Chapter 11

33 1 0
                                    

Tahimik lamang kami sa buong biyahe. Ang bahay naming dalawa ay may kalayuan at sa tingin ko ay aabutin ng kalahating oras ang biyahe namin. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa visuals na meron siya. Mas lalo siyang gumwapo. Napaiwas ako ng tingin nang makitang wala sa daliri niya ang bagay na hinahanap ko.

"Ka— kamusta na pala kayo ng Mommy mo?" Nauutal pang saad ko.

"Ayun, dati lang." Saad niya at bumungisngis. "Pero okay lang. Wala naman ata akong maggagawa 'diba?"

"You shouldn't settle for less, Oliver."

"It's okay, Kaye. After all, she's still my mother." Malamig niyang sabi.

"Kung sa bagay, ganon din naman ako kay Daddy eh." Saad ko at tumingin sa labas ng bintana. Lumingon ako sa kanya. "Can I open this?"

Pagtukoy ko sa bintana. Napasulyap naman siya sa akin. Gusto kobg buksan ang bintana dahil naiilang ako. Bakit ba kasi yun ang topic na napili ko?

"Bakit?" Malamig niya pa ring saad. "Naiilang ka?"

Hindi naman ako nakasagot dahil tumpak ang sinabi niya. Ayaw ni Oliver na mapag- uusapan namin ang tungkol sa Mommy niya o kahit na anong tungkol sa pamilya niya. At hindi ko alam kung bakit. Simula doon ay binalot na naman kami ng katahimikan. Napalingon ako sa bintana nang unti- unti na itong bumaba. Bumaling ako kay Oliver. Tahimik lamang siya.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lamang kami. Ito ang bahay na pinuntahan ko matapos ang naging photoshoot namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makapasok kami ay agad siyang tumungo sa kusina. Ako naman ay umupo sa sofa sa sala at inilibot ang tingin. Ilang buwan na rin ang huling bisita ko dito pero wala pa ring bago. Habang inililibot ko ang tingin ko ay inilapag ni Oliver ang alak sa lamesa at umupo sa sahig.

"I don't drink, Oliver."

"Ako naman ang iinom. Just stay by my side." Saad niya at binuksan ang TV.

Naghanap siya ng mapapanood na movie sa isang app na meron sa TV. Habang naghahanap siya ay tinungo ko ang kusina. Pinasadahan ko ng tingin ang laman ng ref. Kinuha ko ang juice na nandoon at bumalik sa sofa. Itinaas ko ang paa ko para maging kumportable.

Nang makapili siya ng movie ay sumandal siya sa sofa at nagsimula na nang uminom ng alak. Pinili niya ang movie na parehas na pamilyar sa aming dalawa. This movie is very remarkable and memorable for us. Iba ang saya na nararamdaman namin noon kapag napapanood namin ang pelikulang iyon. Hindi katulad ng dati na saya ang nararamdaman ko habang pinapanood ang pelikula ay mas nanaig ngayon ang sakit.

"Utang na loob naman, George! 'Wag mong itapon ang future mo para sa gagong yan. For once unahin mo naman ang sarili mo!"

Narinig ko ang pagmura ni Oliver. Napalingon ako sa kanya. Sobrang tutok siya sa pinapanood. Ilang beses pa siyang nagmura sa mga binabatong linya ng mga karakter sa pelikula. Nang nasa Amsterdam na ang main character ay hindi ko maiwasang mapaluha.

"George, I may not have found the reason to stay... but I found a reason to come back."

Tumingala ako at pinahid ang mga luha ko. I never knew that this movie will be so devastating and very realistic. Hindi ko alam na mas malalaman ko ang tunay na kwento kapag naranasan mo na, kapag naramdaman mo na. Kapag naramdaman mo nang mabigo. Ang bigat ng kwento.

"Ikaw kaya, Kaye." Hindi ko siya nilingon.

"When will you find the reason to come back to me?"

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Where stories live. Discover now