Chapter 21

31 1 0
                                    

“You're awake

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“You're awake.” Unang napakinggan ko nang imulat ko ang aking mga mata.

Agad na bumungad sa akin si Austin, he's wearing his coat as usual. He checked my vitals. Nagtama ang tingin naming dalawa habang kinukuha niya ang bilang ng pulso ko.

“Kung gusto mo pang magpahinga, magpahinga ka pa. Take it easy.”

“Nasan si Zoey?” Tanong ko sa kanya. Tumingin siya ulit sa akin at umiling lamang. “Paano ako nakarating dito? Pwede din akong mamatay—”

“Zoey died...” Nakita ko ang paglunok niya. “As well as your child.”

Napatawa ako. Biro lang 'to, sigurado ako. Napapalakpak pa ako ngunit natauhan nang makita ang seryosong tingin sa akin ni Austin. Nakaramdam ako ng kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang kabilang kamay ko at napayuko.

“I'm not joking, Czarina. Palagi akong tinatanong ni Oliver kung bakit ang tagal mong magising, sinasabi ko lang na kailangan mo ng pahinga. Its hard for me to say it to him, lalong- lalo na sa'yo. Dahil sa tingin ko ay hindi mo alam na may dinadala ka.”

Natahimik ako at pinagkiskis na lamang ang mga kuko ko.

“Please tell me that you're just lying.”

“Sana nga nagsisinungaling na lang ako pero hindi eh—”

“Oh! Thank you, God!” Natigilan kaming dalawa nang biglang pumasok si Mommy at nagmamadaling tumakbo papunta sa akin.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Edi sana ay ganito na ako ngayon. Sana nanay na din ako ngayon. Sana nalaman ko agad.

“My baby, my child.” She whispered while hugging me.

Ang kaninang luhang aking pinipigilan ay unti- unting tumulo. Ang kaninang biro ay naging lungkot. Bangungot ba ang lahat ng ito? Karma ba ito sa lahat ng makasariling desisyon ko noon? Napahagulhol ako nang mapagtanto na dalawang tao ang napabayaan ko, na dalawang tao ang nawala dahil sa akin.

“Mommy,” Saad ko sa gitna ng hagulhol.

Simula palang nang ikasal kami ni Oliver ay hangad na namin ang magka- anak. Gustong- gusto namin, ilang beses kaming sumubok pero walang nangyayari, walang nabubuo. Ngunit ngayon, may nabuo na nga subalit nawala. Sana ako na lang yung nawala, sana ako na lang.

“What happened, hija? May masakit ba, anak? Masakit ba ang katawan mo? Ang ulo mo?” Tanong niya.

Masakit ang puso ko, Mommy.

“Iwan ko na muna po kayo.” Rinig kong sabi ni Austin.

Everything happened so fast. Eto naman ang gusto ko diba? I always want everything to be as fast as possible. Gusto kong sumubok sa mga problema sa buhay ng mabilisan. Ngayon, I am suffering. Its my fault. Kasalanan ko.

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now