Chapter 17

26 1 0
                                    

"Here," Saad ni Ate Luna at nilapag ang pagkain sa harapan ko. Umupo siya sa tapat ko. "Kamusta naman kayo ni Oliver? Hindi na yun nagkukwento sa'kin eh."

"Okay lang naman, Ate. Ayun, nagkaayos na din."

"Magkwento ka mamaya ha, kumain na muna kayo ni Oliver." Saad niya. Nagpaalam na siya at tinawag si Oliver para kumain na din.

Si Oliver ay abala sa pakikipaglaro sa kambal. Maya- maya ay lumapit na siya sa akin. Kumain na kaming dalawa.

"Papakilala kita kay Mommy."

"Nahihiya ako, Oliver."

"Kalma lang, huwag kang mag- alala masyado."

He continued eating. Pagkatapos naming kumain ay lumapit kami sa Mommy niya. Mas lalong tumaas ang lebel ng kaba ko. Pagkalapit namin ay tumayo na ito. Katabi ng Mommy niya si Kuya Isaiah.

"Mommy, this is Czarina, my wife." Saad ni Oliver.

"It's nice meeting you, hija." Sabi niya at inilahad ang kamay. Inabot ko iyon at nakipagkamayan sa kanya.

"It's nice meeting you too po."

"You look familiar." Saad niya at binitawan na ang kamay ko, napalunok naman agad ako. "Wager?"

"Opo," Saad ko at tumango. Ngumiti siya ng malapad at tinapik ang balikat ko.

"Uhm— Czarina, this is my brother. I know that you knew him already but he doesn't know you." Bulong ni Oliver nang mahalata niyang sobra akong kinakabahan at bumaling sa kapatid niya. "Isaiah, this is Czarina, my wife."

Nakipagkamayan din kami sa isa't isa.

"This is Maia." Saad niya at bumaling sa babaeng kasama nila sa table. Nakipagkamayan kami sa isa't isa. Bumaling siya sa lalaking katabi nito. "This is my son, Josiah."

"Magandang hapon po." Pormal na saad niya.

"Magandang hapon din."

"And this is my daughter, Serenity." Saad niya at bumaling sa batang babae na nasa katabi niya sa kabila.

"Hello!" Saad ko at kumaway sa kanya.

"Hi po!" Masiglang saad niya at kumaway- kaya din.

Kahit papaano ay naibsan ang kaba ko nang makipagkilala sa iba pang miyembro ng pamilya ni Oliver. May sinabi ang emcee ng party kaya napabalik kami ni Oliver sa lamesa namin. Umupo kami doon. Magi- intermission si Apollo!

"Excited na ako," Bulong ko kay Oliver. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Good afternoon! Thank you for coming here. I hope that you'll enjoy my performance." Saad ni Apollo sa mic at umupo na sa harapan ng keyboard na nandoon. Kahit binata pa lang ito ay matured na masyado ang boses niya.

"The things I’m about to, tell you aren’t so you"

Nagsitaasan ang balahibo ko nang kantahin niya ang unang linya. Ang lamig ng boses niya. Ilang beses ko nang narinig kumanta si Apollo pero iba pa din ang pakiramdam.

"Change what’s already on your mind"

"It’s just that I keep, thinking about all the melodies"

"You made asleep at night"

"Every time I got out of bed to (oh no)"

"Start my day that’s when I would hear you (Ohh)"

"And with a tired yawn"

"You’d tell me that you loved me, I’ll be fine"

"And that’s what got me through the day alright"

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin