Chapter 24

57 1 0
                                    

Abala ako sa pag- aasikaso para sa sunod na fashion show na gagawin ng kumpanya namin. Binati ako ng mga empleyado at bumati naman ako pabalik. Pumasok ako sa opisina ko at inayos ang mga papeles na nandoon.

Napasigaw ako, nagulat.

Dahan- dahang naging maliliit na piraso ang glass wall ng aking opisina nang may tumama doong bala. Bumagsak ang mga bubog sa gilid ko habang ang mga tuhod ko ay bumabagsak na din. Napahawak ako sa ulo ko.

Dumagdag ang mga bala ng baril na tumatama sa opisina ko ngunit walang tumatama sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Narinig ko ang sigawan ng mga empleyadong nasa labas. Naiiyak na ako, nanghihina na ako ngunit sinikap kong tumayo para masiguradong ayos lang ang mga empleyado ko. Lumabas ako ng opisina ko na gumagapang, iniiwasan ang ulan ng balang tumatama sa kumpanya namin.

"Ma'am!" Sigaw ng isa.

Lahat sila ay nakaupo sa sahig. Lahat sila ay hindi mapakali at naluluha na. Mas lalo silang kinabahan nang makita akong gumagapang palabas ng opisina. Nginitian ko sila upang ipaalam sa kanila na ayos lang ako. Natigilan kaming lahat ng maramdaman ko at nang makita nila ang pagtama ng bala sa kamay ko.

Natigilan ako, hindi alam kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng luha ko kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa kamay ko. Umikot ang paligid ko, nahihilo na at nanghihina dahil sa mga nangyayari.

"Czarina Kaye!" Rinig kong sigaw ng napakapamilyar na boses. Ngumiti ako at ipinikit na ang mga mata.

"Oliver Juan!" Sigaw ko at napahawak sa ulo ko. "Oliver!"

"Kalma, kalma lang. Nandito ako." Sabi ni Oliver sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Nandito din sila. Nandito sila- papatayin na nila ako."

"Dapat binaril na kita sa ulo o kaya naman sa puso para namatay ka na."

"Babarilin nila ako sa ulo-"

"You should die."

"Papatayin nila ako!" Sigaw ko habang hawak ang ulo ko.

Paiba- iba ang nakikita ng aking mga mata. Paminsan- minsan ay itim lamang at minsan ay si Oliver. Sumakit ang ulo ko at hindi mapakali. Tumulo ang mga luha ko. Nagsimula na din manginig ang buo kong katawan.

"Babarilin nila ulit ako." Sabi ko habang hawak ang kamay ni Oliver.

"They won't shoot you. I will not let it happen." Bulong niya.

Pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko, binibiyak ang ulo ko at sobrang bilis ng paghinga ko. Hindi ko alam na ang bagay na kinakatakutan ko, iniiwasan ko ay nandito na ulit. Naulit na naman ang nangyari. Lahat ng takot na naramdaman ko noon, takot at alaalang binaon ko ng ilang taon, nandito na ulit.

Ilang taon kong binuo ang sarili ko. Ilang taon kong kinalimutan lahat pero bumabalik ang mga iyon sa isang iglap. Wasak na naman ako.

Hinawakan ni Oliver ang mukha ko at itinapat sa akin. Sa isang iglap, nawala ang lahat sa paligid namin. Hindi ko marinig ang ulan ng bala mula sa mga baril sa labas. Hindi ko naramdaman ang mga bubog na nagtatalsikan. Hindi ko naramdaman ang takot. Hindi ko naramdaman na...

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now