Chapter 15 - Memories

98 4 0
                                    

10 Chapters to go~ Min on the media :)

-

[Kevin’s Point of View]

Kakatanggap ko lang ng balita, na nagpakamatay daw  si Kuya Jae at nag-iwan ng suicide note. Mahirap paniwalaan ng una, pero ng sumama ako sa mga pulisya na magimbestiga kung saan nagpakamatay nga raw s’ya ay nakumpirma kong di totoo ‘yon. Ayo’n sa suot niyang sapatos na siyang magtutugma sa sapatos n’yang regalo ni Ate Rei, ay nakumpirma na kaagad ito at hindi na nagimbestiga pa.

Nilapitan ko si YIshin, katabi n’ya si Krystal na kitang kita ang pagkalungkot sa mga mata nila.

“Yishin.” Tawag ko rito. NIlingon naman nila ako. Nasa bahay na kami kung saan nagkaroon ng mourning room man lang para kay Kuya Jae.

“K-kevin? Si Rei? Hindi mo s’ya kasama? Nasaan na ba siya?”

“Hindi ko rin alam, hindi ko macontact ang cellphone n’ya.”

Nagkatinginan ang dalawa.

“Paano kayo nakasiguradong patay na si Kuya Jae, he can’t do that. Alam n’yang naghihintay si Ate sa kanya.” Tumango sila, mukhang sumang-ayon sila sa sinabi ko.

“Bukod sa sulat m—“

“Krystal.” Pigil ni Yishin dito.

“Tell me.”

“May suicide note s’yang iniwan.” Pagtutuloy ni Krystal. “Pero—“

“Ano?”

“Yung joint account nila ni Ate Rei, naubos lahat ng laman. Tapos si Tita, hindi man lang alam kung nasaan si Rei. Nag-aalala kami, dahil baka mapagbintangan s’ya. Alam mo naman yung nangyari 6 years ago di ba? Nalaman nila background ni Rei, niyo.” Pagpapatuloy n’ya.

Napuno ng pag-aalala ang loob ko, at iniisip kung saan pwedeng pumunta si Ate Rei, pero wala man lang pumapasok na kahit ano sa utak ko.

“Si Lee? Nasaan s’ya? Wala ba s’yang alam?”

“Si Lee? Yung huling kausap pa namin sa kanya ay sa Japan pa s’ya, wala ng sumunod. Pauwi na si Shin kasama si Min.” sagot sakin ni Krystal.

“Sige, uuwi lang ako at magpapalit ng damit. Babalik ako.”

“Hmm.”

Ilang minutong byahe ay nakauwi ako sa amin,madilim. Nakakapagtaka dahil meron namang nangangalaga sa bahay. Pero bakit parang walang tao dito?

“Tatay—AHH!”

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa lupa, at ng imulat ko ang mata ko ay nakita kong duguan si Tatay, ang housekeeper namin. Pinilit kong tumayo pero may umapak sa likod ko.

“Long time no see Kevin.”

“Sino ka?!”

Sa malalim n’yang boses at tono ay nakaramdam ako ng takot, takot na hindi ko naramdaman for the past 6 years. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng tubig sa mga balat ko, isang mahinang ulan.

“Sinagot ng langit ang tanong mo.’

“Rain?!”

“Sino pa nga ba?”

“Paanong?!—“

Tinanggal n’ya ang paa n’ya kaya naman nakatayo ako. Pero di ko inaasahan na marami pala s’yang taong kasama.

“Kung ayaw sumama, daanin n’yo sa dahas, basta iwan n’yong buhay. Don’t worry, you have company.” Lumayo s’ya sakin ng kaunti, naglabas s’ya ng sigarilyo at awtomatikong may nagpayong sa kanya at nagsindi no’n. Umatras s’ya sakin at mukhang walong tao ang sumubok na sugurin ako.

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora