Chapter 13 - Welcome back to Caramoan

129 4 0
                                    

On media  :) Reina

[Shin's Point of View]

Nakatitig kami sa kanya, magdamag pa, ang puti n'ya, mas maliit nga lang s'ya. Pero pareho sila ng buhok ni Rei. Mas magulo nga lang ang kanya.  Palangiti pala s'ya, pero bakas ang takot sa mukha n'ya kanina ng magkita kaming tatlo. Wala akong kamalay malay at hindi rin naman mahahalata ng ilan na nagpanggap s'ya bilang si Rei upang tumakas. At si Rei ang naging pasimuno sabi n'ya.

Kaya ngayon, nawala si Rei, at nawalan pa lalo kami ng contact sa kanya. Tommorrow will be Jae's last mourn. Pero dahil nawawala pa s'ya, sa loob loob ko, may kaunting hope pa kong natitira na buhaypa din s'ya at hindi nga nagpakamatay.

"Gutom ka?" natatawang tanong ni Min habang kasabay n'ya kaming kumakain galing sa istasyon ng pulis kanina. Mag-aalas dose na pero di pa din kami nakakauwi.

"Pasensya na ah? Pero pwedeng humingi ng favor?" singit niya kay Min at pareho na lang kaming napasinghal at nagkatinginan. Lumunok muna siya bago ulit magtanong. "San-Saan yung bahay ni Miss Rei, meron akong address n'ya kaso naiwala ko kasi tumatakbo ako kanina."

"Why would we answer that? Hindi ka namin kilala." mataray kong sagot at inismiran n'ya lang ako.

"Kuya, kuya ikaw na lang magdala sakin dun. Hmm?" nagpuppy eyes siya at ngumuso! In short nagpacute! Sabay humawak pa sa kamay ni Min na siya namang napalayo kaagad.

"I'm engaged." umiling si Min at nangiti. "Bakit? Nasaan ba si Rei? Sabihin mo na."

"Hindi ko nga po alam. Sinabi lang niya na magtago ako. Kokontakin n'ya ko kapag okay na ang lahat."

"Contact?! We can't contact her, how?!"

"She borrowed my phone."

Nagkatinginan muli kami ni MIN at napahinga ng maluwag.

Nagpasya kaming iwan muna s'ya sa Hotel namin, kesa naman kina Rei dahil wala s'yang kasama do'n. Si Kevin ay t'wing Sabado lang ng gabi umuuwi doon at meron silang caretaker upang mamentain ang bahay. Wala din naman si Lee dahil nga alam naming may kasama s'ya, pero di namin alam kung anong balak niya. Kung bakit n'ya kasama ang mga taong 'yon.

Alas tres ng madaling araw, wala pa kaming tulog ni Min pero tumuloy na kami sa bahay nina Jae kung saan doon walang labi ang nilalamayan ng tao, maliban sa isang litrato. Nakasuot kami ng parehong tuxedo, at si Tita lang ang gising at ilang bisitang doon na nagkekwentuhan.

Yumuko kami sa harap ni Tita as sign ng tradition nila, niyakap namin s'ya pareho.

Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Jae. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil wala akong nakikitang presensya n'ya kung hindi ang isang nakangiting litrato.

Nagpasya kaming umidlip doon ni Min habang nakaupo lang, hanggang sa mag-umaga ay dumami muli ang tao.

Dumating si Krystal at Yishin at nagsilbi sa lahat. Sinubukan ko namang icontact si Kevin ngunit hindi siya sumasagot, gayon na din si Jaja.

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Where stories live. Discover now