Chapter 3

103 5 1
                                    

Bumaba ako sa kotse ko at pumasok sa building ng kumpanya namin. Ngayong araw ay kakausapin ko ang isa sa mga shareholder ng kumpanya namin. Nagtataka ako kung tungkol saan iyon dahil napakabiglaan nang pagbigay ng notice sa akin tungkol sa meeting na ito. Pumasok ako sa meeting place namin, sa restaurant na nasa second floor ng building.

Binati ako ng mga empleyado, nag- bow lamang ako sa kanila at hindi nagsalita para batiin sila pabalik. Hindi naman sila nagtaka kung bakit ganon lamang ang respond ko dahil sanay na sila sa ganoon. Umupo ako sa harapan ng shareholder.

"Good morning, Ms. Wager."

"Good morning." Saad ko at ibinaba ang bag na dala ko. Tumingin ako sa isang waiter na nandoon at agad naman itong lumapit sa akin. Nag- order ako ng kakainin at bumaling sa kausap.

"Our client wants you to be the model of our collaboration with them. Our company does collaboration with some VIPs lalong- lalo na sa clothing line natin. Our branding is very-"

"What do you want me to do?" Tanong ko at tumingin sa kanya ng matalim. "You know that I don't do anything that I don't deserve to do."

"They will pay you millions for this project. Times two of your pay for every project you make. They know that you deserve more." Saad niya at kumibit- balikat.

"Really?"

"Yes, nakausap ko na ang manager mo and she agreed at sabi niya na ako ang mag- pursue sa'yo."

"Sino yung client?"

"He wants to remain anonymous."

Natigilan ako sa pagiisip nang marinig ang pangunang salita na binanggit niya. Kumain ako at nakinig na lamang sa diniscuss niya.

"The shoot will be next week- excuse me, I have to go." Saad niya. Napalingon ako sa kanya. "I have a meeting pala."

"Sure, you can go. I'll let my manager contact you."

Nagpaalam na kami sa isa't isa at umalis na siya. Kinain ko ang pagkaing nasa harapan ko. Habang iniisip ang pinag- usapan namin kanina. Sobrang taas ng lebel ng kuryosidad ko. Gusto kong malaman kung sino ang kliyente dahil meron akong naiisip na kung sino iyon but I don't want to assume or what. Nafifeel ko lang na pwedeng siya yun.

Bumuntong hininga na lamang ako at umiling. Kumain na ako ng salad na nasa harapan ko. Natigilan ako nang marinig ang sigaw mula sa likuran ko. Tumayo ang lalaking nakatalikod sa akin at sinigawan pabalik ang babae.

"Ano bang problema mo?!"

"Ikaw! Anong problema mo?!" Sigaw pabalik ng babae.

Napalingon ako sa dalawang batang kasama nila sa lamesa. Napatikom ako ng bibig nang makita ang talim sa mga mata ng batang lalaki na para bang isinusumpa ang sariling ama gamit ang mga mata niya. Ang batang babae naman ay nakayuko lamang at nakatungo sa pagkaing nasa harapan.

Parang hinahaplos ang puso ko at parang nanlulumo ako sa mga nakikita. Tumama ang tingin sa akin ng batang lalaki. Nang tumama ang tingin niya sa akin ay pumungay ang mga mata niya. Tumingin siya sa kapatid niya at tinakpan ang mga tenga nito. Tumahimik ang paligid ko. Tanging- sila lang din ang nakikita ko.

Para akong bata na tinakpan din ang mga tenga para hindi makarinig na kahit na anong ingay. Lumingon ang kapatid niya sa kanya. Umipon ang mga luha sa gilid ng mga mata ko nang ngumiti nang pilit ang batang lalaki sa babae para pagaanin ang loob nito. Napalingon ako sa kamay ko nang maramdamang parehas iyong nanginginig.

Lumingon ako sa mga bata at habang nakatingin sa kanila ay tumayo ako. Pero agad nang nanghina ang mga tuhod ko. Napakapit ako sa dulo ng lamesa ngunit bumagsak din iyon. Nanginig ang buo kong katawan nang makita ang pagdahan- dahang pagbagsak ng plato sa harapan ko.

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now