CHAPTER EIGHTEEN

35 4 0
                                    

Warning: Matured content…..












(Charrrr!! Wag maniniwala scam author na to hahahaha! Di pa ako ready magsulat ng ganun)
Warning: Kung single ka hindi pwedeng basahin to, baka bigla kang humingi ng hustisya sa korte dahil sobrang dami ng kilig hahaha! Baka maghanap din kayo ng Rhys nyo sa buhay hahaha.. paalala lang….




NApangiti akong nagmulat ng mata at sinag agad ng araw ang tumama sa mukha ko, kinapa ko ang bandang leeg ko at dun mas lumapad ang ngiti ko ng maramdaman ang kuwintas doon, pero natigilan ako ng marinig sa kabilang kwarto, kwarto ni Ate! Mukhang may nag-uusap, naka suot pa ako ng pantulog at magulo pa ang buhok ng pumunta ako sa harap ng pinto ni ate at pinakinggan ang boses. Parang lalaki at babae

“Why did you slit your wrist?”

“Ano bang sinasabi mo? Saka bakit ka ba nandito?!”

What the heck?! Yung jowa ni Ate nandito?! Napangisi ako, nice…nice!

“Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?! Sinabi ko ng wala akong babae hindi ba?! Hindi kita tinawagan dahil busy ako!”

“Eh ano namang pakialam ko kung busy ka? Wala na tayo Mikky! Bakit ba nandito ka?!”

BARS! Good! Good!

“W-Wala? No! You can’t break up with me Yve! Sinabi ng wala akong babae eh! Bakit ba ayaw mong maniwala ha?!”

“Wala akong pakialam kung wala kang babae o bente ang babae mo! At wala ka na ding pakialam kung hindi ako maniwala sayo, alam ko namang una palang eh babaero ka na! Bakit ba ako umasa na magbabago ka?! Tama si Ryne! I don’t deserve you, wala kang alam kung hindi ang manakit ng babae! Manggamit! Ma-”

“YVEEE!!”

Nanlalaki ang mata ko ng bigla na lang sumigaw si Mikky kaya mabilis akong pumasok, nakita kong buhat buhat ni Andy ito at marahang inihiga

“Anong ginawa mo kay ate?” Nakatiim ang bagang kong tanong kay Mikky, halata sa mukha nito ang pag-aalala, agad ko syang tinabig at sinuri si Ate, napabuntong hininga ako ng mainit ang katawan nito

“R-Ryne, I don’t know, bigla na lang syang nawalan ng m-malay, is she okay?” matalim ko syang nilingon

“it’s all your fault! Hindi mahihirapan si Ate kung hindi dahil sayo! Bakit ba hindi ka makuntento sa isa ha?! Bakit kailangan mo pa ng madaming babae?! Kasalanan mo lahat to eh! BAKIT BA NANDITO KA?!” nanggi-gigil kong tanong, napayuko naman ito.

“Bella?Bella? Are you okay? Bakit ka sumisigaw?” biglang pumasok sa kwarto si Rhys na nakasuot ng plain white t-shirt at short, pero natigilan sya ng makita si Mikky at tumingin sakin, pero ganun na lang kabilis ang naging kilos nya at lumapit kay ate saka ni-check ang kalagayan nito

“Don’t worry bella, she’s fine” at inalo-alo ako dahil hanggang ngayon eh masama parin ang tingin ko kay Mikky

“Leave her alone you moron!” madiin kong saad pero agad na pinatong ni Rhys ang hintuturo nya sa labi ko

“Shh… Don’t curse Bella..” paalala nya, bumuntong hininga na lang ako dail hanggang ngayon eh hindi parin nawawala ang galit sa loob ko

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now