Chapter 2

129 6 1
                                    

Umahon ako sa tubig at naglakad papunta sa isang bench na malapit sa pool. Kinuha ko ang tuwalyang nandoon at sinabit sa aking balikat. Hinabol ko ang hininga ko habang nakatingin sa kaibigan kong naglalakad papalapit sa akin. Naroon na naman ang mata niyang nakatitig sa akin ng matalim.



Ang dating stadium na kinalakihan ko ay wala ng tao. Nawala ang mga taong dating nagchicheer sa akin at pati na rin sa mga nakalaban ko sa paglangoy. Nawala na rin ang mga kalaban ko. Sa ngayon ay tanging sarili ko na lamang ang kalaban ko.



"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong matalo ang sarili mong record." Saad niya habang hawak ang timer. Agad naming kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. "You'll never be the best swimmer you were."



"Then don't try to understand it, napakasimpleng bagay. At tsaka bakit ka ba nandito?" Sabi ko nang nakakunot ang noo.



"Tinutulungan ka na nga, ikaw pa ang suplada. Bahala ka sa buhay mo."



I don't understand people nowadays. Do you need to be nice to them in return? Napakalabo! Kailangannbang maging mabait ka sa taong tumutulong lang naman daw sa'yo? And for her information, hindi ako humingi ng tulong sa kanya. Kaya kong gawin ang lahat ng mag- isa and I don't need someone to help me.



Napaismid ako. Ibinaba ko ang tuwalyang nasa balikat ko at pumunta na sa shower room. Lumabas ako doon pagkatapos maligo. I am wearing white shirt and maong shorts. Pagkalabas ko doon ay naramdaman ko na ang bawat titig na nakatuon sa akin. Napangisi ako. Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar iyon papunta sa mansion ng pamilya namin.



Pagkapasok ko sa mansion ay sinalubong na ako ng ilang kasambahay. Binalewala ko lamang sila at pumunta sa kwarto ko. Napasinghal ako nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon at bumungad si Daddy doon. Nang tingnan niya ako ay alam ko na agad kung ano ang gusto nito. Tumalikod siya sa akin at sinundan ko naman siya sa opisina niya. Umupo siya sa swivel chair at ako naman ay umupo sa visitor's chair sa harap niya.



"Ano nang balak mo sa buhay mo?" Tanong niya. Napaiwas naman ako ng tingin.



Palagi niya iyong tinatanong sa akin pero sa palaging iyon ay walang bago sa nararamdaman ko sa tanong na iyon. Hindi pa rin ako interesado na baguhin ang buhay ko. Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin pero hidi na ito nagsalita. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa dahil sa katahimikan.



"Hindi ka naman ganito ah?" Saad niya pa. Napayuko na lamang ako at hindi maiwasang masaktan dahil doon. "Bakit ba nagkakaganyan ka dahil lang sa lalaki? Marami pa namang iba jan! Nga pala, there will be a ball later. Pumili ka sa mga bachelor at ako na ang bahalang ipakasal ang gusto mo sa'yo."



"Why would you let your daughter marry someone just because he's a bachelor?" Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Daddy nang marinig ang boses doon ni Mommy.



"Kung ayaw niyang manahin ang negosyo natin, mag- asawa na lang siya ng makakahandle ng negosyo." Prangkang sagot ni Daddy. Napangiti ako nang lumapit sa akin si Mommy at hinaplos ang buhok ko. Suminghal si Daddy. "Palagi mo kasing kinukunsinti si Kaye kaya ganito ang nangyayari. Hindi na bata ang anak natin."



"I know," Sagot ni Mommy at bumaling sa akin. "Prepare yourself for tonight, anak. Mag- uusap lang kami ng Daddy mo."



Tumango naman ako at lumabas ng opisina. Napahinga ako ng malalim nang sa wakas ay nakaligtas ako sa mga tanong ni Daddy. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay saka lang sumink in sa utak ko ang ilan sa mga sinabi niya. Napaismid ako dahil doon. Bakit kailangan i- bring up yung past ko kapag nagsesermon? Hello? Like bakit naman ganon? I am what I am now, bakit hindi na lang nila tanggapin?

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora