Chapter 7

51 3 1
                                    

Pumasok ako sa dressing room at nagpalit na ng damit. Nag- retouch din ako at maya- maya ay bumalik na rin dito si Oliver. Naghubad siya sa likod ko at doon na mismo nagpalit ng damit dahil mabilis lang ang sunod niyang exposure. Habang nagbubutones siya ay lumapit ako sa kanya at ako na mismo ang nagretouch ng make- up niya. Pagkatapos ay lumabas na kaming dalawa.

Pagkatapos ng pangalawang exposure niya ay nagpalit na naman siya ng damit at lumabas na ulit doon. Lumapit siya sa akin habang pinupunasan ng panyo ang pawis. Humarap ako sa kanya at kinuha ang panyong iyon. Natigilan siya saglit at maya- maya ay ibinaba rin ang sarili para maabot ko siya. Ako na ang nagpunas ng pawis niya.

"Bakit ganun? Palagi kang pawisan pero ang fresh mo pa ring tingnan."

"Do you think so?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Sa tingin ko, kaya fresh pa rin akong tingnan kasi masaya ako sa buhay ko, masaya ako ngayon sa buhay ko."

Natigilan ako at napalunok. Tumitig ako sa kanya at sinabing,

"Sana lahat,"

"What do you mean?" Umiling ako at binalik ang panyo sa kanya. "It's okay—"

Napatigil siya sa pagsalita nang umiwas ako ng tingin. Nabalot kami ng katahimikan. Ang naririnig lang namin ay ang ingay dito sa backstage. Walang nagsasalita sa aming dalawa at hinintay na lamang ang exposure namin. Nauna siyang umalis at pumunta sa kabila. Ako naman ay pumwesto na. Sabay kaming umakyat ng stage at sabay ding rumampa. Mas mahaba ang legs niya pero nasabayan pa rin niya ang bilis at ritmo ko.

Kabisado niya talaga ako.

Saglit akong natigilan nanng makita ang pamilyar na tao na nakatago sa mga audience. Patuloy akong rumampa kahit naba- bother ako sa presensya niya. Tumigil kaming dalawa ni Oliver sa harapan at nag- posing ng ilang segundo. Bumalik na kami sa backstage pero lutang pa rin ang utak ko.

Pangunang beses manood ni Daddy ng fashion show na nirarampahan ko! Hindi ko maiwasang maluha nang makaabot ba kami sa backstage. Agad akong tumakbo sa waiting roon namin at nagkulong sa dressing room. Napaiyak ako nang maalala ang ngiti sa mga mata at labi niya.

I never knew that this time would come. Sa mahigit isang daan na fashion show at ilang pageant na nirampahan ko ay pangunang beses niya akong pinanood. Sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Umiiyak ako dahil sa tuwa. Hindi ko alam na proud pala siya sa akin, na natutuwa siya na sumunod ako sa yapak ni Mommy. Hindi ko alam na natutuwa siya na makita kaming magkasama ni Oliver kahit pinapakita niya na taliwas siya sa relasyon namin noon. Hindi ko alam.

Hindi ko maiwasang mapahagulhol. Natutuwa talaga ako. Umaapaw ang saya ko. Pinunasan ko ang sariling luha gamit ang mga kamay ko. Wala na akong pakialam sa make- up ko. Para akong tanga kasi kahit umiiyak na ako ay ngingiti- ngiti pa rin ako.

"Tama na, Czarina." Saad ko sa sarili ko at huminga ng malalim.

Pinigilan ko ang pagiyak ko pero nabigo ako. Mas lalo akong napahagulhol. Umupo ako sa sahig at niyakap ang mga tuhod ko. Ang daming nasa isip ko pero wala akong maggawa. Nang kumalma ako ay lumabas na ako ng dressing room. Pagkalabas ko ay napatingin sa akin si Oliver.

"Okay ka lang—?"

"Oliver!"

Napatingin kami sa pumasok sa dressing room. Napatayo si Oliver at lumapit doon. Ako naman ay nanlulumong umupo sa upuan ko. Pinanood ko sila sa repleksyon sa salamin. Napaawang ang bibig ko nang makila ang babaeng iyon. Siya iyong nakasayaw ni Oliver!

"What are you doing here?" Tanong ni Oliver.

"Next week—"

"It's my first time to see a visitor visits the model in the middle of a fashion show." Hindi ko napigilan ang bunganga ko na sabihin iyon sa kanya.

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now