Chapter 4 - Finding Doctor Fail

138 7 0
                                    

Chapter 4

-

[Jae’s Point of View]

 

Kasasaglit na pikit ko palang ay nawala na sa paningin ko si Min at Shin, pati na rin si Ate Minah na mukhang umuwi na nga. Kanina ko pa rin tintanong sa kanila kung nasaan si Rei, pero wala silang sinasagot sakin. Ang huli naming pag-uusap ni Rei ay noong matapos nilang kausapin ni Ate Minah ang Doctor ko.

Madaling araw na, pero ang nandito lang ay si Krystal at Yishin. Busy rin naman ang parents ko. Sinabi ko na nga na okay lang ako at wag ng magsampa ng kaso sa Hospital.

Tulog sila, naalimpungatan lang ako. Tumayo ako para silipin ang ginagawa nila, pero mga paper works lang pala ‘yon at design ng mga damit na mukhang si Krystal ang magsusuot. Gusto ko sana silang gisingin para sabihing umuwi na, pero parang tahimik silang natutulog sa sofa.

Lumabas muna ako, dinala ko yung IV ko at naglakad para sana magpahangin sa itaas ng rooftop ng Hospital. Dinala ko yung cellphone ko para tawagan si Rei, pero walang sumasagot. Baka tulog na siya. Pero nasaan siya?

Umupo lang ako saglit sa nakita kong upuan doon, mabuti na lang walang nakakita sakin para pabalikin ako sa loob ng kwarto.

Pinikit kong muli ang mata ko, dinama ko ang hangin na hindi na gaanong kalamigan dahil siguro magus-summer na sa Pilipinas. Okay naman ang panahon, maliwanag pa nga ang buwan.

“Jae?” narinig kong bigla ang pangalan ko. Hindi ko alam kung sinong tumawag sakin. Tumayo ako para malaman kung sino ‘yon at hindi ko ineexpect na siya ang makikita ko.

“Bakit ka nandito?” tanong ko. Lumabas bigla sa likod niya ang isang lalaking nakilala ko pa. “Sandale!”

 

[Reina’s Point of View]

“Sino ‘yon? Kilala mo? May kasamang mukhang koreana.” Napatingin kaming pareha kay Lee. Ha! Anong ginagawa niya dito?! Nangbabae ba siya?! Hindi man lang niya alam na may sakit si Jae!

“Pinsan ko.” Sagot ko na lang. “Okay lang ako. Pwede na ba ‘kong magtanong?”

“Oo.” Sagot naman niya. “Si Dr. Dominguez ba?”

“Hmm. Kilala mo siya?”

“Dr. James!” Napalingon kaming dalawa sa tumawag. Naudlot na tuloy bigla yung sasabihin ko. “You?!” turo niya sakin.

“Takano!” bati naman ni James.

Siya yung babaeng kaninang pinagtanungan ko. Siya yung puminit ng nag-iisang picture na hawak ko!

“Do you know her?”

“No, we met today. She’s asking for someone.”

“Who are you?! Why are you looking for that man?”

“Sorry.”

“No, I’m sorry. Let’s talk to other place. This is my family Coffee Shop, so I don’t want to tell you a story here.” Napalingon ako sa pinuntahan ni Lee. Pumasok siya sa isang museum.

“Can I leave a note here?”

Kagaya ng napag-usapan ay lumipat kami ng lugar, sa isang pribadong restaurant. Nagulat akong iba ang kwinento niya kesa doon sa kaibigan niyang lalaki kanina. Mukhang may alam rin naman si James tungkol kay Doctor Fail kaya hindi na nag-iiba ang expression niya.

“So you’re saying the day you have tutor with Dr. Dominguez there are some guys who captured him. And they tell you to keep quiet or else they will kill you. Who are they? Do you remember them?”

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Where stories live. Discover now