Chapter 12

27 1 0
                                    

We spent the morning together. Kahit nasa loob lang kami ng bahay ay nagawa pa din naming mag- enjoy kasi kami naman ang magkasama. But when the afternoon came, umuwi na din muna ako sa mansion at siya naman ay pumasok sa trabaho dahil may meeting siya.

"See you later," Saad ko.

Agad naman niyang isinandal ang ulo niya sa akin. Inakbayan ko siya at hinalikan ang noo at ilong niya. Mas lalong lumapad ang ngiti niya at ngumuso na para bang naghihintay na halikan ko din siya doon. Tinawanan ko lamang siya at tinanggal ang seatbelt ko.

"Kiss mo 'ko." Saad niya.

"I- kiss mo sarili mo."

"Bakit ko naman iki- kiss ang sarili ko? Kung pwede naman akong halikan ng pagmamay- ari ko?"

"Edi halikan mo 'tong kotse mo, sa'yo naman 'to eh."

Suminghal siya at bumaba para buksan ang pinto sa gawi ko. Hindi ko maiwasang humagalpak ng tawa. Bumaba na ako ng kotse at tumingki para dampian ng halik ang labi niya. Maglalakad na sana ako papasok ng mansion ng hatakin niya ako papalapit sa kanya at niyakap. I really love this feeling!

"Take care," Saad niya at ginulo ang buhok ko.

"Ikaw din," Saad ko.

"Sana ako din."

"Sana all,"

"Sana lahat ginugulo ang buhok."

Napalingon kaming dalawa sa mga nagsalitan nun. Napasandal ako ng noo ko sa dibdib ni Oliver dahil sa kahihiyan. Kaya pala sobrang pamilyar ng boses nila. Naroon si Kuya Czeasar, Bradley at Astrid! Tumaas bigla sa ulo ko ang dugo ko.

"Gulohin mo nga din ang buhok ko, Czeasar." Saad ni Astrid.

Doon na ako lumingon sa kanila at humiwalay kay Oliver. Nang makahiwalaya sa kanya ay hinawakan niya ang bewang ko. Pinanood namin ang tatlo.

"You're such a baby, Astrid." Saad ni Kuya at ginulo ang buhok ni Astrid kahit labag sa loob niya.

"Yiee! Baby mo!" Saad ni Astrid at ngumiti kay Kuya.

Si Kuya naman ay napailing at umiwas ng tingin. Sumulyap ang ngiti mula sa kanyang mga labi at hindi iyon pinakita kay Astrid. Napailing na lamang ako at bumaling kay Oliver.

"May meeting ka pa."

"Ow! Shoot! Oo nga pala." Saad niya at napatingin sa relo niya. "I gotta go. See you later."

Humalik na muna siya sa noo ko at nagpaalam na din sa tatlo. Pumasok na siya sa kotse at ako naman ay lumapit na sa kanila. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga mapanukso nilang tingin sa akin.

"Ow! Shoot! Nagbalikan na sila!" Saad ni Bradley.

"Ow! Shoot! Masaya na naman yung isa!" Saad ni Kuya.

"Ow! Shoot! Wala akong alam sa love life nila!" Saad naman ni Astrid.

Napasapo ako sa noo ko at nauna nang pumasok ng mansion. Umupo ako sa sofa at sila naman ay ganon din. Yumakap sa aking braso si Astrid. Ang dalawa naman ay iiling- iling pero malapad ang ngiti sa mga labi. Hinintay ko silang magsalita dahil inaasahan ko na ang pagbaha ng mga tanong nila. Sa katunayan nga ay bilib ako sa tatlong ito, parang mga kabute, sulpot na lang ng sulpot.

"Yun ba yung Oliver?" Saad ni Astrid. "Yun ba yun?"

"Oo,"

"Kailan pa kayo nagbalikan?" Tanong naman ni Bradley.

"Kagabi lang—"

"Kaya pala hindi umuwi kagabi kasi na kay Oliver." Pang- aasar ni Kuya at nagtawanan naman sila.

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now