Chapter 8 - Love Her, Hate Her

126 8 0
                                    

On Media! RAVEN. Enjoy!

-

Currently in the Philippines

Makikita ang pagmamadali ng magulang nina Jae at Minah. Parehas silang umiiyak, habang nagpapahinga si Minah kasama ang asawa niyang Senator. Hindi niya pinapapasok ang bisita niya.

“Nasaan si Jae?! Where is my son?!”

“I’m sorry Tita, we’re really sorry.” Paulit-ulit na pagpapaumanhin nina Krystal at Yishin.

 

[Jae’s Point of View]

 

Nagising ako sa isang maliwanag na kwarto, wala akong maalala. Nakakarinig ako ng usapan mula sa paanan ko, at nakakita ako ng mga Doctor at Nurses na nakatungo sa lalaking may hawak ng baril.

Ooperahan na ba ‘ko?

Nanlalabo ang paningin ko at nahihilo rin.

“Jae, I’m here.”

Naririnig ko ang boses ni Rei, nakikita ko rin siya, nakatutok siya sa mukha ko at hinawakan ang noo ko. “Rei.”

“Hoy, gawin mo ang trabaho mo!” sa gulat ko sa boses na ‘yon ay nanlaki ang mga mata ko. Hanggang sa mamukhaan ko ang babaeng nasa harapan ko, isang nurse lang pala.

“Nasaan ako?”

“Sorry Sir, ginagawa ko lang ang trabaho ko.” At matapos sabihin ng babae ‘yon ay nagdilim muli ang paligid ko.

 

[Lee’s Point of View]

 

Peste ‘tong lalaking ‘to, kanina pa ko tinititigan! Aba’t pinagsama pa talaga kami sa isang kwarto! Hah! Kung papatayin niya ko, e mukhang gagawin niya habang natutulog ako.

“Anak ng, may stiff neck yata ‘to e. Di man lang gumagalaw ang mukha.” Sabi ko sa sarili ko at napangisi lang siya. “Bakit?! Naiintindihan mo ‘ko?!” sinipa kong muli ang bola na kanina ko pa nilalaro.

Tumawa!
Syet, parang timang lang!

“Alam ko.” Mahinang usal lang niya, pero bakit naintindihan ko?!

“Saan mo nakuha ‘yan?! Naggoogle ka noh?!” Tumawa tawa ako ng malakas! Letse, pero ginaya niya ko!

“Ramdam mo naman ‘yung pagtulak ko di ba? Kakampi mo ‘ko, pero kalaban kita.”

Napatitig ako sa kanya! Deretsong nagtagalog siya!

“Pakiulit nga?!”

“Kakampi mo ‘ko, pero kalaban kita.”

“Ang labo—wait! Bakit naiintindihan kita?!”

“Tss! Bobo ka ba o ano? Malamang nagtatagalog ako.” Binato niyang bigla sakin yung bola! Mabuti na lang nasalo ko. Tumayo siya at isinarado at nilock ang pinto.

“Hoy! Papatayin mo ba ko?!”

Tumawa na naman siya! “Kung papatayin kita, e di sana kanina pa. E di sana noon pa, noong una tayong nagkita.”

“Woo, malamang hinampas ka sa ulo ni Hanna!”

“Who’s Hanna?!”

“Rae Na?” paglilinaw ko. Nakita kong natahimik siya saglit. Parang may nakaraan nga sila. “So what’s the meaning of traitor? Anong story niyo?”

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat