Chapter 16

33 1 0
                                    

"Kilala mo yung lalaking sumugod sa bahay 'diba?"

"Uhm— good evening?"

Parang gusto ko na lamang magpakain ng buhay sa lupa o kaya naman kunin na ng langit. Magpalamon na lang kaya ako sa halimaw? Nakakahiya! Hindi ko nga pala ka- close itong si Austin pero ganon agad ang bungad ko.

"Ang rude ko ba? Hehe,"

"Hindi naman, yeah, I know him. Why?" Saad niya sa kabilang linya.

"Ay! Tol! Biglang naging mabait oh." Rinig kong saad ni Bradley. Binalewala ko siya.

"Paano ko ba siya makakausap? Appointments—?"

"Bakit gusto mo siyang makausap?" Biglang nanlamig ang boses niya.

"I just need to talk to him about— uhm— just about something."

"Czarina, you don't have to talk to him ha? You're not obliged. Besides, they can handle it. Hindi naman natin kailangan mangaelam."

"You know about these?"

"Well, yeah. My dad told me about it. Baba mo na ang tawag. Nasa duty pa ako eh."

"Okay, bye! Thank you!"

"Bye! Baba mo na."

Binaba ko na ang tawag at nilingon silang tatlo. Kumibit- balikat ako at sinalampak ang sarili sa upuan. Hinilot ko ang sentido ko at inangat ang tingin sa kisame.

"You don't have to worry about it. Kami na ang bahala dun, Czarina." Saad ni Kuya. "Ang abalahin mo ay yung relasyon niyo ni Boss Oliver."

"Teka nga lang," Saad ko at tiningnan sila. "May ikukwento ata kayo sa akin regarding sa article na yun?"

"Pwede bang pag- usapan niyo na lang yun dalawa?" Saad ni Kuya. "Pagod ako eh."

"Oo nga, kayo na lang mag- usap tungkol dun." Pag- gatong naman ni Bradley.

"Tayo na lang mag- usap tungkol dun."

He were both silent in his car. Sumulyap ako sa kanya at saktong nakasulyap din siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumingin na lamang sa labas.

"I don't know what happened. Nagulat na lang ako nung nakita ko yung article na yun. I talked to Zoey while I was deleting it. Sabi niya kagagawan daw ng Daddy niya. I was very furious kasi hindi pa din niya nasasabi sa Daddy niya na walang kami."

"And yung nasa picture, nag- uusap kami doon. Sabi ko sa kanya, ayaw ko nang magpanggap pa kami kasi baka yun pa ang maging dahilan kapag iniwan mo ako ulit. Sabi naman niya, ayaw na din daw niya kasi may gusto siyang iba at baka maturn off sa kanya. Parehas kaming nagulat dun sa paglabas ng article na yun. Mabuti na lang ay nag- aral akong magdelete ng mga ganon sa internet."

Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. Natigilan siya doon ngunit sandali lamang dahil nagmamaneho siya.

"I will not leave you again." Saad ko sa kanya.

"Promise me forever, then."

"Pangako," Saad ko at hinalikan ang pisngi niya.

Ngumiti siya at itinigil ang kotse. Natigilan ako dahil doon. Tumingin ako sa labas, kalsada pa din. Bakit niya naman tinigil dito? Akala ko ba may pupuntahan kami? Kumunot ang noo ko. Anong meron? Bakit niya tinigil ang kotse? Lumingon ako sa kanya at napapikit agad ako nang maramdaman ang labi niya sa labi ko. Humiwalay kami sa halik at tiningnan ang isa't isa.

"I've never been so in love until I meet you." Bulong niya. "Kung akala mo ay isa kang pagkakamali, ikaw yung pagkakamali na pinakamagandang pinili ko sa buong buhay ko."

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon