Chapter 18

25 1 0
                                    

"May alam akong bar." Saad ni Ate Luna.

"Kasama ba ako jan?" Tanong naman ni Ate Yvette na kakadating pa lamang galing ibang bansa at dumeretso na agad sa birthday ng kambal. "Sama natin si Maia."

"Maia—! Ate Maia!" Sigaw niya nang makitang papasok na ng kotse si Ate Maia para umalis.

Lumingon sa amin si Ate Maia at kumunot ang noo. Hindi ko maiwasang mamangha sa simpleng gesture niya na iyon. Napaka- charming! Girl crush ko na siguro siya.

"Magba- bar kami, sasama ka?"

"Ate Luna," Bulong ko kay Ate Luna habang nag- uusap ang dalawa. "Hindi ako umiinom eh."

"Ha? Bakit hindi mo sinabi?" Saad ni Ate Luna at bumaling sa dalawa.

"Pwedeng coffee shop na lang tayo? May schedule ako bukas eh." Saad ni Ate Maia.

"Sige, coffee shop na lang tayo. Hindi din naman umiinom si Czarina eh." Saad ni Ate Luna.

"Oh sige," Saad ni Ate Yvette.

"Sunod na lang ako, hahatid ko lang anak ko—"

"Just stay at our house, kahit ngayong gabi lang."

Napalingon kaming lahat sa pinto at naroon na pala si Kuya Isaiah. Napatikom ako ng bibig nang makaramdam ng tensyon mula sa kanilang dalawa. Natahimik kaming lahat. Pati ang mga taong nasa loob ay natigilan dahil doon. Nakita ko ang pagngisi ni Tito Theo at umiling- iling pa ito. Si Kuya Eleazar naman ay nagwi- whistle na para bang hindi niya alam ang nangyayari. Si Oliver naman ay hindi malaman ang irereact.

"I mean sa bahay na kayo magstay ni Dos para makaalis kayo. Sa akin na sasabay si Dos."

"Sabi ko na nga ba," Rinig naming saad ni Tito Theo sa loob.

"Lakas," Sabi ni Oliver at nagtawanan ang mga lalaki sa loob.

Napalunok ako at inilibot ang tingin sa kanila. Ang ilan ay nakayuko at ang ilan ay natuyuan ng laway. Walang nakakasalita, walang nakakasabat sa aming lahat. Natahimik kaming muli pati na din ang mga lalaki sa loob. Napatingin ako kay Maia at nakita ko ang pagod sa mga mata niya.

Nasagi ng tingin ko si Josiah sa loob ng kotse. He's looking at his Mom. Bumaba siya ng kotse at tiningnan ng matalim ang ama. May sinabi ito sa mommy niya at agad na tumango si Ate Maia.

"Sure," Malamig na saad ni Ate Maia. Lumapit si Josiah sa ama at bumaling si Ate Maia sa amin. "Sakay na kayo."

"Tara na, magpasundo na lang tayo sa mga asawa natin." Saad ni Ate Luna.

Nang mapagtanto ng mga lalaki sa loob na bumaba na ang lebel ng tensyon ay nagsilabasan na ang mga ito at nagpaalam na sa amin. Pagkatapos magpaalam ay sumakay na kami sa kotse ni Ate Maia. Si Ate Yvette ang nasa passenger seat at kaming dalawa ni Ate Luna ay nasa likod.

"Saan tayo?" Pagbasag ni Ate Maia sa katahimikan. Nagsuggest naman agad ng coffee shop si Ate Yvette.

Habang nasa loob ng kotse ay pakiramdam ko ay nanliliit ako sa sarili ko. Ngayon ko lang ito naramdaman kasi alam ko sa sarili ko na palaging mataas ang kumpiyansa ko sa sarili pwera ngayon. I'm with a best- selling writer, famous painter and an artist. Nakakapanliit.

"Girls, this is Czarina Kaye, Oliver's wfie." Saad ni Ate Luna.

"Hello po!" Saad ko.

"Hi!" Saad ni Ate Yvette.

"Nakukwento ka sa akin palagi ni Oliver. Kamusta na pala kayong dalawa?" Sabi ni Ate Maia.

"Ayos lang naman po—"

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now