Chapter 11 - Come back home

137 3 0
                                    

Dedicated to you!

On media: Long hair Lee!

[Jae's Point of View]

Hindi ko man mai.tindihan ang itinuturo nila sakin, pero parang sa loob loob ko, parang ayoko silang sundin. Pero mabait ang turing nila sakin, at pinagbuhay prinsipe nila ako sa malaking mansion dito sa Laguna.

"Sir Jae. Miss Jiane called you, it's time." usal ng babaeng kumatok bago pumasok sa pinto. Isang linggo na akong nakatengga sa mansion na kung tawagin nila ay white tennor, bawal lumabas ng walang kasama. Lumapit s'ya sakin at kinuha ang box na nasa tabi ko, umalis s'ya pagkatapos ng di man lang ako hinaharap.

Nang tumayo ako ay may nakita akong litratong bumagsak galing sa box na kinuha ng babae. Litrato din 'yon ng isang babaeng hindi ko kilala.

Parang biglang kumisap ang mga ilaw sa paligid. Ilang beses akong napapikit at nagkusa ang mga tuhod ko na lumuhod.

Parang nakikita ko ang imahe n'ya, kasama ako.

Parang nakikita ko s'yang, nililigtas n'ya ko.

"Jae." tawag sakin ni Rain na nakatayo na sa pinto. Nilingon n'ya ang litratong hawak ko, kaya naman lumapit s'yang bigla.

Iniabot n'ya muna ang kamay n'ya upang itayo ako. "Okay ka lang?"

"O-oo." sagot ko habang nakatingin pa rin sa litratong 'yon. Nakangiti s'yang may inaayusang parang manikin.

"Do you know this girl?"

"N-no." walang alinlangan kong sagot dahil wala talaga akong matandaan.

"Do you remember anything?"

Tumingin s'ya ng masama sa mga mata ko. Ang mga matang katatakutan ng lahat ng tao dito sa bahay. "Y-yes." I honestly answered.

"Yes, she's your ex-girlfriend. Con artist ex." pagdidiin n'ya sa huli n'yang sinabi. Inilapit n'ya ang litrato sa mukha ko at pinunit 'yon sa gitna ng isang beses lang. "A con artist who used you. Na sumira ng pamilya natin. Na pinagkatiwalaan mo, pero niloko ka rin at pinagpalit ka kay Lee. Tumira sila sa iisang bahay ng apat na taon at kahit nagmakaawa ka sa kanya, ilang araw, ilang buwan at oras, hindi ka n'ya nilingon. Kasi pinaasa ka n'ya. At pinerahan n'ya tayo." sumenyas s'ya na abutin ang litratong 'yon. "Kaya nagkasakit ka. Kaya ka nagising sa Hospital. Go on. We're planning our revenge."

Tinitigan ko lang ang litrato sa kamay ko pero dahil nakatitig sakin si Rain, ay dahan dahan ko 'yong pinunit hanggang sa iilang bahagi na lang ang nahahawakan.

Kinuha n'ya ang ashtray at inilabas ang lighter n'ya. S'ya mismo ang pumulot ng punit na litrato at ibinigay sakin ang lighter upang ako ang magsunog. Muli ay sa harap n'ya, ay ginawa ko 'yon.

"Let's go."

-

[Shin's Point of View]

"Just what the heck did you say?! Sinabi mong patay na nga si Jae, e hindi pa naman tayo nakakasigurado dahil wala namang balita tungkol sa kanya!" isinigaw kong 'yon talaga sa mukha ni Min.

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Where stories live. Discover now