CHAPTER THIRTY FOUR

62 3 0
                                    

KANINA pang tingin ng tingin sakin si Rhys simula ng umalis kami sa condo ko, we’re on our way to Ate Yvette’s house para sa sukatan at nakisama itong si Rhys dah8il trip nya daw, saka kakausapin nya daw si Ate tungkol samin

Noon pa lang talaga hindi ko ito maintindihan eh kahit noong nanliligaw pa lang sya sakin, wala lang hindi ko lang sya minsan maintindihan hahahah!

At sumama si Rhys dahil gusto daw nya linawin ang lahat saming dalawa, pero di ko alam kung anong magiging reaksyon ni Ate, pero alam kong hindi magugulat si Mikky dahil alam na naman nya talaga

“Alam mo kinakabahan na ako dyan sa patingin tingin mo sakin Rhys ha” mas lumawak ang ngiti nya
“Ang sarap talaga sa tenga ang tawagin na Rhys tsk.. tsk” natawa naman ako at mahina syang hinampas

“Kung anong kalokohan ang sinasabi mo Rhys” sagot ko pa, natawa naman ito saka sumeryoso “Sa totoo lang ay kinakabahan ako eh”

“Bakit naman?” tanong ko

“Sa Ate mo, kinakabahan ako sa Ate mo, kasi alam kong kahit mukhang angel yun eh baka pagnakita ako magtransform yun” halata nga na kinakabahan ito

Hindi ko din naman masasabing okay lang kay Ate, dahil nang malaman nya ang ginawa ni Rhys sakin ay literal na pinahanap nya si Rhys, pinipigilan na sya ni Mikky pero hindi magpapigil

Muntik pa ngang maghiawalay ang dalawa dahil kay Rhys

Pero hindi nya din naman nahanap si Rhys kaya tumigil na din sya, pero alam kong hanggang ngayon ay galit parin ito sa kanya, ayaw ko nang sabihin iyon dahil mas lalo lang matatakot si Rhys

“You should buy dozen of flowers din” natatawa kong saad, nangunot ang noo nya “For?” taka nyang tanong, I rolled my eyes slow!

“For Ate duh, you need to make ligaw to Ate so that hindi na sya mama-mad sayo” parehas kaming malakas na tumawa ni Rhys dahil pina-conyo ko ang pagsasalita ko

Hindi ko na uulitin!

“Noon kapag nag e-english ka, you look really powerful and professional in my eyes, pero hindi ko alam na mas cute ka kapag conyo ka magsalita hindi ko alam kung biro ba iyon o totoo, umirap na lang ako

“Tsk, wag mo ‘kong kausapin! Ikaw na nga ang binibigyan ng idea eh” natawa sya, bago pa kami makapunta sa bahay ni Ate ay dumaan muna kami sa isang milkshake house

Nang makababa kami ay agad na nag-order si Rhys, napangiti ako dahil alam na alam nya ang gusto kong flavor ng milkshake

Hindi ko tuloy maiwasan yung time na pinadalhan ako ni Rhys na isang dosena na milkshake sa bahay dahil hindi ko tinanggap yung libre nya noon sakin. Ang sarap din palang balikan yung mga ganung memories, noon kasi kapag naiisip ko yun feelings koi sang bangungot sakin, feeling ko lahat planado kaya simula noon ay kinalimutan ko na ang college life ko, especially the graduation scene

Nginingiti-ngiti mo?” pang-aasar ni Rhys saka inabot sakin ang milkshake napairap ako minsan talaga gusto ko ng ispriyan si Rhys ng insecticide, peste eh!

“Ewan ko sayo” saad ko saka sumakay na sa kotse nya, ngunit ng bubuksan ko ang pinto ay lock it! Masama ko tiningnan si Rhys

Buksan mo to Timothy Rhysdave Silva! Oh bibigwasan kita!” madiin ko saad, pero ang loko hindi man lang natakot!

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon