni Lauri si Tusher dahil sa sagot na 'yon. "Ano kamo? lima sana pero baka apat? Nako Tusher, hindi pa ako nanganganak pero—"

Hindi na natapos ni Lauri ang sasabihin dahil tinakpan na ni Tusher ang bibig niya.

"I love you!" ani Tusher saka hinalikan ang asawa sa pisngi. Tinanggal na rin niya ang palad na nakatakip sa bibig nito.

"Heh!" masungit na tugon ni Lauri saka pinagkrus ang parehong braso.

"E, kayo ba, okay na kayo sa dalawa?" tanong ni Tusher.

Sinulyapan muna ako ni Calix bago ibinalik sa kaibigan ang paningin. "Kung ako ang tatanungin ay gusto ko pa sana, pero ayaw na ni Kesh." Inakbayan niya ako. "Naiintindihan ko naman siya, mahirap nga namang manganak at magbuntis. Saka okay na naman siguro ang dalawa, sapat na sina Callum at Calia."

Tumango-tango si Lauri saka binalingan ang asawa. "Dapat ganyan ka rin e! Iniisip mo ako, hindi iyong puro ka anak dyan."

"Oh siya maiba naman tayo." Ako na ang nagsalita para hindi na matuloy ang pagtatalo nilang dalawa. "Kumusta sina Ella at Creed? Sina Cae at Ash?"

Wala na akong masyadong balita sa kanila e. Siguro'y busy.

"Okay naman sila, busy as always."

"Hindi pa rin buntis si Ella?" tanong ni Calix.

Umiling si Lauri. "Hindi pa."

"Nakakatatlo na kayo, pero kahit isa ay wala pa sila." si Calix.

"They're taking their time, hayaan na muna natin." si Tusher.

Nang lumipas ang oras at sumapit ang hapon ay nagdesisyon na rin kaming magpaalam sa orphanage. Panay ang pasalamat ng mga madre na namamahala roon lalo na iyong mga bata. Bakas na bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan dahil sa mga laruan at iba pang gamit na kanilang natanggap mula sa amin.

Nasa byahe na kami nang biglang magsalita si Calia.

"Mommy, toy kingdom," nakangusong aniya.

"Hindi pa ba kayo pagod?" tanong ko sa kanilang dalawa ni Callum.

Umiling sila ng sabay. "Hindi po."

Nagkatinginan kami ni Calix.

"Ano, pupunta tayo?" tanong niya.

Sinulyapan ko muna sandali ang mga bata saka ko ibinalik sa aking asawa ang paningin.

"Sige na, pagbigyan na natin."

At iyon nga ang nangyari, nagtungo kami sa toy kingdom. Doon kami pumunta sa mall na nadaanan namin, sa SM Marikina. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit dito iyong condo nina Creed at Ella. Sa Katipunan lang iyon alam ko.

Bumaba kami ng sasakyan saka pumasok sa mall. Pumunta talaga kami agad sa toy kingdom. Pagpasok palang ay nanakbo na ang mga bata. Masyado silang natuwa sa mga laruan na nakita nila sa kabuuan ng store kaya ganoon nalang ang kanilang excitement.

Gaya nang napagusapan ay pinamili namin sila ng bagong laruan, pero may limit lang kung hanggang ilan.

"Let's pay na Mommy, Daddy!" si Calia na hindi na naitago ang tuwa. Humagikgik pa siya habang nakatingin doon sa basket na pinaglalagyan ng mga laruan na napili niya.

"Let's go." si Calix na nakangiti pa. Siya ang may dala noong basket.

We are about to go to the cashier nang may mahagip ang mata ko. Noong una'y nagdalawang isip pa ako pero dahil kilala ko miski ang likuran niya ay hindi na ako nagdalawang isip pa.

Pinigilan ko si Calix. "May pupuntahan lang ako roon," sabi ko at itinuro iyong gawi na nakita kong kinaroroonan nang pamilyar na tao na nakita ko.

Nilingon niya ako. "Okay, pero bilisan mo lang."

Pagkasabi niya no'n ay pinuntahan ko na 'yong babae.

~to be continued~

Continue Reading

You'll Also Like

273K 15K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.5K 217 33
GGW #1 Meet Ruth Laila Fortaleza, a 20 years old stunner. She is provocative, bold, and brave. One starry night, as she bravely goes down to an icy c...
39.4K 770 44
Though quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tuck...
Unloved By Sn

General Fiction

166K 3.4K 43
The Monteros Uno Sa halos pitong taong pagsasama ni Kim at Morgan, alam na alam na nilang dalawa kung papaano hahawakan ang isa't-isa. Dumaan man ang...