Chapter 14 - Illness

114 3 0
                                    

Last update of the year.  :) Kevin on Media!

-

[Jae’s Point of View]

Sinilip ko ang kwarto ni Ate Jiane, kakarating lang kasi ng Doctor ko. Hindi naman nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko, paminsan-minsan lang naman ‘yon pero, dahil umiinom ako ng gamot ay kaagad nawawala. Para bang may nakabara sa puso ko, sa baga ko dahil sa hirap na paghinga.

Hindi ko naman sila marinig, hindi ko rin mabuksan ng tuluyan ang pinto dahil may dalawang bantay dito. May mga umiikot din sa loob at labas ng bahay. Ngunit marahil na rin sa kalakihan ng mansion ay may mga lugar na hindi nila ako mahahalata.

Kinuha ko ang bag ko, ang baril na binigay nila sakin ay sinecure ko sa likod ng damit ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ginagawa ko, pero may naguudyok sakin na puntahan ang babaeng ‘yon.

Lumabas ako ng bahay, nasa underground kasi ng maliit na bahay dinala si Jaja upang ikulong. Tatlong araw na rin s’yang nandoon.

Palihim akong naglakad papunta doon. Ang tanging bantay ay nasa labas ng unahan ng pinto, dalawa sila. Ang isa palakad lakad sa malayo. Ang isa ay nakaupo at may suot na cap at mukhang iidlip idlip ito, papasok lamang ito kapag papakainin na siya.

Nang umalis ang isa at mag-ikot ay nagsimula akong lumapit.

“Hoy!”

Napatigil ako sa mahinang tawag na ‘yon, isang boses ng lalaki.

Normal na nilingon ko siya at ngumiti.

“O, ikaw pala boss Jae.” Bati niya. Ibinalik niya ang baril niya sa bulsa na nakatutok sakin kanina. “Anong ginagawa niyo dito sa labas? Kabilin bilinan ni Boss Jiane na sa loob lang kayo dahil may sakit kayo.”

“Ah, nagpaalam ako. Nagpapahangin lang. Nakakasuffocate sa loob e.”

“Gano’n ba?” nangiti naman s’ya. “O sige, papasok lang ako sa loob.”

“Sige.”

Nakahinga ako ng maluwag.

Nang makapasok ako sa pinto ng walang nakakapansin ay naalala kong bigla ang sinabi ni Ate Jiane kagabi. Bago ako matulog ay pinagbantaan n’ya ako.

‘H’wag kang maniniwala sa bawat sasabihin n’ya, dahil isa s’ya sa nanloko samin. Isa s’ya sa nanloko sa atin, at kaibigan niya si Rei.’

Ang mga matang ‘yon ay puno ng galit, at ang titig n’ya ay nagpapatunay na hindi s’ya nagsisinungaling.

Hindi ko na isinarado ang pinto, dahil baka makagawa ako ng ingay. Pagpasok ko ay makikita ang simbolo ng ahas, na nakatatak sa likod ko. Nasa gawing kaliwa ‘yon. Isa s’yang istatwa. Sa kanan naman ay tatlong ahas na labas ang mga dila, lahat ay mga klase ng ahas na tinatawag na cobra. Sa kaliwa ay ang pangalang Snake, samantalang sa kanan ay ang salitang Venom.

“Ano ‘yun?” bulong ko saking sarili. Napakunot ang mga noo ko ng lapitan ‘yon.

Isa ‘tong board.

Isang board kung saan iba’t-ibang litrato ng tao ang nakadikit.

Napapakunot ako ng makita ko ang bawat isa, kasama ang litrato ni Rei na tinusok gamit ang balisong. At ang di ko pa inaasahan ay isang group picture ng apat na tao. Ang isang mukha nito ay barado ng isang tinta.

Kinuha ko ‘yon at bago ko pa mailagay sa bag ko ay may napansin akong lalaking, pamilyar sa akin.

Naalala ko ng sugurin ko si Rei sa airport ay nakita ko ang lalaking ‘to.

Sa malayo ay pinagmasdan ko s’yang tumatakbo kasama ang isang babae, at isang lalaking kasama na, itinago si Rei.

Binaliktad ko ang litrato at nakita ko ang mga pangalan nila, Shin Ullyses Adams, Jaymin Lopez at Bryan Lee.

Itinago ko ‘yon at nagpatuloy sa pagbaba, dahil nga underground ‘to. Ang di ko pa inaasahan ay sa isang kulungan ay mas isang lalaking nakatali sa dalawa n’yang kamay, nakataas ito sa bakal na halos kalawang na. Nahaharangan ng pawisan n’yang buhok ang mukha n’ya dahil na rin sa nakatungo s’ya.

“Sino ‘yan?!”

Halos magulat ako sa sumigaw. Galing ang sigaw sa isang pintong di ko pa napapasok.

Hindi ako sumagot, takot na baka makilala n’ya ang boses ko.

“Jae?! Jae! Ikaw nga!” Napatalikod ako. Nakita kong muli ang lalaki na dahan dahan na tumingin sakin. “Kevin! Kevin si Jae-"

"Tumahimik ka!"

Natahimik nga s'yang tinignan ako. Puno ng pagtataka ang tingin na 'yon. Sinubukan n'yang buksan ang pinto at kalabugin pero wala ring nangyari.

"Kuya Jae? Ako'to, si Kevin."

"Kevin?" napaisip ako. Tinitigan ko ang sugatan n'yang mukha. "Kevin Alcantara?"

"Wala kang maalala Kuya?"

"A-ano bang sinasabi mo? M-meron!"

"Si Ate Rei?! Si Ate Rei! Inakala n'yang patay ka na! Ginawa n'yang lahat para hanapin abg Doctor mo. Wala kaming kaalam alam na nandito ka lang pala. I'm sorry Kuya." tuloy tuloy pa rin ang pagsasalita n'ya, ngunit halata mong nahihirapan siya dahil sa paghabol ng hininga at sa mga sugat sa labi.

"Jae."

"Ikaw." tukoy ko sa kanya.

"Jae..."

"Bakit di ka na bumalik at maging loyal na lang sa pamilya natin?"

"What?!" Hinampas n'ya ng malakas ang pinto. "Pamilya?!"

"Ja, Stop." rinig kong usal ng lalaki sa kabila. "As I predicted, I thought they have the same case."

Tumingin kami sa kanya, tumayo s'ya at mabilis n'yang natanggal ang mga kamay n'ya sa posas na 'yon, na parang di nasaktan. Lumapit siya sa rehas at tumingin sa mgamata ko.

"Confusion."

"Hah?"

"Do you occur it?"

"What?!"

"Kevin!"

"You my not be able to remember us, but I assure you, we are the real family you got."

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon