CHAPTER NINETEEN

48 4 0
                                    

ILANG buwan na ang nakalipas at wala namang nangyayaring masama, puro magaganda lang. Nag-start na din ang OJT namin and nakaka-enjoy sya! Minsan nga hindi ko ma-feel na puyat ako kahit night shift ako. Siguro kasi gusto ko talaga to? Marami akong mga pasyenteng nakakasalamuha sa araw-araw at madalas dun eh mga kabataan.

Alam ko namang tatanungin nyo kung kamusta kami ni Rhys diba? Hahahah, well ganun parin naman, alam ko namang pinanganak yun na sweet, wala namang nagbabago, hindi naman sya seloso kasi sabi nya may tiwala ako sayo bella, and yeah, bella parin tawag nya sakin. Akala nyo baby no?  Pwes akala nyo lang yun hahahaha! Minsan baby tawag nya sakin kapag masama mood ko, pero hindi din naman ako sanay kaya mas gusto kong tawagin nya ako bella kesa baby

Sa loob ng ilang buwan, mas naging busy ako, minsan hindi ko na natatawagan sila mommy kasi nga busy ako, minsan hindi ko na din nahahawakan ang phone ko sa sobrang busy. Nagkaroon tuloy ako ng plano na ituloy ang pagme-medisina ko.

“Coffee?” napabaling ako kay Rhys na bagong dating at may dala na kape sa isang cup, ngumiti ako sa kanya saka tinanggap ito. Parehas kaming night shift ni Rhys pero hindi naman kami madalas magkita but it’s okay, we understand each others situation, dahil parehas naman kami ng kurso so no worries

“Thanks, tapos mo na ba ang thesis nyo?” after ko humigop sa kape, and after three years and a half, ito pa lang ang pang-limang beses nya na hindi ko sya naging ka-grupo o partner sa mga activies.

He shrugged “Thesis parin” umirap ako, minsan talaga ang sarap kutusan nito para mawala wala naman ang kabaliwan! “Yeah whatever Silva” natatawa nya akong hinalikan sa ulo, napangiti naman ako. It’s his hobby simula ng maging kami, le? Megeng keme *ehe*

Landi ah! Pero seriously, naging hobby nya na talaga iyon, pero hindi naman madalas. Para bang way nya yun kung maglambing

“By the way, tapos ka na ba sa mga urinary tests? ” tumango sya saka ngumiti “Yup, alangan hindi? Hahahaha, I actually enjoying what I’m doing” halata naman sa mukha nya na masaya sya, kahit na parehas nang nagpuputukan ang eyebags namin.

Kahapon ay bumisita kaming parehas ni Rhys sa aming opthal para magpa-check up ng mata, mas mabuti ng malaman namin kung anong nangyayari sa mata naming lalo na at puyatan to. Kaya ngayon eh relationship goals na talaga kami ni Rhys, parehas kaming nakasalamin at parehas ng style (frame) pero magka-iba ng kulay, sa kanya gray akin naman gold rose

Napatingin ako kay Rhys nang kunin nya ang salamin ko at punasan ito gamit ang pamunas mismo ng eyeglass ko, madalas nya ding gawin iyon, pagkatapos ng sakin eh sa kanya naman. Routine na nya yan lalo na kapag alam nyang matagal ko ng hindi napupunasan ito.

“Kamusta na pala si Bytter?” and there Bytter napaka-pait na pangalang narinig ko, sya pala yung babae na kasama ni Rhys ng makita ko sila sa isang café, ang sabi ni Rhys ay kaibigan ito ng kapatid nya, kasama daw nya ito minsan noon kasi bago pa lang ito sa Pilipinas, and sabi nya little sister lang ang tingin nya dito, palibhasa mas bata samin ng tatlong taon

Ayun, hindi mapagsabihan, she told me, she can’t stop loving Lav” napangiwi ako sa sinabi nito, hindi na iyon bago sakin, ang sabi kasi sakin ni Rhys matagal ng may gusto si Bytter kay Lavsole, pero mukhang manhid ang lalaking iyon

“Tsk, bago ba yun? Nabalitaan kong na-aksidente daw iyon?” nabalitaan ko eh nasugod daw ito sa hospital dahil nabali ang tail bone, nabangga daw kasi ni Lavsole, pero ang babae hindi man lang nagalit kay Lavsole! Tsk!

“Yeah, she’s fine now” tumango tango naman ako saka humigop muli sa kape, kinuha naman nya ang salamin nya saka binuksan ang libro at nagbasa, ganun din ako. Well ganito lang talaga trip naming sa buhay ni Rhys, kahit magkasama kami madalas eh libro ang kaharap namin.

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin