Lawrence, The Hotelier (Publi...

By Winter_Solstice02

4.7M 109K 3.4K

Lawrence dela Vega, the man who I fell in love with. Never in my wildest dreams did I think I could love some... More

Lawrence, The Hotelier
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FOURTY ONE
FOURTY TWO
FOURTY THREE
FOURTY FOUR
BOOK ANNOUNCEMENT
BOOK ANNOUNCEMENT 2
BOOK ANNOUNCEMENT

FOURTY FIVE

108K 2.3K 160
By Winter_Solstice02

Wakas

Isang linggo mula nang mangyari ang insidenteng yun ay tila nagbago na ang lahat. Kasama sa pagbabagong yun ay ang pakikitungo ng mga empleaydo sa akin. At hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikalungkot ito. May ibang nagtaas ng kilay, ang iba ay mas naging mabait pa sa akin at ang karamihan ay tila nagpapanggap lamang na walang alam.

"Lalim ng iniisip natin ha, Emz." Untag sa akin ni ate Love.

I sighed. "Hindi ko alam kung anong iisipin, sa totoo lang ate Love. Naiinis ako na naasar na ewan." Pasimangot na wika ko.

Tumawa naman si ate Vanz na nakikinig lang sa amin. "Hay nako, baka iba na yan ha. Sobrang in love ka kasi kaya ka ganyan. Ang blooming mo pati. Natural lang na makaramdam ka ng ganyan Emz. Ikaw ba naman, boyfriend ang isa sa pinaka powerful na bachelors sa Pilipinas, talagang nakakastress nga yan." Bungisngis nito na mas lalong ikinasimangot ko.

"Grabe pala ang pinagdaanan nyo, noh. Hindi yun madali ha. Pero mas namangha ako dahil naitago mo sa amin yun? I mean, blind kami na may namamagitan na pala sa inyo ni GM Lawrence." Si ate Love na umikot sa kabila para kumuha ng file. Kasalukuyan akong nasa Front Desk dahil nag AWOL ang isa nilang kasamahan dito.

"Ibig sabihin lang nun mga ate, magaling ako magtago ng sikreto." Tawa ko. Naikwento ko na kasi sa kanila ang nangyari noon, minus the lovemaking part at ang pagbubuntis. Those were some things which meant to be for keeps.

"But yeah, love indeed conquers all. Akalain mo yun, after all the pain, all the sacrifices, all the sufferings, kayo pa rin sa huli. Pag-ibig nga naman talaga. Kung kayo, kayo talaga at walang kahit na ano o sino ang makakapigil pa." Ani ni ate Vanz na nakatingin sa malayo at parang nananaginip nang gising.

Natatawa lamang na pinagmasdan namin siya ni ate Love. Mayamaya ay nagring ang desk phone. Inangat ito ni ate Love and she greeted politely sa tumawag. Pero nanlaki ang mata nito at nagtakip ng bibig. Kumunot ang noo ko. Tinignan niya ako at ibinigay ang wireless phone.

"Hello?" Alanganing sambit ko.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang pinagkakatuwaan niyo dyan, baby? You've been grinning from ear to ear and I can't help but to feel bothered. I hope ako ang rason ng pagngiti at pagtawa mo? At hindi ibang bagay?" He spoke huskily over the phone.

"Lawrence? Napatawag ka? I thought may meeting ka today and how did you know what I'm exactly doing here?" Nagtataka kong sagot sa kanya.

"Bakit nga kako kayo tumatawa na tatlo dyan. Para kayong kinikilig. Sino ba pinag-uusapan nyo? Artista? Boys? Tss." He scoffed.

I raised an eyebrow. "Kung sasabihin ko bang ikaw ay titigil ka na sa pagtatanong? Pinag-uusapan lang namin ang mga kaganapan sa ating dalawa."

"Thank God. Akala ko may ibang boys ang nagpapangisi sa'yo. Ako pala. Magseselos na sana ako." He chuckled, and I just rolled my eyes upward.

"Oh baby, I love it when you're rolling your eyes at me." Ramdam ko ang pagngisi pa nito. I frowned.

"Look up to the camera wave at me, baby." He chuckled. Agad akong nag-angat ng tingin at napansin ang lahat ng CCTV cameras na nakatutok sa direksyon ko! Oh, my god.

"You've been watching me?" I asked furiously.

"Baby, I've been watching you way up here since the first time I saw you." He chuckled again. Oh gosh! That answers my question kung bakit may panahong dito nakatutok ang CCTV noon! Loko talaga!

"Wag kang tumawa dahil walang nakakatawa!" Binagsakan ko nga ng telepono. Ang bilis mag init ng ulo ko lately. Ang bilis kong mairita. Hindi ko maipaliwanag. At nabubuwisit ako sa kanya. Kanina lang namimiss ko siya pero ngayon ayoko siyang makita. Nalaglag ang panga nila ate Love at ate Vanz sa ginawa ko.

"Did you just.... did you just drop the phone like that?! Binagsakan mo ng telepono ang GM? Oh, my gulay Emz! Ikaw na nga!" Bulalas nilang pareho.

"Pag tumawag at hinanap ako ate, tell him to go to hell. Break na muna ako. Lunchtime na." Ngiti ko sa kanila na pareho pa ring naestatwa. Nag-ring nga ang phone pero umalis na agad ako bago pa maibigay nila ate ang phone sa akin. Ewan ko ba, naiinis talaga ako!

"GM, go to hell daw po." Narinig ko pang wika ni ate Love. Napangisi ako habang naglalakad papalayo.

Nasa sa cafeteria at magkakasama kami ng mga kaibigan kong sina Mary, ang magkasintahang si Jaze at Aireen at si Lizette. Nabalitaan ko pala mula sa kanila na si Juztin ay nag-asawa na while Karlo is living in the States now. Hmm, I think I need to have a Facebook account para naman hindi na ako mapag iwanan sa mga uso ngayon. Hindi ko na kasi mabuksan yung dati kasi kung anu-anong password nalang nilalagay ko at hindi ko na matandaan pa. Wala nga kasi ako sa huwesyo noon. I feel so outdated now.

"Jaze, may kasalanan ka pa nga pala sa akin ha." Wika ko pagkaupo ko sa round table. Kakakuha ko lang ng pagkain.

Nag angat ito ng tingin at tinaasan ako ng kilay. "At ano naman iyon, aber?" Mataray na sagot nito. Nababaliko pa rin talaga minsan kung magsalita ito. Kaya nakakakuha ng pinong kurot galing kay Aireen eh. Buti nalang at nagkamasel na ito. Lalaking-lalake na talaga ito tignan at ang gwapo na rin nito.

"Naalala mong minsang tumawag ka sa akin? Sabi mo nasa bar kayo nila Aireen? Tapos nakita mo ang grupo ni Lawrence doon? Tapos sabi mo pa nakita mo siyang may kahalikan? Yung totoo, gawa-gawa mo lang yung kissing part noh? Hindi naman ganun ang kwento ni Lawrence sa akin eh." I pouted. Hiniwa-hiwa ko ang aking pork steak.

"Assumera ka kasi, sinabi ko bang si GM yun? Si Sir Jack yun. Tss. Assuming ka te huh." Binilatan pa ako nito.

"Kung magrereport ka kasi, kumpletuhin mo para hindi ako ma-fake news." Nginusuan ko ito.

"Pag galing sa kanya, Emz, asahan mong fake news talaga." Siko ni Aireen sa boyfriend nito.

Humalakhak naman sina Mary at Lizette. Aliw-na aliw ang mga ito sa takbo ng kwento. Napapa-iling na rin ako. It's not a big deal to me, in all actuality. Sadyang naalala ko lang. Lawrence went to my apartment that night, drunk. And that was the first time I saw his tattoo with my name imprinted on it. Every time we made love; I always kissed that part of his body. I feel so honoured and delighted. He made a point that I owned him. Body and soul. Magpa-tattoo rin kaya ako? Nah, that man will create havoc for sure.

"Baby...." Wika ng isang tinig na nasa aking likuran. Agad na nagsitayuan ang mga kaibigan ko at ang mga tao na nasa paligid.

Hays! Ang tigas ng ulo! Sabi ko sa kanya hindi siya pwedeng magpakita dito sa cafeteria! Kasunduan na namin iyon! Naiinis na naman ako sa kanya at hindi ko naiintindihan ang sarili ko kung bakit!

I stood on my feet and turned to face him. He's just wearing a navy-blue polo and black pants. His face looked awkward and unsure. Hindi mawari kung matutuwa ito or matatakot sa magiging akto ko sa kanya. He pouted his lips like a child. Ang cute!

"Are you mad?" Alanganing tanong nito. Nagkamot ito sa batok. Am I? Ofcourse not, pag naiisip ko ang mukha niya ay naiiinis ako. Pero ngayong nasa harap ko siya at sobrang gwapo niya today, ay parang gusto ko siyang pugpugin ng halik.

I shook my head. "Nope. Why should I?" I smiled genuinely at him. He sighed na parang nabunutan ng tinik. Lumiwanag din ang kanyang kanina'y nalilitong mukha.

Naglahad ito ng mga braso. "Come here. I missed you." Parang lumipad lahat ng inis ko sa kanya at walang pag-aalinlangang pumaloob ako sa kanyang matipunong bisig.

"Akala ko'y galit ka na naman eh. Dumaan lang ako para makita ka. Hindi ako magtatagal, baby. May flight ako after two o'clock. May aasikasuhin lang sa Manila. I'll see you tomorrow?" He raised his hands and tenderly caressed my cheeks.

Tumango ako. "I'll see you tomorrow. Mag-iingat ka ha."

"Of course, baby. For you I will. I love you." He said and kissed my forehead.

"I know you do, and I love you too." Ako na ang tumingkayad para halikan siya ng mababaw sa labi. Pero naramdaman ko na lang ang kamay niya sa batok ko at binigyan niya ako ng malalim at makapugtong-hiningang halik.

Tumikhim ang mga kaibigan ko kaya napahinto kami. I bowed my head dahil sa hiya. Damn it! May mga tao nga pala. Tumawa si Lawrence at niyakap ako. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nito pero hindi maalis ang mga ngiti sa aking labi.

"Please don't let us stop you. Enjoy your food, everyone." Natatawang wika nito sa lahat. I heard the giggle and laughter of the people. Nakakahiya talaga.

**********

Hindi ko mapigilan ang mapangisi. Di ko na ata mabilang kung ilang beses ako nagpasalamat sa Diyos.

Excited na akong makita si Lawrence. He's supposed to be here any minute. Andito ako sa lobby at inaabangan ang pagdating niya.

Nag ring ang phone ko sa bulsa ng aking blazer. It's Veronica.

"Yes?" I said. Narinig ko ang paghikbi nito. Anong problema ng babaeng to?

"Hey, why are you crying? Nag away ba kayo ni Chris?"

"Emz, si kuya.... Si kuya Emz..." Lalo pang lumakas ang hikbi nito. Agad na nanginig ang aking buong katawan. Anong nangyayari?

"Where's Lawrence, Veronica? May nangyari bang masama sa kanya? Please tell me what happened to him, Veron!" Oh God no!

"Yun nga eh. We can't find him. Tumawag na ako sa opisina ng Davao Airport, kanina pa daw lumapag ang eroplanong dapat sakyan ni kuya pero wala silang record na nakasakay si kuya doon. Out of coverage ang phone niya." Wika nito sa nanginginig na tinig.

"Aakyat ako dyan. Hindi ako mapapakali dito." Sagot ko as I turned off the phone. Emz, kalma ka lang. Be optimistic. Maayos si Lawrence. He's fine. Wag kang padadala sa emosyon. Alalahanin mo ang kalagayan mo.

Agad akong sumakay sa lift pataas. Wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin dito. Hindi na ako takot. Napagbatid ko na ang takot na nararamdaman ko ngayon sa maaring mangyari kay Lawrence ay higit pa kesa sa takot kong makulong ulit dito.

Nagulat ako nang makita ang buong barkada ni Lawrence sa penthouse. Kumpleto silang kahat maliban sa mahal ko. Sa sulok ay si Veronica na nakayukyok sa mesa. Hinahagod-hagod ni Chris ang likod nito.

Bakas sa mukha nilang lahat ang lungkot at pag-aalala. Agad na pumatak ang luha ko. Hindi ko kayang isipin na may nangyaring masama kay Lawrence. Diyos ko, ano na lamang ang mangyayari sa amin?

"We are sorry, Emz. Ginawa na namin lahat sa abot ng aming impluwensya pero wala pa rin talagang balita." Tikhim ni Jack na hindi makatingin sa akin.

"Yeah. I don't know where's that douche bag!" Sinipa pa ni Ian ang upuan. Si James ay umiiling-iling lang din sa akin. Nanghihinang naupo lamang ako sa gilid ng sofa at tahimik na nagtangis. Hindi ako mawawalan ng pag-asang nasa maayos na kalagayan ngayon si Lawrence. God please take good care of him.

"Anong nangyayari dito?" Agad na napatuwid ako ng upo nang marinig ko ang boses nito.

"Perfect timing dude. Ang tagal mo." Ngisi ni Reid.

"Akala ko mauubos na luha namin hindi ka pa rin nakabalik. Ang hirap umarte." Tawa ni Ian na sinipa nang bahagya ni Reid.

"Gago, akala mo naman umiyak siya. Hindi ka talaga papasa as an actor. You're such a lousy actor. Such an ass." Angal ni Reid dito.

"Fuck you dude." Ian hissed as he raised a middle finger to Reid.

"Ewan ko sa inyo." Wika ni Lawrence sa kanila but his eyes fixated on me. "Baby why are you crying?" He said worriedly at lumapit sa kinauupuan ko. Pagkalapit niya sa akin ay agad na tumayo ako at naglambitin sa kanyang leeg.

"Thank God you're safe, Lawrence. Akala ko'y mawawala ka na naman sa akin." Sumubsob ako sa dibdib niya at mas lalong naiyak. Naiyak dahil sa galak na andito siya ngayon. Na hawak at yakap ko siya ngayon. Sobrang saya ko pero hindi ko mapigilang umiyak ng todo. Nagiging emosyonal na ako nitong nakaraang araw.

"Emerald, sino ba nagsabi sa'yo na mawawala ako? I mean, yes, I was gone literally dahil nagpunta nga ako ng Manila, di ba? Pero yung mawawala sa buhay mo? That's impossible. I'll be sticking around with you forever." He whispered as he kept on rubbing my back. Kumilos ito at naupo sa sofa. Kumandong ako sa kanya at wala akong pakialam sa mga matang nakatingin sa amin. Nagtikhiman sila.

Tinignan ko siya at biglang may pumasok sa isip ko. Kumawala ako sa yakap niya sa akin, tumayo at dahan-dahang lumuhod sa harap niya. Narinig ko ang pagsinghap nilang lahat.

"Lawrence, ayoko nang malayo pa sa'yo. Ayoko ng mawalay pa sa'yo. Kaya please, let's get married. Kahit ngayon na mismo at kahit saan pa. Marry me. Just marry me please, Lawrence?" Inabot ko ang kamay nito at hinawakan nang mahigpit. Hindi kumurap si Lawrence. Hindi siguro ito makapaniwala sa ginawa ko. Pero sigurado ako sa lahat ng sinabi ko. Mahal ko siya at siya lamang ang gusto kong pakasalan.

Tumikhim ito at tumayo. Tinulungan niya akong makatayo rin. Inipit niya ang aking buhok sa tenga at ginagap ang dalawa kong kamay. Ako naman ang napasinghap nang lumuhod ito sa aking harapan.

May kinuha ito sa bulsa ng kanyang amerikana at nanlaki ang mata ko nang makita ang maliit na kulay red na kahon. "This is the reason why I went to Manila aside from business matter. Namili ako ng engagement ring for you, baby. I think this is the most perfect time. I have the ring now, and you proposed to me, so I think you are ready. Let me ask you again for the second time around. Will you marry me, Emerald Fitzgerald? The love of my life, my most precious gem?" He asked and emotions flooded on his face. Sunod-sunod na tango ang ginawa ko.

"Yes, I'll marry you, Lawrence dela Vega. The love of my life. My most precious one. My hotelier." Sagot ko at nanalibis ang masaganang luha sa aking mga mata. Tumayo ito at niyakap niya ako nang mahigpit. I answered back by hugging him tightly too.

Nagpalakpakan ang mga tao. Nakangiti silang lahat sa amin. "Congratulations!" Sabay na wika nila. Nakita ko pa ang pag ngisi ni Veronica.

"Alam ko na kung sino ang may pakana nito." Lawrence eyed Veronica suspiciously. Agad namang nag peace-sign ang kapatid sa amin.

"I love you kuya! See? My plan works! Narealize ni Emz na handang-handa na siyang pakasalan ka! Ang galing ko talaga!" Bulalas nito.

"Thanks." Halos sabay na sagot namin ni Lawrence sa kanya.

"By the way, I have a surprise for you, Lawrence." Ngisi ko kay Lawrence.

He raised an eyebrow. "You do now? Hindi pa ba surprise ang lahat ng ito?" He asked curiously. Kumagat labi ako. May kinapa ako sa bulsa ng aking blazer. Gusto ko laging kasama ko ito kahit saan ako magpunta. Binigay ko ang rectangular plastic kay Lawrence.

Kumunot ang noo nito na tinignan iyon. Mukhang walang idea ito kung ano ang bagay na iyon. "I'm four weeks pregnant. Magiging daddy ka na." Sabi ko sabay singhap.

Nalaglag ang panga nito. Ganun din ang mga kaibigan niya at si Veronica ay napatda din sa kinatatayuan. They knew I had miscarriage before. "Did I hear you right, baby? Baka nabibingi lang ako? Magiging tatay na ako? Baka naman nananaginip lang ako? This should be real." He whispered. His eyes glittered from tears.

I nodded with passion. "It's true. I'm pregnant." Ngiti ko sa kanya.

"Wooooohhh! Magiging daddy na ako! Yes! Thank you, Lord!" Sumuntok ito sa hangin at pagkatapos ay inangat ako at inikot-ikot.

"I love you Emerald! I love you so fucking much!" Binaba niya ako at pinagdikit ang aming noo.

"I love you too, Lawrence." I answered as we sealed it with a kiss.

Walang pagsidlan ang aming kaligayahan. Ito na ang umpisa ng aming bagong paglalakbay sa buhay. Ito na ang simula ng bagong yugto. Pero nasisiguro kong wala ng kahit ano pa ang magpapahiwalay sa amin. Hangga't mahal namin ang isa't isa, walang makakatibag sa aming dalawa.

Kahit anong balakid ang darating, basta magkasama kami, ay malalampasan namin ito. Alam ko na hindi rin kami pababayaan ng Poong Maykapal. Gagabayan Niya kami hanggang sa dulo ng aming paglalakbay.


Author's Note:

Due to insistent public demand, I uploaded yet again the remaining chapters, except of course, the Epilogue and Special Chapter. You'll should buy the physical book because I included some of Lawrence's POV in there and snippets for Gentleman Series: Second Generation. Anyway, I might open another preorder soon for Jack And Chris so I am hoping you all can grab a copy.

Thank you so much, Midwinters!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 51.4K 39
Jillian Krae Villegas is one of the most recruited highschool volleyball standout. A lot were recruiting her ever since she was still in highschool...
161K 4.7K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.
2.7M 74.1K 52
WARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Highest Rank 1 - Possessive Highest Ran...
4.6M 91.6K 44
✨PUBLISHED under PSICOM Publishing Inc.✨ (MONTENEGRO NAKED SERIES: #1) Simpleng babae lamang si Braelynn Benites. Wala siyang ibang hinangad kundi an...