Chapter 1 - Double, Trouble

407 10 0
                                    

Enjoy reading, time sharing :)

Engr. Lee on Media! :D

-

The EPILOGUE of Love me this Way is some years ago before Jaja goes to Paris. This continuation is to the part of the engagement party of Krystal and Min after they talked to Lee on facebook who just got hacked by a girl named Han Rae Na.

[Reina's POV]

From Korea, sabay kaming umuwi ni Jae. Nagproposed siya sakin, nabigla nga ako pero tinanggap ko syempre dahil mahal ko siya. Nag-aalala pa rin ako sa lagay niya, noong gabi kase at unang beses matulog sa iisang kama, inatake siya ng sakit niya. I stayed up all night just to clarify he's still breathing beside, but he is. Nagulat pa nga siya ng makitang gising ako magdamag, pero pinatulog ko pa rin siya.

Nasa Seoul naman ang letseng si Lee, hindi niya raw nabasa ang text ko! Tsk! E kasi naman puro trabaho ang inaatupag, ayan tuloy siya lang ang nawawala sa reunion. Pake ko sa kanya, limang taon din kami nagsama sa iisang bahay e.

"Rei! Uuwi na kami ni Hubby!" tawag sakin ni Yishin na ang cute cute pa rin hanggang ngayon. Baby face kasi e kahit na sobrang tangkad. Luminga siya sa paligid. “Si Jae?”

Chineck ko rin ang paligid pero di siya nahagip ng mata ko. “Baka nag-cr lang.” tugon ko.

“O sige, sabihin mo na lang umalis na kami ah? Si Mommy kase kanina pa tumatawag.” Tukoy niya sa Mommy ni Shin, Mommy na rin ang tawag niya dito. Boto naman sila kay Yishin kahit na alam nila ang past niya. Di rin naman nila kayang diktahan si Shin pagdating sag anon.

“O sige, mag-ingat kayo ah? Gabi na.”

“Hmm, kayo din.”

Umalis na nga siya, nagsiuwian na din ang ilan at tanging natitira na lang ay ako at si Jaja. Kinausap ko siya tungkol sa pinag-usapan nila ni Kevin noong dumalaw siya. Nagulat ako sa kwinento niya, hindi lang ako ang nakakaramdam ng gano’ng pangyayari. Para bang may umaaligid samin paminsan minsan. Pero years na ang lumipas at naging tahimik ang buhay namin, sino naman sila para guluhin kami?

“Kaya ko iniiwasan ang bansang korea at Japan, dahil doon nanggaling ang original na clan na pinagmulan ng pamilya naten. Natatakot ako na baka kilala pa rin nila tayo. Kung may mga watcher nga sila, bakit di nila tayo nilapitan dati pa?” takot na takot ang boses ni Jaja. Nasa labas kami ng event hall kaya naman napasindi siya ng sigarilyo. Itinapon ko naman ‘yon sa malayo.

“Were living our life normally and healthy.” Nagsorry kaagad siya, nakita kong nanginginig ang mga kamay niya. Ramdam ko ang init sa paligid pati na rin ang isip ko ay naguguluhan. “Isipin na lang natin na wala lahat ‘yon. Just, some kind of trauma na hindi natin pwedeng maalis. Tss, do’n naman tayo magaling dati di ba? Alisin sila sa isip natin?”

“Kahit na nakabuntot sila satin?”

“As long as hindi nila tayo gagalawin.” Sagot ko ng matigas at tinapakan ang sigarilyong umapoy saglit. “Teka, nakita mo ba si Jae? Ten minutes na siyang wala e.”

“Galing akong c.r., nakita ko siyang pumasok do’n.” nagtatakang sagot niya. Napakunot na lang ang mga noo ko at sumunod siya sakin ng magsimula akong maglakad papuntang C.R.

Nilingon ko ang paligid bago kami pumasok, wala na naman tao except sa mga trabahador na naglilinis. Kinatok ko ang pinto at nagulat ako ng makita ko si Jae sa lapag at nakahawak sa dibdib niya. Puno ng kaba ang dibdib ko ng lapitan ko siya at pilit na buhatin. Nangilid ang mga mata ko habang hawak hawak ang kanang pisngi niya.

“Jae! Jae!” Pinakinggan ko ang dibdib niya at mas lalo akong kinabahan at naiyak ng wala akong maramdaman mula doon. Kaagad ko siyang inihiga sa sahig upang iperform ang CPR. Bawat tulak ko sa dibdib niya, ay siya namang bawat pagtulo ng luha ko.

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Where stories live. Discover now