Chapter 8

45 3 0
                                    

Lumabas ako ng airport habang hila- hila ang maleta ko. Sumunod ako sa manager ko at pumasok sa kotseng binook management ng isang clothing brand na naghire sa amin para sa fashion show mamaya. Sa katunayan ay dalawang fashion shows ang gagawin ko dito sa Guam at ilang oras lang ang pagitan noon aa isa't isa. Ngayong araw ang mga fashoin show na iyon. Ilang oras na lamang ay kailangan na naming makarating doon. Isinalampak ko ang sarili sa kama ng hotel room na binook para sa akin at natulog.

Pagkagising ko ay naligo na ako. Inasikaso ko ang mga gamit ko at nagpalit na rin ng damit. Lumabas na ako ng kwarto at kumatok sa kabila. Agad namang lumabas ang manager ko. Nakaayos na rin siya. Sabay kaming pumunta sa venue. Siya ang nagdrive at ako naman ay nasa passenger seat.

"May pagkain jan sa likod." Saad niya.

"Ayaw kong kumain."

"Bakla ka! Papagalitan ako ng Kuya mo!" Singhal niya. "'Ni hindi mo na nga kinain yung in- flight meal."

"Ano ba yung binili mo?"

"Vegetable salad, baka mamaya hindi sa'yo kumasya ang mga damit doon."

"Hindi naman ako tumataba eh." Ngumuso ako at kinuha ang paper bag na nasa likod. Binuksan ko iyon at nagsimula nang kumain.

"Tsk! Kaya pa ang payat- payat mo."

"Hindi ah, sakto lang kaya ang katawan ko."

"Bewang mo nga bente singko." Napatigil ako sa pagkain at lumingon sa kanya.

"Bente- kwatro," Pagtatama ko sa kanya.

"Pinagmalaki mo pa, bakla!"

Umiling na lamang ako at pinagpatuloy ang kinakain. Saktong pagkatapos ko ay nakarating na kami sa venue. Nauna na siya sa waiting room ko at ng ilan pang international model. Ako naman ay tumungo sa banyo para mag- toothbrush muli. Pagkatapos ko ay tumungo na ako sa waiting room. May nakasalubong pa akong ilan pang international models na kakilala ko.

Umupo ako sa upuan ko at saktong narito na ang ilan kong kasama sa room na ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang mga iyon. Kumaway- kaway ang isa at nagbow naman ang isa. Umupo sila sa magkabilang- gilid ko dahil nasa gitna ako.

"Kamusta?" Saad ni Astrid.

Napalingon ako sa kanya at ngayon lang napagtanto na bumalik na ang blonde niyang buhok. Si Astrid ay amerikana. Natuto siyang magtagalog nang tumira siya sa Pilipinas ng ilang taon para sa campaign ng isang branding niya. Nauna ang debut ko kaysa sa kanya pero mas matanda siya kaysa sa akin.

Ang nasa kabilang gilid ko naman ay ang kapatid niyang si Reesa. Limang taon pa lamang ito sa industriya at halatang tipid ang galaw dahil kasama kami. Napansin ko agad iyon dahil ganon ang mga junior sa aming mga senior sa modelling. Tipid silang gumalaw, minsa'y sumusulyap pa sa amin at di malaman ang gagawin.

"Okay lang." Saad ko. Sinimulan na ang pag- make up sa amin. "Hindi ko alam na kasama ko pala kayo."

"Syempre! Hindi ka naman nagbabasa ng mga listahan ng pangalan ng mga model, sabak ka lang nang sabak hanggang kaya mo."

"Sayang din ang opportunity."

"Kamusta na si Kuya mo?" Tanong niya at talagang lumingon pa sa akin.

"Ayos lang naman siya. Single pa rin."

"Hinihintay siguro ako nun." Saad niya at umiling- iling pa. "Sa tingin mo?"

"Ikakasal na yun." Lumingon siyang muli sa akin dahil sa gulat.

"Sorry, wait a minute." Maarteng sabi niya sa make- up artist at pinanlakihan ako ng mga mata. "Kanino?"

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now