Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

22.9K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 12

352 62 16
By Formidable_Writer

Sinikap kong gumising ng maagang maaga para makapagluto. Naisipan ko kaseng lutuan si Sir Cafaro para peace offering na rin sa pagiging late ko nun. Ewan ko ba kung bakit naisip ko to, kaya ito kahit inaantok at pagod ay pilit kong nilalabanan makaluto lang ng masarap para sa kanya, sinadya ko ring sobrang aga, yung tipong 30 minutes na lang ang tulog ko, para na rin di ako ma late sa klase.

Bahagya ko pang sinasampal ang sarili ko para lang mabawasan ang antok, wala na akong paki kahit patong patong na ang eyebags ko

(e_e)

Hinalo ko ang aking niluluto matapos nitong kumulo at kumuha ng kutsara para ito'y tikman. Napangiti ako ng tama ang pagkakatimpla ko ang nanunuot ang lasa. Natutunan kong magluto dahil kay Mama, sya ang chief sa bahay namin noon, pati na rin si Papa na sya minsan ang tagaluto

Pero ngayon ako na lang mag-isa nagluluto para sa sarili ko at para na rin kay Mama na minsan ko lang nadadalaw.

Napatingin ako sa phone ko na nasa mesa ng tumunog ito, nagpunas muna ako sa apron ko habang papunta doon bago kinuha yun at nakitang alarm ko lang pala. Nagpaalarm kase ako para sa oras ko ng maligo at maghanda para sa pasok ko mamaya

Bumalik muli ako sa kusina at pinatay na ang stove bago naisipang pumunta sa kwarto para kunin ang tuwalya sa pagligo ko

Nasa banyo na ako ngayon nagmamadaling maligo gamit ang tabo, lalo na at malamig ang tubig sa ganitong oras

Nagmamadali man maligo ay di pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa invitation letter para sa birthday ni Mr. Amato, lalo na kung paano sya makatingin sakin nung naguusap kami sa office niya, nakakakaba

Si mokong na Blake naman, pilit kong inaalis sa isip ko kung ano man ang nangyari sa sasakyan niya

'Leche flan, Eda aksidente ang nangyari!.....halik lang yun at walang ibig sabihin yun!.... Haayss pero nawala na ang pagkabirhen ng labi ko.... My gas di ko makere to! OA na kung OA pero nakapreserve yun sa taong mamahalin ko at hindi sa pisngi ng mokong na yun!'

Sa pagkainis ay halos sabunutan ko na ang sarili ko habang kinukuskos ang ulo na may shampoo ang buhok, pilit inaalis lahat ng iniisip

'Kapag ba natikman ni Sir yung niluto ko.... Magugustuhan niya? Kapag ba nagustuhan niya ibigsabihin ba nun.... Bati na kami?.... Pano kung pakipot ang peg ni Sir? Hayys bahala na'

Pinagpatuloy ko na lang ang pagligo. Nang matapos ay natapis na ako habang ang isa ko namang tuwalya na para sa buhok ko ay pinupunasan ko ang buhok ko habang naglalakad palabas

Eksaktong pagsara ko ng pinto sa banyo ng makalabas ay may biglang pumasok na malamig na hangin na nanggagaling sa bintana sa may sala. Madaling araw palang kaya natural lang ang malamig na hangin pero napalakas yata?

Matatakunin ako pero isinawalang bahala ko muna ang mga nakakatakot na naiisip ko, naglakad ako papuntang sala para isara sana ang binta pero napalaki pa ang mga mata kong parang nakakita ako ng rebulto ng kung sino ang nakaupo mismo sa single sofa dito at nakaharap sakin pero ng napakurap lang ako ng isang beses ay wala naman akong makita bukod sa sofa lang at iba pang mga gamit dito

Kumakabog sa bilis ang puso ko na napakapit sa pader sa nakita ko

'Leche flan ano na naman yun?!... Totoo ba yun o gawa gawa lang yun ng sira kong kukoti?!.....Eda baka imagination na naman yun?!... Wala namang multo dito.... Napablessed na itong bahay nina Papa noon'

Napa sign of the cross ako ng paulit ulit, nagdadasal na ako ngayon sa isip na napapayakap sa sarili lalo na at wala akong suot na damit ngayon na nakatapis lang ng tuwalya sabay takbo sa kwarto para magbihis na

Naglalakad na ako sa may hallway kasalungat sa maraming tao papunta sa office ni Sir Cafaro dahil baka machismis na naman ako ng kung ano ano lalo na at may dala dala akong lalagyanan ng pagkain na niluto ko kanina, medyo mainit init pa ito

Napatingin tingin pa ako sa paligid, sinisiguradong walang ibang makakakita sakin dito. Kaharap ko na ang pinto ng office niya, sa isip isip ko ay paulit ulit ako nagdasal at kumukuha ng lakas ng loob upang harapin sya kahit di pa namin oras ng tutorial

Napapikit akong napakatok sa pinto habang napapayuko, pinapangunahan ng kaba at parang gusto ko na lang umalis dito sabay takbo matapos kumatok pero huli na ang lahat ng bumukas na ang pinto, di gaya dati ay makakailang katok pa ako na kung minsan ay sasabihin ko pa ang pangalan ko para lang bumukas ang pinto pero sa ilang katok ko lang ngayon ay bumukas na ito

Naidilat ko ang mga mata ko at nagtataka kasabay ng kakaibang kaba ang naramdaman ko ng sapatos na pambabae ang nasaharapan ko ngayon. Unti nti akong napaangat ng tingin at laking gulat ko ng makilala kung sino itong babae na nagbukas ng pinto sa office ni Sir Cafaro

"Nurse Jeralene?!" bahagya pa akong napatalon sa kinatatayuan ko sa gulat pero sya ay nanatiling walang emosyong nakatingin sakin

Napatingin ako sa paligid at buti na lang walang katao tao dito dahil maaga pa naman

"T-teka bat po kayo nandito?... Di ba po dapat nasa hospital kayo?.... Tsaka kagabi din.... Bat nandon po kayo sa companyang pinagtatrabahu————"

"Am I not welcome everywhere?" naitikom ko ang bibig ko ng sa wakas ay nagsalita sya, akala ko ay titignan niya lang ako at di magsasalita. Malamig ang pagkakasabi niya, pati yata personality niya ay malamig din, but she looks cool thou

Mabilis akong umiling iling at iniwasiwas ang mga kamay ko sabay sinubukang ngumiti "H-hindi naman po sa ganon pero.... Nagulat lang kase parang destined yata tayo hehe...." sinubukan ko pang magbiro sabay kamot ng ulo

Iiwas na sana ako ng tingin ng di man lang sya natawa at tumingin lang sa bitbit kong stainless na baunan, mabilis kong naitago sa likod ko yun at pilit na namang ngumiti sa kanya

"Can I ask po kung bakit po kayo nandito?" sa pagtatanong ko ay parang pinapaalis ko na sya at nagiging bastos yata yung tono ko, kaya napakunot ang nuo niya

"I-ibig ko pong sabihin, paano po kayo napunta dito? At ano pang sadya niyo dito?" inayos ko pa ang pagtatanong para di niya masamain

"I should be the one who's asking that, Why are you here and what are you doing here?" ako ang di nakasagot sa pagbabalik niyang tanong

'Ang sungit niya talaga, na stress tuloy ang mga eyebags ko'

Napakamot ako sa ulo, tumayo pa ako ng maayos at taas nuong tinignan sya, syempre di magpapatalo ang lola niyo kahit matangkad sya

"Nandito po ako para kausapin si Sir Cafaro—————" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya

"What do you need from Dontai?" napaawang ako ng labi at napatanga sa kanya ng humalukipkip sya sabay sandal sa pasimano ng pintuan

'Dontai?.... Yun ang pangalan ni Sir?.... Di ba yun din ang sinabi ni Sir sa panaginip ko nung niligtas daw niya ako sa limang lalaking may masamang intensyon sakin.... Panaginip lang ba talaga yun?.... Isa pa.... bakit..... Dontai lang ang tawag niya?.... Ka-ano ano niya si Sir?....'

Napahinto ako sa may bandang dibdib niya at pasimpleng napatingin sa sarili kong dibdib

'Girlfriend niya ba to?.... Sa bagay sino ba namang tangang iisiping single pa si Sir eh mukhang artistahin ang datingan.... Kung hinaharap lang din ang paguusapan sa aming dalawa ni Nurse Jeralene.... Mukhang talo na ako.... Display lang yata tong bra ko'

Wala ng salitang lumabas sa bibig ko at napakamot ulo na lang, may kuto nga siguro ako

"Wala po.... Mamaya na lang po siguro.... Di naman po importante ito.... Mukhang busy po kayo.... Pasenya na po sa abala" napayuko na lang ako habang sinasabi iyon

Di ko alam kung bakit may kung anong kirot sa puso ko ng maisip na posibleng girlfriend ito ni Sir Cafaro. Di niya ako sinagot kaya napatingala ako sa kanya, nagtataka ako kung bakit lagpas ang tingin niya sa akin. Di ko na lang yun pinansin at tinalikuran na sya mukha kaseng wala na syang balak magsalita

Mabaho siguro ang bibig niya kaya may limitasyon ang pagsasalita niya, joke. Ang sama ko

Nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong napatigil sa gulat at mabilis na patingin sa kung sino ng may nakaharang na tao sa harap ko, paniguradong matangkad din

Naistatwa ako sa kinatatayuan na nakaangat ng tingin kay Sir Cafaro na syang nakaharang sa dadaanan ko, nakasalubong ko na naman ang nalalamig nyang tingin sakin.

Mabilis akong umiwas ng tingin, sabay bahagyang lumayo pahakbang, nakakahiya lalo na't nandito ang girlfriend niya, nagmumukha tuloy akong third wheel

Di ako makatingin kay Sir at di ko rin maihakbang ang mga paa ko para man lang makaalis na, di ko rin alam kung bakit gustong tumulo ng mga luha ko

'Leche flan anong nangyayari sakin?!'

"Penso che abbia bisogno di qualcosa da te" (I think she needs something from you) napayuko ako lalo ng magsalita si Nurse Jeralene na nasa likod ko at si Sir yata ang kinakausap niya kase imposibleng ako, eh pang alien ang salita niya, joke, alam kong italian yun

'Magkakilala nga sila? Sabagay mukha naman silang may relasyon'

Di ko narinig na sumagot si Sor pero ramdam ko ang tingin niya ay nasa akin lang, ayaw kong maging bastos pero gusto ko na lang talagang umalis doon. Napatingin pa ako sa dalawang black plastic cups na hawak niya, di ko alam kung anong laman nun

"O forse vuole parlare con te, forse ti darà anche qualcosa" (Or maybe she wants to talk to you, maybe she will give you something too) di ko man maintindihan ang pinagsasabi ng Nurse na to ay mahihimigan ko ang pagiging sarkastiko niya. Saglit akong napasulyap kay Sir sinisilip ang mukha niya ngayon

Kaso nung pagkatingala ko ay sa Nurse na pala sya nakatingin

"Tu vai dentro" (You go inside) pagkausap niya sa Nurse

Na-a-out of place na ako dito at gusto ko na talagang umalis dahil sila lang ang nagkakaintindihan. Di ko inakalang italian pala si Nurse Jeralene kaya pala mukhang may lahi

Mayamaya pa ay rinig ko ang pagsara ng pinto kaya napalingon ako sa gawi ni Nurse Jeralene pero wala na sya doon, siguro ay pumasok sa loob. Muli na sana akong lilingon kay Sir pero naistatwa na naman akong saglit na napatingin sa kanya ng paglingon ko ay nasa akin na ang tingin niya

Umawang ang labi niya na akma ng magsasalita pero di na sya nakapagsalita ng kinuha ko ang kamay niyang walang hawak na mga cup ng mabilisan, sabay sabit doon ng baunan at wala ng pasabing kumaripas ng takbo. Di ko na kailangang magpaliwanag kung para saan ang binigay ko tutal may nilagay naman akong sticky note doon.

Lagi na lang akong patakas na tumatakbo sa tuwing pakiramdam ko ay kahihiyan ang mga ginagawa ko, kaya sa huli, nagmumukha akong immature

'Gusto ni Sir Cafaro yung mga mature na katulad niya.... Ayaw niya sa mga isip batang katulad ko at maraming kalokohang pinaggagawa————Teka bat umabot sa gusto?.... Ano bang pakialam ko kung ano pa ang gusto niya sa babae?.... Wala.... Wala akong paki! Period! '

Patuloy lang ako sa pagtakbo haggang sa

"My-gas-naku-naman-leche-flan!" reklamo kong ani na napahawak sa nuo ko dahil sa pagkakaumpog sa kung sino

Nangunot pa ang nuo ko sabay ayos ng salamin ko at inis na tinignan ang nakabungguan ko, muntikan pa akong matumba, buti na lang nakakuha agad ako ng balanse

"What the hell? Ikaw tong bumunggo saki—————Oh hi, good morning Eda" maiinis din sana itong mokong na si Blake, may sinisipsip pa syang lolipop kaya pulang pula ang dila at labi niya, sya pala ang nakabungguan ko pero ng makilala ako ay napalitan agad ang mood niya

Pinagkunutan ko pa sya lalo, ng maalala ko na naman ang nangyari sa kotse doon sa kotse niya "Are you ok? I'm sorry... May masakit ba sayo?" napairap na lang ako sa kawalan at lalampasan sana sya ng huliin niya ang siko ko kaya pinagkunutan ko sya

"Hey, talk to me please.... Are you ok? Why are you running all of a sudden? As if naman hinahabol ka ng buong baranggay?" lalo pang nangunot ang nuo ko sa sinabi niya habang busy sya sa lollipop niya

Hindi ko sya sinagot at inalis ko lang ang pagkakahawak niya sakin "Lollipop you want?" pagsenyas niya pa sa sipsip niyang lollipop

Kung magsalita sya ngayon ay parang nakamove on na agad doon sa nangyari at sanay talaga sa halikan. Nginiwian ko sya matapos mapatingin sa lollipop niya,

'Kadiri kang mokong ka, dinaladilaan mo na yan tapos————'

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya "Don't worry, marami pa ako dito" sinubo niya muli ang lollipop niya bago nagkakakalkal sa bulsa niya

"Here" pagaabot niya pa sa nadukot nyang lollipop sa bulsa niya, napasalubong ang mga kilay ko sa pagkaisip bata niya rin, kaya siguro may pagkakataong magkakasundo kami at magaaway din dahil pareho kaming isip bata

"Leche, bahala ka na nga dyan!" pagsusungit ko pa bago sya tinalikuran at padabog na naglakad paalis, di ko alam kung bakit nawala na lang bigla ang mood ko

"Hey, Eda! Are you sure you don't want my lollipops?!" pahabol niya pang sigaw dahil medyo malayo na ako sa kanya

Salubong ang mga kilay kong huminto sa paglalakad at nilingon sya "Kaya kong bumili niyan, kahit sampu pa!" inis kong ani at magpapatuloy na sana sa paglalakad ng magsalita ulit sya

"But it's free! Di mo kailangan gumastos! I have chocolates too!" nilalakasan niya na ang boses niya dahil may kalayuan na ako sa kanya sa bilis kong maglakad dahil sa inis na dinagdagan pa niya

Natigil na naman ako sa paglalakad

'Libre? May chocolate daw'

Napapadyak na lang ako sa inis dahil sa pagka soft-hearted kong tao, madali lang makuha ang loob. Paglingon ko ay nakangiti na ang mokong, lalo pang lumaki ang ngiti na sa tingin ko ay nagpipigil ng tawa ng naglakad ako pabalik papunta sa kanya, pero nandoon parin ang pagdadabog sa paglalakad at pagkakasalubong ng kilay

Kukunin ko na sana ang isang lollipop na hawak niya ng makalapit ako pero naiwan sa ere ang kamay ko ng mabilis niya iyong iniangat "Ano ba?!" inis ko pang sabi

"Woah, galit?" natatawa niya pang sabi na sa tingin ko ay pagtitripan na naman ako nito

"Sinong di magagalit kung di ko maaabot yan, ha?" napahalukipkip ako na salubong na salubong ang mga kilay, kulang na lang ay magkarugtong na, pero ang mokong ay humalakhak lang sa tawa

"Lollipop you want?" may tonong pangaasar niya pang ani na ibinaba ang lollipop saka isinasayaw sayaw sa harap ko "Kiss me first—————Ouch!" reklamo niya ng hampasin ko ang braso niya kaya bahagya syang napalayo sakin sabay hawak sa braso niya

"Dito lang sa cheek" pahabol pa niyang pangaasar sabay turo sa pisngi niya, bahagya pang nanlaki ang mata ko pero nadagdagan laloang inis ko ng nagawa niya pa akong asarin matapos ang nangyari sa loob ng kotse niya

"Leche ka talaga! Bahala ka na nga kung ayaw mong mamigay!" galit ko ng sabi at tinalikuran na sya

Nakakailang hakbang palang ako ng mabilis syang humarang sa dinadaanan ko. Salubong parin ang mga kilay kong napatingala ng tingin

"Binibiro lang naman kita, bat pa napakainit ng ulo mo lalo?" napakagat labi ako sa inis at marahas na bumuga ng hangin sa kawalan dahil parang pinapangahulugan niyang palagi mainit ang ulo ko sa kanya pero lumala lang ngayon

Nailayo ko pa ang ulo ko ng bahagya niya inilapit sakin ang mukha niya matapos tumingin tingin sa paligid "Meron ka ba ngayon?....." nanlaki ang mga mata ko sa pabulong niyang sinabi "Naubos na ba yung pinamili kong mga napkins, lalo na yung diap——————"

"Blake!" pagpapatigil ko sa sasabihin niya at makikitang galit na talaga ako kaya biglang sumeryoso ang mukha niya sabay ayos ng tayo

"Hindi ka na nakakatawa.... Privacy ko yun bilang babae, hindi dapat ginagawang biro yun. Nakakainis ka na sa totoo lang" pinilit kong maging mahinahon habang sinasabi yun ng prankahan para ipakitang galit na talaga ako

Napaiwas sya ng tingin at napayuko "I'm so——————" di ko na sya pinatapos magsalita ng lampasan ko sya at may galit na umalis na lang, wala akong paki kahit di ako nakakuha ng lollipop na libre

Klase namin ngayon sa math. Oo si Sir Cafaro ang lecturer namin ngayon. Wala akong naintindihan ngayon sa mga pinagsasabi niya dahil nawala talaga ang mood ko, lalo na sya ang nagtuturo ngayon

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa math book na nasa harap ko at nagbabasa basa doon na nakapangalumbaba

Ilang sandali pa ng may eroplanong papel ang naglanding sa libro ko. Nailibot ko pa ang paningin ko pero napatingin din ako sa katabi kong si mokong at nahuli ko syang mabilis na umiwas ng tingin ng mahuli ko syang nakatingin sakin, nagkunwari pa syang nakikinig sa klase kahit wala naman talaga sa bokabularyo niya yun

Napangiwi akong kinuha ang papel na  eropla o at binuksan yun ng mapansin kong may nakasulat doon

Eda, I'm so sorry for what I've said awhile ago. It's my fault, it's a bad joke. I didn't mean to say that, i made a joke to make you smile not to make you mad at me. I'm very sorry, please bati na tayo :'(

Napangiwi ako pero nagpipigil na ako ng tawa dahil sa kadramahan niya, may crying emoji pa syang nalalaman sa huli, bukod sa mahangin ay korny din pala tong mokong

"Ms. Gaviola" natinag ako na otomatikong naibaba sa table ko ang papel na yun ng marinig ko ang pagkaseryoso ng boses ni Sir Cafaro

"Are you listening?" kinabahan ako sa tanong niya, lalo na at ngayon ko na lang sya muling nakausap

Napatango tango ako kahit wala naman talaga ang atensyon ko sa klase niya kanina pa, palihim ko na sanang itatago ang papel na yun ng magsalita ulit si Sir

"Then, what's that?" naibaba niya ang hawak niyang marker at napaka seryoso ng mukha niya, nangangapa ako ng isasagot ko na napaiwas ng tingib

"Ano po ito... Ahm—————"

"It's a scratch paper, Sir. She's solving about our lesson for today" nakahinga ako ng maluwag ng sumabat si Blake na sya ang gumawa ng palusot

'Sanay yata to pagdating sa pagsisinungaling'

"I'm not talking to you" pambabara ni Sir Cafaro sa kanya dahilan para bahagyang umugong ang ungol ng mga kaklase ko sa kanya kanyang reaksyon

Kita ko ang pagkasalubong ng mga kilay ni Blake sabay sandal sa kinauupuan at pamulsa sa coat niya, di na sya umimik ng mahina ko syang sipain sa may paa niya, kaya napatingin sya sakin at bumuntong hininga na lang

"Answer me, Ms. Gaviola.... What's that?" kunot na ang nuo ni Sir kaya lalo akong kinakabahan

'Leche kase tong mokong na to, kung ano anong trip sa buhay, nadadamay tuloy ako, strikto paman din tong si Sir Cafaro'

"Po?.... Papel po Sir" wala akong maisip na ibang sagot kaya para tuloy akong namimilosopo ngayon na naging dahilan ng pag-ugong ng mga mahinang pagtawa ng ilan sa mga kaklase ko

Sinubukan ko pang ngumiti at sinubukang labanan ang pagtingin sakin ni Sir

Sa isang mahinang paghampas ni Sir sa lamesa niya ay natahimik ang lahat dahil kilala si Sir bilang napakastrikto kaya minsan ay walang gustong kumausap sa kanya, pero dahil sa artistahin ang datingan ay mas marami parin ang palaging nagpapapansin sa kanya. Nangunguna doon ang grupo nina Aiyna

Tinignan ko si Sir ng makahulugan

'Sir, please wag ka na magtanong pa, wag mo na akong ipahiya sa klase please, kase di ako ang may-ari ng papel na to'

"Pay attention to my class" tuluyan na akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya

"Opo, Sir" aniko

Nagumpisa na muling nagturo si Sir, kunot ang nuo kong bumaling sa katabi ko pero nginitian lang ako ng mokong sabay peace sign kaya napangiwi ako

Nasa Cafeteria na ako ngayon at mag-isang kumakain dito sa isang table na nakapwesto sa dulo, gaya ng dati ay puro gulay ang binili ko tutal yun ang pinakamura

Nang akma na akong hihigop ng sabay ay nakarinig ako ng mga tilian na parang kinikilig kaya napatingin ako sa Entrance nitong Cafeteria.

Napangiwi pa ako ng mga grupo lang pala ito ni mokong. Kanina ko lang din nalaman sa isang chismosa na kung sinong babae na isa palang leader sa banda itong si Blake at sya ang vocalist ng banda

'Marunong palang kumanta ang mokong.... Ang tanong magaling ba? Baka naman nagmumukha lang syang magaling lalo na sa mga mata ng kababaihan dahil sa pagiging mahangin niya?'

Napailing iling na lang ako sa biglaang pagdagdag ng ingay dito sa Cafeteria

'Akala mo naman mga artista kung pagkaguluhan, mahahangin lang naman, lalo ang leader nila.... Dapat pangalanan nila ang banda nila ng The Oxygen Band bagay yun sa grupo nila pagnagkataon'

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at humihigop ng mainit init pang sabaw ng matigilan ako na napatingin sa harap ko na ngayon

"Hi" nakangiting ani Blake sabay kaway sakin matapos maki-upo sa harap ko

Napatingin ako sa paligid ng makaramdam ako ng tensyon sa mata ng mga kababaihan na nakatingin sa gawi namin, napalunok ako

Nangunot ang nuo ko ng hawakan niya ang baba ko para ipaharap sa kanya "Don't mind them————" naputol ang kanyang sasabihin ng tapikin ko ang kamay niya na nakahawak sa baba ko, dahil sa pagtapik ko ay may kung ano anong bulungan ang naganap

Inirapan ko sya at napatingin sa mga kagrupo niya na nasa table nila "Ginagawa mo dito?" ani ko na ang tingin ngayon ay nasa pagkain

"Bakit, ayaw mo?" napataas ang dalawang kilay kong nangunot muli ang nuo na napaangat ng tingin sa kanya, nginitian na naman ako ng mokong

Nginiwian ko na naman sya "Pano kung tama ka?"

"Ouch" napairap na lang ako sa kawalan sa pagdadrama niya na naman na napahawak pa sa may dibdib niya "Bati na tayo please... Gusto lang naman kitang samahan kumain"

Di ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain "Eda.... Stop ignoring me.... Pansinin mo naman ako, nasasaktan na ako huhuhu" bahagya pa akong nabulunan sa pagdadrama niya lalo na kunwari pang umiiyak

"Leche to, kung gusto mong makisabay, edi kumain ka dyan, di yung mangi-isturbo ka pa sa pagkain ko... Di mo bagay magdrama, ang panget, nakakasama ng araw" nakangiwi kong ani

"Tsk. Why can't you just support my acting skill? Napakapranka mo naman.... Maka-order na nga, che!" tuluyan akong natawa bigla lalo na sa maarte niyang pagsusungit na parang bakla, muntikan pa akong mabulunan

Sinabayan niya rin ako sa pagtawa "Uy, tumatawa na si Ms. Sungit" tumigil ako sa pagtawa at tumikhim, nagpipigil ng tawa dahil natatawa ako sa itsura niya sa paraan niya kung paano mangulit

"Anong tawag mo sakin?"

"Ayaw mo ng Ms. Sungit? Edi....Mrs. Farnacio gusto mo?" tuluyan na akong nabulunan sa sinabi niya kaya inabot nya agad ang tubig sakin bago ako uminom doon

Nangmakabawi ay inis kong dinampot ang kutsara at ipupokpok sana iyon sa kanya pero mabilis syang nakatayo at bumelat pa saka ako nginiwian para asarin lalo sa paraang matatawa ako bago sya pumunta sa counter at umorder ng makakain niya

'Leche flan talaga, sa dinami dami ng apilyedo bakit apilyedo niya pa ang itatawag sakin at MRS. pa talaga?! Ano kami mag-asawa?! Leche!'

Matapos niyang umorder ay bumalik sya sa table ko sabay lapag sa harap ko ng tray niya bago inabot ang dalawang blocks ng HERSHEY'S

Nagtataka ko syang tinignan pero sinensyasan niya akong kunin yun "It's for you Ms. Sungit.... Baka magtampo ka kase di mo nakuha kanina yung chocolate na libre" gusto kong mapangiti ng mapatingin sa chocolate pero kailangan masungit parin ako kase di kami close bago kinuha yun 

Tumikhim akong napaiwas ng tingin "Lamat" tipid kong sabi na ikinangisi nitong natatawa sa akin habang pinapanood akong binubuksan ang isang chocolate kasabay ng paghalo niya sa pagkain niya na spaghetti

"Bakit pala tumatakbo ka kanina?"pag-iiba niya

Napaiwas ako ng tingin "Basta" tipid kong ani habang ngumunguya ng chocolate

"What do you mean by basta?"

"Basta trip ko lang magtatatakbo na parang ewan. Exercise ko lang yun sa umaga, bakit ba?" pagpapalusot ko pa

Tumatawa sya ngayon kaya napainom pa sya ng tubig sa muntikan niyang mabulunan, di na sya pumalag at umiling iling na natatawa na lang sakin habang busy ako sa pagkain ng chocolate, tutal tapos na rin naman akong kumain ng kanin at ulam

Napakatahimik ng paligid habang sumasayaw ang kurtina sa may bintana dito sa opisina ni Sir Cafaro dahil sa malakas na hangin na pumasok na ikinalamig lalo dito sa loob

Oras na naman ng pagiging mentor niya. Wala na dito si Nurse Jeralene pero parang may kung ano na namang kirot sa dibdib ko ang naramdaman ng maisip kong may girlfriend na pala sya

Nasa may table si Sir Cafaro ngayon at busy sa mga papeles habang ako ay nandito sa isang table na kung saan kami nagli-lesson, ganon kalawak ang office niya. Buti di ako na late ngayon

Marami akong gustong itanong sa kanya magmula pa man nung una ko syang makilala pero pinapangunahan ako ng kaba, isama mo na rin ang mga napulot ko noong mga dokyumento kong ipinasa sa eskwelahang ito nung mga oras na isinandal niya ako sa pader. Idagdag pa ang mga napapaginipan ko na parang totoo

Pati na rin ang panaginip ko noong matapos niya akong iligtas sa mga kamay ng limang lalaking manyakis ay niya inihatid ako sa bahay at nagusap pa kami, ang nakapagpagulo sakin ay Dontai din ang pangalan na naibanggit ni Nurse Jeralene na first name ni Sir Cafaro, kaya ngayon ay litong lito na ako sa mga pangyayari

Natapos ang pagtuturo niya sakin ng nanatili syang maging malamig sakin lalo at di na halos ako kausapin at tignan man lang

'Siguro kase baka pinapalayo sya ni Nurse Jeralene sakin, selosa ba ang Nurse na yun? Estudyante lang naman ako ni Sir ah, wala syang dapat ipagselos doon..... Baka mamaya sugurin ako nun na may kasamang back-up, naku juice colored wag naman'

Malalim ang pagbuga ko ng hininga habang bagsak ang balikat, di ko alam kung bakit nagiging ganito ako gayong wala pa mang kasiguraduhang kaano-ano ni Sir ang Nurse at kailan pa sila magkakilala

Gusto ko pa man ding tanungin ang feedback niya tungkol sa niluto ko para sa kanya, sa kakaisip doon ay namemorize ko na lang kung anong naisulat ko doon sa sticky note

Hi Sir, eat well po. Niluto ko po ito para sayo kung di niyo man po ako kausapin ay at least man lang mapatawad niyo po ako sa pagiging late ko. Sorry po Sir (._.)

Naghahanda na ako ngayon para sa trabaho matapos kong gawin ang mga assignments ko at bagong mga projects. Nagmessage na rin si Rax sakin na sabay daw kaming umuwi mamaya. Di ko na naikwento sa kanya ang tungkol sa panaginip ko noon na muntikan ng may mangyaring masama sa akin sa kamay ng limang lalaki na iyon, dahil kahit may kadaldalan ako ay may limitasyon ang paggamit ko sa bibig ko

Sa ngayon ay naging tatlo na ulit ang magiging trabaho ko dahil nadagdagan ang pagiging pianist ko sa Birthday ni Mr. Amato. Natuto akong magpiano since nung 7 years old palang ako sa pagtuturo ni Mama sa akin

Lagi na lang akong ninenerbyos dahil lagi na lang akong nakakaramdam na may nagmamasid sa akin kapag papalubog na ang araw o kaya naman ay gabing gabi na pero pilit kong sinasanay ang sarilo ko sa katatakutang iyon lalo na sa nakita ko kaninang madaling araw na rebulto, at iniisip kong namamalikmata lang ako kahit mukhang totoo

Di ko man nakita ang itsura ay parang ka postura naman iyon ni Mr. Amato, kung saan saan na naman napupunta ang isip ko

Di ko na namalayang tapos na pala ang trabaho ko bilang janitress sa companya at call center agent na naman ako ngayon

Malapit na rin ang araw ng birthday ni Mr. Amato at nagiisip ako kung anong tugtugin ko. Sana di ako pakantahin dahil di naman ganon kaganda ang boses ko kahit sinasabi pa ng mga magulang ko noon na maganda daw ang boses ko at mga echoserang kapitbahau namin noon na nakikikain minsan samin kaya uma-agree na maganda daw kuno ang boses ko, pero di ako naniniwala dahil ganon kababa ang tingin ko sa sarili ko

Natapos ang trabaho ko bilang call center agent at gaya ng napagusapan namin ni Rax ay sabay kaming sumakay ng jeep pauwi

Naglalakad na ako sa madilim na kanto papunta sa bahay ko habang nagsisilbing ilaw ang flashing sa phone ko, gaya dati ay napakatahimik ng paligid pero nagsisilbing ingay naman ang malamig na hangin na dumadaan daan

Binibilisan ko ang lakad kahit pa sanay na akong mag-isang naglalakad dito, baka kase magkatotoo ang panaginip ko na may limang lalaking haharang sa dinadaanan ko

Nakahinga na ako ng maluwag ng makapasok na sabahay at naisara na ang pinto ng sinindi ko na ang ilaw dito sa sala, ligtas mang nakauwi sa bahay ay nandoon parin ang kaba kong nararamdaman ng ito na namam ang pakiramdam na may nanonood palagi sakin kung saan kahit wala naman akong nakikita

Nang matapos akong kumain ay naisipan kong maupo muna sa sofa at buksan ang TV para naman kahit papaano ay magamit ito, madalang na lang kaseng nagagamit ang TV para sa panglibang sa sobrang busy

Napasandal pa ako sa kinauupuan habang naghahanap ng magandang palabas hanggang sa mapukaw ang atensyon ko sa isang balita

Balitang umaga sa inyong lahat

Ani ng newscaster, madaling araw na kase kaya balitang umaga

breaking news, limang lalaki natagpuan sa abandonadong lugar. Patay!

Ayon sa pulisya may pare-pareho silang marka sa leeg na dahilan sa kanilang pagkamatay.

Natulala ako sa telebisyon dahil sa narinig at nakita nabitawan ko ang remote habang nagsasalita na ngayon ang reporter at pinakita sa TV ang bangkay ng limang lalaki pero di maklaro ang mga mukha pero laking gulat ko ng ipakita ang mga larawan nila

'Sila yung...... Lalaking manyakis sa panaginip ko!.... P-paanong..... bakit.... Ano..... S-sino....'

Nangingilabot ako ngayon sa kinauupuan ko at binabagabag ng kung ano sa isipan, imposibleng mapaginipan ko ang mga di ko killang tao at mababalitaan na lang na wala na sa susunod na araw!

****

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...
154K 8.7K 43
Tagalog Vampire-Romance story. Ano ang gagawin mo kapag tumira ka sa isang mansion kasama ang mga bampira? Ikaw ba ay matatakot o magmamahal? Hindi m...
10.9M 558K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
27.3M 697K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...