Chapter 22

35 1 0
                                    

I looked at Oliver's face while he's sleeping. Sobrang mugto ang mga mata niya. He told me that Kuya Isaiah knew about it. At pinili niya na hindi sabihin kay Oliver ang lahat dahil gusto niyang mag- focus muna ito sa trabaho. He's very angry to his twin.

“Why would he do that? Porket nagtatrabaho ako, hindi ko kailangang malaman na nawala ang anak ko?”

Nakakainis nga pero alam ko namang may rason si Kuya Isaiah dahil ama din siya. Everytime I look at Oliver, naiisip ko: paano kaya kung may anak na kami? Kamukha ko ba siya o kamukha ni Oliver? Hindi ko man lang naranasan maging ina kahit saglit. Hindi ko man lang siya nahagkan.

Kahit ilang araw na ang nakalipas ay fresh pa din sa akin ang lahat, bagong- bago pa din ang lahat. I can't believe that I was once a swimmer pero hindi ko naggawang sagipin sila. Gusto kong magkaroon ng kaibigan pero hindi ko siya napigilang magpakamatay. Gusto kong maging ina pero hindi ko naggawang iligtas ang anak ko.

I'm very unfortunate.

Hindi ako makapaniwala na mas madadagdagan pa ang mga bagay na kinakatakutan ko. Hindi ako makapaniwala na ang mga bagay na gusto ko ay madali lamang na nawawala. I just want to be happy pero bakit hindi ko maggawang maging masaya?

“You're crying again.” Rinig kong sabi ni Oliver.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti sa kanya.

“Bababa na muna ako, ipagluluto kita.” Saad pa niya. Tumango ako at agad naman siyang bumangon.

Tumayo ako at inayos ang higaan namin. Hinawi ko ang mga kurtina at natigilan nang makita ang napakraming kotse sa ibaba. Ang isa ay kaka- park pa lamang. Lumabas doon sila Ate Luna at Tito Theo. Napanganga ako. Agad akong pumunta sa CR at tiningnan ang sarili sa salamin.

Tama nga sila Daddy, I'm a mess.

Agad kong inayos ang sarili ko. Shetaks! Bumaba si Oliver nang nakasando lang. Bahala na! Nag- dress akong puti na floral. Kumuha din muna ako ng damit na maayos ni Oliver bago ako bumaba. Bakit ba sila nandito?

Napanguso ako nang makita nang lahat sila ay nandoon, ang mga pinsan ni Oliver at ang mga asawa nito. Nandoon si Eleazar, Yvette, Kuya Isaiah, Ate Maia, Ate Luna at Tito Theo. Sinalubong ako agad ni Ate Luna ng yakap.

“Gawa na lang kayo ng bago.” Pagbibiro niya. Agad kong tinapik ang braso niya. “Joke lang naman.”

Niyakap din ako ng mga babae doon. Ang mga lalaki naman ay nakatingin lamang sa amin. Matapos ang batian ay lumapit ako kay Oliver at binigay ang dalang damit para sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang humubad siya mismo sa harapan ko at ng mga bisita at tsaka sinuot ang tshirt.

“Sabi ko na, pwede namang gumawa ng bago.” Sinamaan ko ng tingin si Ate Luna at kumibit- balikat lamang ito sa akin.

“Kumain na ba kayo?” Tanong ko. Nagsitaungan naman silang lahat.

“Kami, hindi pa.” Saad ni Oliver at hinila ako papunta sa dining.

“Ano ka ba? Dapat inaya mo pa din sila—”

“Hayaan mo na sila, malalaki na ang mga yan.”

Umupo na kami at kumain. Inaya ko ang mga bisitang kumain ngunit umupo lang ang mga ito sa dining at pinanood kami.

“Sorry, Oliver.” Saad ni Kuya Isaiah. Ako naman ay nagkunwaring abala sa pagkain.

“Okay,” Tipid na sagot ni Oliver. Agad kong kinurot ang hita niya at napadaing siya doon.

“Gusto ko lang naman na hindi ka maistorbo sa trabaho at tsaka—”

“Bakit ba kasi nangangaelam ka sa kanila?” Napataas ako ng tingin nang magsalita si Ate Maia. Kanina lamang ay napakatahimik nito. “Sana sinabi mo na agad sa kanya.”

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now