Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

22.9K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 14

268 54 7
By Formidable_Writer

Malaki man kung tignan ay di ko alam kung bakit napakasikip ang pakiramdam ko sa lugar na to

Nagpapalitan ang tingin ko sa pinanggalingan ko at sa palasyo na ito. Napakalakas at napakalamig ng hangin dito.

'Bakit ganito pa kase ang suot ko? Mukha namang walang tao dito.... Pero may konti namang ilaw yata sa loob?.... Papasok ba ako?.... Pero nakakatakot tignan ang palasyo na ito..... Subukan ko kaya kung may tao.... Baka sa kaling matulungan nila ako?'

Huminga ako ng malalim habang yakap ang sarili at napalunok na naman bago humakbang papalapit doon. Nakakailang hakbang palang ako ng may hangin na malamig na naman ang sumalubong sa akin

'Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?..... Napakalaki naman ng lugar na ito pero.... Bakit nasisikipan ako dito?'

Napailing na lang ako ng ilang beses at pilit inaalis sa utak ko ang mga katatakutan na nai-isip

'Kaya mo yan Eda, wag kang loka loka walang mangyayaring masama sayo..... Wala talaga.... Kumalma ka.....'

Nasa tapat na ako ng malaking pintuan nitong palasyo, palasyo ko itong ituring dahil mukha talag syang palasyo na nakikita ko sa mga royal movies

'Kapag talaga nalaman kong niloloko lang ako ni Mr. Amato, di ako magdadalawang isip na edimanda sya kahit mayaman pa sya'

Isang lunok muna bago naglakas loob na kumatok. Walang sumagot. Wala yatang tao, pero para makasigurado, kumatok muli ako. Napakatahimik ng paligid kaya imposibleng hindi ko marinig mula sa loob ni isang tinig. Puro tunog lamang ng hangin at tuyong dahon ang naririnig ko habang ako ito, lamig na lamig dito.

Paulit ulit akong kumatok ngunit wala pa ring sumasagot kaya nagsalita na ako "Tao po?! May tao po ba diyan? Kung walang tao.... Wag sana sumagot ang multo!" pasigaw ko na ani para marinig ako kung meron mang tao sa loob

Wala pa ring sumasagot. Napatingin muna ako saglit sa kalangitan, hindi naman mukhang uulan, pero bakit napakahangin sa kapaligiran?

Mayamaya pa ay dumadagundong sa kaba ang puso ko ng nakarinig ako ng unti unting pagbukas nitong malaking pinto sa harapan ko. Di ko alam kung nangingilabot ako sa lamig dito o nangingilabot ako sa nararamdaman kong takot

Dahan dahan akong lumingon doon na nanlalaki ang mga mata at naninigas sa kinatatayuan "Aahhh!! Juice colored! Sino ka?!" bahagya pa akong napatalon sa kinatatayuan ng may isang lalaking katangkaran, may kaunting katandaan pero may angking kagwapuhan, at sobrang puti niya!

Walang emosyon niya akong tinignan pero sa tingin palang ay nakakapangilabot na "Ako dapat ang nagtatanong sa inyo niyan" lalo akong nakaramdam ng kaba sa boses niya, parang dambuhalang tao ang kausap mo sa lalim ng boses nito

Napaayos ako ng tayo, syempre di dapat ako magmumukhang akyat bahay dito kase magpapatulong lang naman ako, isa pa dapat kailangan mabait ako

Napakamot ulo ako"Ah.... Yun po ba.... Ako po si——————"

"Eda Ilaria Gaviola" halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat ng sya ang tumuloy sa sasabihin ko

"T-Teka.... P-papaanong—————"

Di ko na naman natapos ang sasabihin ng magsalita na sya muli "Ikaw ay inimbitahan ni Prinsipe Gian sa kanyang kaarawan, tama ba?" magkahalong pagkalito, gulat at takot ang nararamdaman ko sa sinabi niya

'Gian? Si Mr. Amato yun ah.... Pero bakit prinsipe ang tawag niya?'

Puno ng pagkagulo ang makikita sa mukha ko ngayon, hindi agad nakapagsalita hanggang sa madapo ang tingin ko sa gilid ng malaking pintuan at nakita ang address na nakalagay Agghiacciante666?!

'Ito na ba ang bahay ni Mr. Amato? Ito na talaga? Final na ba this? Ibig sabihin hindi scammer si Mr. Amato? Pero sinong wirdo ang maninirahan sa ganitong lugar?.... Si Sir Amato na yata yun'

Napatingin ulit ako sa matandang lalaki na nasa harap ko, bahagya akong napaatras ng nakangisi na sya sa akin sa di malamang dahilan. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa bago muling tumingin sa kanya

'Isa ba syang Butler sa palasyong to? Nakapang butler ang suot na uniporme, siguro butler nga siya. Wow sosyal, ang yaman teh'

Napapansin ko kanina pa nakabukas ang malaking pinto na ito ng kaunti kaya hindi ko nakikita kung anong meron sa loob, nakaharang pa sya sa harapan ko

"Ikaw ay imbitado sa palasyong ito sa pagiging pianista sa gabing ito. Kanina pa kami naghihintay sa iyo para sa iyong pagdalo. Ang buong akala namin ay hindi ka pupunta, yun pala ay ikaw ay nahuli na" napakamot ulo ulit ako kase parang nagrarap si manong butler, may rhymes yung pagsasalita niya kanina ko pa pansin

'Dati ba syang rapper na sumasali sa flip top battle?'

"Naku, sorry po.... First time ko po kaseng pumunta sa lugar na to.... Maski po yung tricycle driver na nasakyan ko ay di rin po sya familiar sa lugar po na to, kaya ayun.... Natagalan po ako kase naligaw pa po yata ako kanina" pagpapaliwanag ko pa

Di man lang sya nagreact o tumango man lang at di rin niya inalis ang tingin sakin kaya naiilang na ako "B-bakit po?" na-utal kong ani, imbes kase na maging masaya ako dahil sa wakas ay may kasama na ako, natatakot pa ako dahil parang mas delikado ang lugar na ito

"Hindi ka naligaw, dahil may sumundo naman dito sa iyo sa palasyong ito at isa pa, ikaw rin ay may dalang ilaw, kaya kahit sinong nandito, ikaw ay matatanaw" mahinahon man ang pagkakasabi niya ay binalot na naman ako ng takot sa sinabi niya

'Ano daw?.... May nagsundo sakin?! Sino?! Tinatakot niya lang ba ako?!..... Mag-isa lang naman akong—————Teka, sinundan ko lang naman ang pusa kanina kaya ako nagpadpad dito'

"P-po?.... Paanong..... Sa paanong paraan o kailan may naghatid sakin dito?" pinilit kong maging mahinahon kahit nawiwirduhan na ako sa matandang ito

Hindi siya sumagot.

Ngumiti sya sakin na ikinatindig ng balahibo ko. Alam kong ngiti iyon na pagpapakita ng respeto sa bisita pero parang ayaw kong makita yun sa matandang lalaking to

"Halika't pumasok na" nakangiti niyang ani ngunit walang emosyong makikita sa mga mata niya

Ang ipinagtataka ko lang, sa lahat ng matatandang kausap ko ay tinatawag ako sa pangalan ko, o di kaya ay hija kung di kami close. Pero ang sa kanya kase ay wala syang tawag man lang sa akin at parang tumutula lang sya habang nagsasalita

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan ng malaki na ikinaistawa ko lalo sa kinatatayuan ko

'Leche flan ang laki at ang lawak dito?!.... Ang dami ring tao! May mga tao pala, leche flan nakakahiya yung pinagsasabi ko kanina'

Dahan dahan kong inilibot ang paningin ko sa mga taong halos sabay sabay na napatingin sa akin.

'Leche flan pinaglalaruan lang ba nila ako? Kanina pa ako katok ng katok pero ang tagal naman na may sumagot! Tsaka.... Birthday party pa ba ito? Bakit parang lamay ang in-attend-an nila?....'

Kahit gaano karaming tao ang nakatingin sa akin ng may nandidilim na mga mukha at ang ilan ay may nakakapangilabot na ngisi o ngiti sa akin na para bang espisyal ako na bisita kahit pianist lang naman ako. Napakatahimik nila, kulang na lang ay pagkamalan ko silang hindi sila nakakapagsalita o pipe kong tawagin

Bumaba ang tingin ko sa sarili kong suot na white dress, lahat kase sila ay puro kulay itim ang suot. Ako lang ang nai-iba

'Lamay yata talaga tong napuntahan ko'

"Tumuloy ka" ani nitong butler sa akin

Nagdadalawang isip pa ako na tumuloy na maglakad papasok o kakaripas na lang ako ng takbo dahil iba ang kutob ko dito

Mukhang lahat ng mga mata ay nasa akin ang tingin kaya wala na akong nakagawa kundi humakbang papasok. Sa isang hakbang ko palang ay isa isang nagsilitawan ang mga naglalakihang ngisi ng mga tao dito, mapababae man o lalaki.

Bukod sa formal na puro kulay itim ang suot nila ay napansin kong halos lahat sila ay mapuputi ang mga balat at may kanya kanyang iniinom na puro red wine, para bang walang ibang alak bukod doon

Rinig ko ang unti unting pagsara ng malaking pinto dito kaya napatingin pa ako doon na ang matandang lalaki pala ang may gawa nun. Nadagdagan ang pagkabog ng mabilis ang puso ko ng pagtingin ko sa mga tao dito ay doon palang sila nagu-usap usap ng masara na ang pintuan. Pakiramdam ko ay out of place ako at nanliliit sa sarili

Halos kase lahat sila ay ang gaganda at ang gugwapo, mukhang lahat ay may iba't ibang lahi. Ang mga suot naman nila ay mukhang ang mamahal rin lalo na ang mga suot nilang jewelleries pero pansin ko ay wala silang suot na silver, puro uri ng diamond at gold ang mga suot nila

Napatingin ako muli sa sarili ko, wala man lang ako ni isang suot na kwintas o iba pang palamuti. Sa itsura ko ngayon ay para akong elementary student na gatecrasher lang ang peg. Naka-ponytail ang buhok at makakapal na salamin sa mata ang suot ko

"Sumunod ka sa akin" nahagip ko pa ang hininga ko sa pagkagulat sa biglaang pagsulpot nitong matandang lalaki sa harap ko, napatingala ako ng tingin

"Ok po"

Nanguna siya sa paglalakad at sumunod naman ako. Panay ang yuko ko maka-iwas lang ng tingin sa mga matang nakatingin sa akin talaga dahil ewan ko ng anong trip ni manong butler dahil dumaan pa talaga kami sa red carpet na nasa gitna mismo, tuloy ay pakiramdam ko para akong nasa hot seat kahit naglalakad palang ako

"Maaari ka ng magumpisang tumugtog" napatingin ako sa matanda ng magsalita na sya at nasa harap na kami ng kulay itim na grand piano

"Sige po, gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko" sinubukan ko pang ngumiti kahit napaka-creepy na talaga ng mga tao dito, kung kumilos o umasta ay parang hindi mga ordinaryong tao

Di na naman siya tumango o nagreact dahil basta na lang aya umalis sa harap ko

'Grabe first time na may ma meet ako na ganito kawiwirdong mga tao'

Sinubukan ko pang sulyapan ang gawi ng mga bisita kase pakiramdam ko ay di parin nila inaalis ang tingin sakin pero napakunot nuo pa ako ng makitang may kanya kanya silang kausap at nakatingin sa mga kausap nila, walang nakatingin sa akin

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa grand piano bago kinakabahan na ipinatong ang mga kamay ko doon. Sandali kong nakalimutan kung anong tutugtugin ko. Natutuliro kung pang masaya ba ang tutugtugin ko o pang lamay, bakit kase may ganitong uri ng birthday celebration, sobrang tahimik kahit pa may naguusap usap

Sinubukan ko pang ilibot ang paningin ko, umaasang mahahanap ko si Mr. Amato pero nabigo ako dahil di ko sya nakita

'Asan na ba ang birthday boy dit————'

"Buonasera a tutti, rendiamo omaggio al nostro principe Gian Zenon Stefano Amato" (Good evening everyone, let's pay tribute to our prince Gian Zenon Stefano Amato)

Lahat kami ay natigilan na sabay sabay na napatingin matapos magsalita ang matandang lalaki na pumunta sa gitna ay may lumabas na isang lalaking kanina ko pa hinahanap

'Wow'

Napatulala ako saglit kay Mr. Amato dahil sa ayos niya ngayon, bumabagay sa kanya ang bagong hairstyle niya. Nagmumukha siyang artista sa mga mafia mafia churva ek ek

Napasunod ako ng tingin sa kanya hanggang sa pagupo niya sa isang upuan na dinisenyo at nakareserba siguro sa kanya. Naupo sya na parang hari sa trono niya. May nakasunod sa kaniya na isang lalaki na kung pagbabasihan ang itsura niya ay kasing ka-edad ko lang yata. Pumwesto ang lalaking yun sa gilid ni Mr. Amato na nakatayo, para bang kanang kamay niya ito

Napakurap ako ng ilang beses ng magtama ang aming paningin. Tinanguan niya ako at nginitian, pilit akong ngumiti sa kanya bago umiwas ng tingin at tumingin na lang sa keyboard ng piano

Nakakahiya kaseng isipin na pinagkamalan ko siyang scammer kanina eh siya na nga tong inimbitahan ako sa kaarawan niya

'Leche flan ka Eda, may scammer ba na ganito ka gwapo at kayaman?————este kayaman lang pala'

Natinag ako ng may pekeng umubo na mukhang pinarinig talaga sa akin, napatingin ako doon. Nakita ko ang lalaking kasunod ni Mr. Amato na nginitian rin ako pero pakiramdam ko ay ang creepy niya kahit may itsura pa sya. Sinenyasan niya ako na tumugtog na kaya nabalik ako sa wisyo at napatango tango na natatarantang humarap muli sa keyboard

Huminga ako ng malalim, nagdadasal na sana ay wag akong pumalya

Sa huli ay naisip kong tugtugin ang Nocturne, Op. 9: No. 2 in E flat major by Chopin, babagay siguro ito sa napakapormal na okasyong ito

Nagsimula ko ng kalabitin ang mga keys, na pagpindot ko pa lang ng umpisa nun ay lahat natigil sa pagsasalita at sabay sabay na napatingin sa akin

Nakaramdam na naman ako ng pagka-ilang, di kase ako sanay sa ganito karaming tao. Matagal na rin kase akong tumigil sa pagtugtog ng piano magmula ng mawasak ang aking pamilya kaya tumatanda na ang piano namin doon sa bahay ng walang gumagalaw

Medyo hindi na ako sanay sa pagkalabit ng keys kaya dinama ko na lang ang musika para hindi ako pumalya, marami pa man ding nakatingin

Sinusubukan kong kumalma habang nagfo-focus na tumugtog kahit kinakabahan at nagpipigil ng takot sa di malamang dahilan ay ginagawa ko ang trabaho ko ng maayos. Para kase akong kakainin ng buhay kung magkakamali ako

Mayamaya pa ay bahagya kong sinulyapan ang mga bisita dito, para akong nabunutan ng tinik ng makitang ang iba ay nagsasayawan na sila sa mga kapartner nila

'Grabe pala akong nanonood ng live na mga royal movies'

Nagmumukha tuloy akong ignorante dahil ngayon ko lang naranasang tumugtog sa ganitong uri ng okasyon, ang sosyal pero wirdu nga lang ang mga tao

Ginanahan ako sa pagtutugtog na bahagyang napangiti at nabawasan ang takot na nararamdaman ng makitang sumasabay sila sa tinutugtog ko

Bahagyang nabawasan ang ngiti ko ng sa di ko sinasadyang mapatingin sa gawi ni Mr. Amato at nakatitig na sya sa akin habang naninigarilyo at bumubuga ng usok, naging dahilan yun para makaramdam ako ng kakaibang kaba sa puso ko

Umiwas muli ako ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagtugtog. Habang tumutugtog ako sa piyanong ito may sumaging ala ala sa isip ko.

Kasabay ko sa pagtugtog ng piyano ang aking Ina habang si Papa naman ang kumakanta kasabay ng pagsayaw at kami ay nagkakatuwaan sa araw na iyon. Ang araw na iyon ay day off nila sa kanilang trabaho kaya yun na siguro ang pinakamasayang araw na nangyari sa akin, ang makasama sila ng buo habang tanaw ko ang naggagandahang ngiti ng mga magulang ko ng may tinginan ng pagmamahalan

Napakurap muli ako ng ilang beses dahil nanlabo ang paningin ko sa panunubig ng mga mata ko. Nabalik ako sa wisyo ng mapatingin sa gilid nitong piano ng nakatayo na si Mr. Amato sa gilid nun at nakasandal habang patuloy sa paninigarilyo, ang mga mata niyang kulay grey ay nakatitig parin sa akin

'Di ko pa pala siya nababati ng Happy Birthday, mamaya na lang pagtapos ko, buti na lang din may regalo akong dala, sana di niya maliitin ang regalo ko..... Kase nabili ko lang ito sa palengke'

Pilit akong ngumiti sa kaniya habang tumutugtog, nakakailang na kase ang ini-asta niya magmula sa pag-imbita niya sa akin sa opisina niya hanggang ngayon ay ganito na sya makatingin sa akin, hindi ko alam kung anong nagawa ko kung bakit parang may kakaiba sa trato o tingin niya sa akin

Nakakailang rin lalo na ang pagbuga niya ng usok, para kaseng nakakadagdag yun sa kagwapuhan—————este sa malakas na datingan niya

Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagtugtog

Papatapos na ang kantang aking tinutugtog ng bigla akong makarinig ng pagkalabog kung saan kaya napahinto ako

Lahat kami ay napahinto sa biglaang pagbukas ng malaking pinto nitong palasyo at nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong bagong dating at naistatwa sa kinauupuan

****

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
13.6K 821 55
A probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/strem...