Chapter 6

63 3 1
                                    

Pumasok ako sa opisina ng manager ko dito sa kumpanya namin para makipag- usap sa kanya. Umupo ako sa upuan at hinintay siyang dumating. Napatingin ako sa suot kong relo at doon lamang napagtanto na napakaaga ko pa pala. Naghintay ako doon ng ilang minuto at sa wakas ay dumating na rin ang manager ko.

"Good morning," Saad niya. "Ang aga mo naman ata."

Umupo siya sa swivel chair niya at binigay sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga offers na galing sa iba't ibang kliyente. Kinuha ko iyon at pinasadahan ng tingin. Dalawang bond paper iyon na back to back. Ang ilan pang mga fashion shows ay tanging isa't kalahating oras lang ang pagitan sa isa't isa.

"Tanggapin na natin 'to lahat." Saad ko.

"Sigurado ka ba? Masyadong hectic ang iba jan."

Napaisip din ako dahil sa sinabi niya. Nang maalala ang isang bagay ay napabuntong- hininga ako. Kahit hectic ay alam kong may patutunguhan naman lahat. Pero pangunang beses kong gagawin ito kasi sa isang buwan ay isang fashion show at isang photoshoot lang ang ginagawa ko. Kung itutuloy ko ito ay aabot ng limang fashion show sa isang araw at sa iba't ibang lugar pa.

"Sige na, tanggapin na natin. Basta paki- move na lang yung time of exposure ko para if ever na matagalan tayong dumating sa mga sumunod na fashion show ay makakahabol pa rin tayo." Saad ko.

"Sa tingin mo ba ay makakahabol ka sa Guam?" Tanong niya. "Teh, may Guam jan oh!"

"Gawan mo na lang ng paraan."

"Pambihira ka talaga." Saad niya at ngumiwi pa. Binalik ko sa kanya ang folder at tumayo na. "May fashion show ka mamayang hapon. Susunduin na lang kita sa bahay niyo."

"Good,"

"Che!" Saad niya at nag- hair flip kahit lalaki siya.

Napailing na lamang ako at lumabas na ng opisina niya. Bumati sa akin ang ilang mga empleyado ngunit binalewala ko lamang silang lahat. Nagmaneho ako papunta sa venue para makita iyon. Agad akong sinalubong ng mga staff. Ngumiti ako sa kanila at sinuyod ang tingin sa buong venue. Ito ang fashion show para sa photoshoot na ginawa namin noong nakaraan.

"Okay ka na?"

Napalingon ako sa gilid ko at tumango kay Bradley.

"Nandito ka rin pala." Saad ko sa kanya.

"Oo, kailangan kong ipareserve yung seat ko palibhasa hindi inintindi ni Oliver." Tumahimik lamang ako nang banggitin niya ang pangalan ni Oliver. Tumingin na lamang ako sa pag- ayos ng mga staff sa stage. "Speaking of Oliver."

Lumingon ako sa tinuturo niya at naroon nga si Oliver! Sobrang abala ito sa pagbigay ng instruction sa mga empleyado niya. Isang salita niya lamang ay alam na ng mga empleyado ang gagawin. Tumuro- turo pa ito sa mga disenyo na nasa backdrop. Napatili ako nang biglang tumunog ng malakas ang tugtog na gagamitin mamaya.

"Nakakahiya," Bulong ko at tumago sa likod ni Bradley.

"Ayos lang yan, asawa mo naman ang kliyente."

Minura ko siya at siya naman ay napatawa lamang sa reaksyon na ibinigay ko sa kanya. Biglang humina ang tugtog at nagpatuloy ang mga empleyado at binalewala ako. Naka- hinga ako ng malalim nang makita silang magpatuloy sa mga ginagawa.

"Nakakahiya talaga." Saad ko nang makabalik sa tabi niya.

"Ano ka ba? Okay lang yun."

"Paki- ayos yung mga mali ninyo." Maawtoridad na sabi ni Oliver. Nang sumagot ang lahat ay naglakad siya papalapit sa amin. Ibinaba niya ang tingin upang maglebel ang mga mata namin. "Ayos ka na ba?"

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon