Chapter 13

28 1 0
                                    

Lumabas ako ng elevator at pumasok sa opisina ni Kuya Czeasar. Naabutan ko siyang inaayos ang mga gamit niya. Ilang minuto na akong nasa may pintuan ngunit hindi niya pa din ako napapansin. Bumuntong- hininga ako at doon niya lamang ako nakita. Ngumiti siya sa akin at bumalik sa ginagawa. Lumapit ako sa kanya at umupo sa sofa ng opisina niya.

"Bakit nandito ka?" Tanong niya.

"Aayusin ko opisina ko." Napatingin siya sa akin.

"Sigurado ka na ba?"

"Saan?"

"Na ikaw na muna ang magha- handle ng kumpanya."

"Oo naman," Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Magpahinga ka muna, magbakasyon ka. Ako na ang bahala dito."

"Yung secretary ko muna ang bahala sa'yo. Magtanong ka sa kanya kung may mga bagay na hindi mo maintindihan o kaya naman ay tawagan mo ako, tutulungan naman kita."

"Okay," Saad ko at tumayo na. "Pupunta na ako sa opisina ko—"

"Pinalinis ko na ang opisina mo pero hindi ko pinaggalaw ang mga papeles doon kasi ayaw kong may mangailam ng mga gamit mo."

"Tsk," Singhal ko dahil napakamadrama ng kapatid ko.

Pumasok ako sa opisina ko na katabi lamang ng opisina ni Kuya. Ilang taon din akong hindi nanatili doon kaya nag- alala ako na baka madumi iyon pero tama nga si Kuya, napalinis niya na ang buong opisina. Umupo ako sa upuan at napabuntong- hininga nang tumunog ito. Sira na siguro 'to pero pagtiyatiyagaan ko na lang. Sayang din.

Inilapag ko ang bag sa lamesa at inilubot ang tingin sa buong opisina. It may be hard to go back here but I know that I can do it. This place gave me so much memories in the past, bad or good. This place was once home but also became hell. The warmth became fire. The one large piece of glass shattered into hundred pieces.

Umiling ako at tiningnan ang mga gamit ko na nandoon. Nang may makitang mga kulang ay inilista ko ang mga iyon at napagpasyahang bilhin ang mga iyon. Saktong paglabas ko ng opisina ay naroon si Kuya at kinakausap ang sekretarya niya. Agad siyang napatingin sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Bibili lang ako ng mga kailangan ko."

"Ay! Ako na lang po ang bibili."

Napalingon ako sa nagsalita noon. Nasa gilid siya ng sekretarya ni Kuya. Lumapit siya sa akin at nagulanta ako nang mapagtanto kung sino iyon. Ngumiti siya sa akin at nagtanong;

"Ano po bang bibilhin?" Tanong ni Reesa, kapatid ni Astrid.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dahil sa gulat.

"Dito po ako nagtatrabaho ngayon. Kakasimula ko pa lang po at wala naman po akong gagawin—"

"Hayaan mo na lang siya. She always does things alone, by herself. Ipagtimpla mo na lang ako ng kape." Saad ni Kuya. Napalingon naman agad sa kanya si Reesa at masiglang sinabi;

"Yes, Sir!"

Napataas ang kilay ko. Hindi naman siya ganito. Tahimik lang siya kapag magkakasama kami ng Ate niya. Siya yung tipo ng babae na tahimik lang at mahinhin. Umiling na lamang ako at nagpaalam na kay Kuya. Sumakay ako ng kotse ko at tumungo sa pinakamalapit na stationery store. Binili ko ang lahat ng nilista ko at napadaan sa isang café. Bumili ako ng pagkain na pwede kong makain pagkadating ko sa opisina.

Binati ako ng mga empleyado at binati ko din sila pabalik. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha pero kalaunan ay gumaan din ang loob nila. These employees are with us ever since. Alam nila ang ganap sa mga buhay namin. Nagiging parte na din sila ng pamilya namin.

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora