CHAPTER THIRTY

63 4 0
                                    

TUMATANGO-tango kami ni Rhys habang nagki-kwento si Theo tungkol sa mga nagyari sa school nya, hindi na ata sya magkakaroon ng kaibigan dahil kahit sya ay inilalayo na rin nya ang sarili nya sa mga kaklase nya, gusto kong kausapin minsan si JD tungkol sa behavior ng mga classmate nito kasi malaki rin ang epekto nito kay Theo

Nagpicture muna kaming tatlo bago kumain, never kong na-imagine na kakain ako kasama ang isang bata at si Rhys , sa loob ng anim na taon wala sa isip ko na magpakita sa kanya na makausap sya pero heto ngayon at kasama pa nila ako sa pagkain

Naku-curious ako kung nasaan na si Kristhea at bakit alam ito ni Heidi? Pero ayaw ko namang magtanog ng magtanong kay Rhys kasi ano nga bang karapatan ko?

Alam kong sobrang dami ng isipin ni Rhys, parang may anak na din ito dahil kay Theo kaya lalo syang naging stress. Habang pinagmamasdan ko si Theo at Rhys hindi ko maiwasang mapangiti dahil talagang close ang dalawa

Nagkakasundo sila pagdating sa ibang bagay at isa na ang shopping, nabanggit ni Theo na hobby daw nila iyon ni Rhys kapag walang trabaho ito, mukhang na-adopt nya ang ganung hilig kay Rhys palibhasa’y sya na ang nakalakihan nito

Sa loob ng limang taon halatang mabilis na naging matured si Theo, hindi sya iyong bata na ang pino-problema ay ang nasira nya laruan o wala syang  friends kung hindi ang mga problema ni Rhys kay Heidi, kahit si Theo ay naaapektuhan at mukhang ayaw talaga ng bata sa babae

“Tita are you done?” napakurap-kurap ako ng maramdaman ko ang kamay ni Theo sa damit ko at inosenteng tiningnan ako, pilit akong ngumiti natulala ata ako

“Yes busog na si Tita eh” nakangiti kong saad, lumawak ang ngiti ng bata saka bumaling kay Rhys na ngayon eh nakangiti din habang hawak ang phone nya

“So? Tito let’s eat the dessert!” and Theo giggled kaya sabay kaming tumawa ni Rhys, nagbow pa ito sa harap ni Theo

Masusunod kamahalan at natawa ako sa sinabi nito, naiiling na pumasok ito sa kusina saka napatingin ako kay Theo na hawak na ngayon ang phone ni Rhys at bukas ang camera nito. Napangiwi ako

“Let’s take a photo Tita!” at iniangat nito ang phone, agad muli akong napangiwi

“Ako na lang ang hahawak Theo” agap ko, dahil masyadong maliit ang mga daliri nito para sa cellphone ni Rhys at baka maihulog pa nito eh patay kami pareho!

Pumayag naman agad si Theo at nakailang shots pa kami bago dumating si Rhys, ngumuso ito samin

“Ang daya nyo hindi kayo nagsasama saad nito kaya natawa kami, para maging fair eh sinama namin sya bago kami kumain ng dessert

Favourite pala ni Theo ang ice cream kaya mas madami talaga syang kumain, giliw na giliw ito at talagang nilagyan na namin ng towel sa dibdib nito dahil baka madumihan pa nya ang pantulog nya

NANG matapos kaming kumain ay nagpunta muna si Theo sa kwarto nya para mag-toothbrush kaya kami Rhys ang naiwan at naglinis ng dining

“Ako na ang maghuhugas saad nya ng mailagay naming ang mga plato, mabilis akong umiling

“Naku huwag na, ako na lang nakakahiya na sayo, ikaw na nagluto eh” iiling pa sana si Rhys ng samaan ko ito ng tingin

He sighed “Fine, but I’ll help you” hindi na ako umangal dahil alam kong kaugali nito si Theo, makulit

Kaya ang nangyari eh naghuhugas kami ng mga ginamit namin habang si Theo na nakabalik na galing sa kwarto nya eh nasa living room at naglalaro

Ummm… pwedeng magtanong?” at tumingin ako kay Rhys, mas tumangkad pa ito ng ilang inches kaya lalo akong nahirapang tumingin sa kanya

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now