Chapter 21 - Coward

143 2 0
                                    

Next Eepsilogue.....:':'(

-

[Shin’s Point of View]

Nakatali kaming apatsa magkakalayong silya. Parehong paa’t kamay, maging ang bibig namin. TInanggihan naming ang unang bigay nila ng pagkain pero hindi kami nakatiis. Dalawang araw na kong di kumakain at nararamdaman ko na ang sakit sa mga t’yan ko.

Bantay sarado kami ng bente kwatro oras. Huli nilang pinapakain si Jaja at Kevin dahil alam nila na meron itong mga lakas upang makalaban. Bagama’t alam naming lahat na walang lakas si Kevin sa pinag-gagawa sa kanya. Ang tanging lumalabas lang sa kanya ay pangalan ni Juniel at ni Rei.

“What the hell is going on!?” nakatali ang mga paa namin ni Min kaya hindi kami makagalaw, lahat ng nakabantay sa amin ay naagaw ang pansin sa sumigaw. Boses ‘yon ni Rain. Nilingon ko sila at ang tanging nakita ko ay ang paghagis nila kay Jae sa damuhan.

“Wala s’ya sa kwarto n’ya at may balak pa yatang tumakas?!”

“JAE!” sigaw naming dalawa.

Napayuko lahat ng bantay at itinayo ng dalawa si Jae.

“Wala akong balak tumakas dahil nandito ang mga kaibigan ko.” He answers with gritted teeth. “Kung tatakas ako, di ako magpapakita sa’yo.”

“You know the saying, aanhin mo pa ang damo. Kung wala na ang kabayo?”

Hindi s’ya sumagot. Marahang nilapitan ni Jiane si Jae at akmang sasakalin n’ya ‘to sa leeg.

“Sila ang damo, at ikaw ang kabayo ko. Aanhin ko sila, pag nawala ka. E di ba? Sayo nag-umpisa ‘to? Ikaw ang nagsuplong sa mga pulis kaya nakakulong ang Nanay namin, ‘yung tatay-tatayan ng kaibigan mo at namatay ‘yang Nanay ng girlfriend mo ng dahil din sa’yo! Di ka ba nakokonsensya? Ha?! Nasa’yo ang puso n’ya.”

Gusto kong tumayo ng dahil sa gulat ngunit wala akong magawa kung hindi ang manood.

Tinutukan ni Jiane si Jae ng baril sa dibdib nito.

“Puso n’ya ‘yan. And it feels like she’s alive because of you!”

“H’wag!” parehong sigaw namin ni Min. Tinutukan kaming bigla ng baril sa ulo kaya di na ako nakausap pa.

Gusto kong kumawala. Pero natatatakot ako, nab aka isang galaw lang ng darili ko. Patayin nila ako.

Marahil hinahanap na nila ako, kaming dalawa ni Min. Hindi ko man alam kung paano kami makakatakas dito, pero positibo akong dadating ang oras na may magliligtas samin.

“Shin, I can’t watch this. Jae’s dying.” bulong ni Min. Ipinilig n’ya ang ulo n’ya sakin at pumikit.

Kitang kita ko ang hirap n’ya, puno rin ako ng takot na baka bigla na lang s’yang magcollapse.

“Just kill me. But let them g-go.” Hingal nitong boses. “P-please kill me.” Gumagaralgal ang boses n’ya at alam kong dahil ‘yon sa takot. Pinigilan ko ang sarili kong sumingit sa usapan.

Hanggang sa matapos ang usapan nila. Mahinang pinukpok ni Jiane ang dulo ng baril n’ya sa ulo ni Jae kaya nakatulog ito. At mula sa posisyon naming kanina, ay mariing itinali ulit kami.

“Tomorrow, you’ll see Rei. Pero sa loob na nga lang ng kulungan pagkatapos ng drama. I want her dead; I wanna see her inside the coffin and shoot her head. But I can’t. Ganoon ang ginawa n’ya, gano’n din ang igaganti namin sa kanya.”

Umalis na sila, kahit paglunok ng laway ay hindi ko magawa. Napuno ng pagkasuklam ang dibdib ko, hintayin n’ya lang makawala ako.

‘Lee, Rei, nasaan na ba kayo? Alam ko, darating kayo, dahil may tiwala kami sa inyo’

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang