CHAPTER SIX

43 4 0
                                    

Today is December 22 at bukas ang uwi ko sa probinsya namin, kahit na marami parin akong gagawin eh hindi ko ko naman to palilipasin, it’s Christmas break hanggang New Year pero ang dami paring gagawin. Sobrang dami paring nangyayari sa buhay ko pero hindi naman ako nagrereklamo

“Pick this, I think magu-gustuhan ni Tita yan” wow lume-level up! Tita na tawag nya sa mommy ko!

We’re here at the mall to buy Christmas gift for my family, ay! Ako lang pala nakisama lang itong si Rhys kasi wala naman daw syang gagawin sa bahay

Tingin mo?” tanong ko pa kay Rhys, andito kami sa bags section, maganda ang taste ni Rhys pagdating sa fashion kaya nga inakala ko syang bakla noong nagkita kami hindi ba?

“Sabi mo mahilig mommy mo sa bag diba? I saw your photo of her din so I think bagay sa kanya yan” sabi nya, tumango naman ako. Color maroon sya na bag tapos may ribbon sa gilid nito na  kulay gold, kinuha ko na iyon, at tapos na kami. Mga make ups lang ang regalo ko sa mga kapatid ko tutal eh gumagamit naman sila nun pero syempre si Rhys ang nagtingin kung alin ang mas bagay, pinapakita ko lang sa kanya ang mukha nila. Perfume naman ang regalo ko kay tatay at dress naman sa lola ko mahilig kasi sya sa dress

Nakakatawa lang na ako lang yung bumabayad pero si Rhys ang naghahanap ng babagay sa kanila. Atleast hindi ako nahihirapan diba?

“Let’s buy drinks muna” tumango na lang ako, I feel exhausted, kanina pa kasi kami palakad lakad dito sa mall para maghanap ng gifts ko. I’m really excited to go home

“Here” napatingin naman ako sa kanya at tinanggap iyon. Tumabi sya sakin

“Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?” nangulit na naman! Kahapon pa to!

“Hindi nga! Baka mag freak out magulang ko kapag nakita ka! Saka Christmas yun hello! Family time yun!” ngumuso lang sya at nag paawa, simula kasi ng magdecember eh kinukulit na nya ako na gusto nyang sumama sa Udalo pero syempre nahihiya ako, eh ngayon pa lang kami nagkakakilala nito tapos dadalhin ko agad sya? Ano na lang sasabihin ng mga taga roon!

“Tsk! Fine! Pero tatawagan kita araw araw ha!” kulang na lang ay pingutin ko ang tenga nya sa sobrang kulit!

Sulitin mo ang panonood ng sunset dun” napatingin ako ng sabihin nya yun, I smiled

“Kapag hindi umulan he nodded “May ibibigay pala ako sayo, Christmas gift ko” nagulat ako sa kanya, wow! May Christmas gift!

“Ano yun?” I asked him, ngumiti muna sya “Pikit ka” pumikit naman ako, hanggang sa abutin nya ang kamay ko at may inilagay dun

“Sige buksan mo na” dahan dahan kong binuksan ang mata ko at agad na dumapo ang mata ko sa palad ko. Nakanganga akong napabaling kay Rhys

“Ano to?! Gino-goodtime mo lang ata ako eh!” inis na sabi ko, bwisit naman kasi! Parang photo paper lang ito tapos walang kahit na ano! Ano daw regalo to?! “Alam mo minsan nakakapikon ang joke mo” inis na sabi ko pero ngumiti lang sya

“Wait until December 25, malalaman mo kung ano yan” natigilan ako, merong ganun?! Parang magic lang ganun?

“Pag ako talaga niloloko mo who you ka sakin pagbalik ko!” natawa sya “Just trust me okay? Sa 25 hintayin mo yan malalaman mo” uggghhh!! Hindi ba pwedeng mamayang gabi?! Try ko mamayang gabi

“Wag mong ding itatapon yan” paalala nya pa, ano ba naman yan! Plano ko pa sanang itapon na lang mamayang gabi kapag wala, pero sige hintayin natin hanggang 25 yan, napatingin na lang ulit ako sa papel na hawak ko saka inilagay koi yon sa sling bag ko

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now