CHAPTER THIRTEEN

45 4 0
                                    

Totoy tikman mo itong lambanog na nabili ko pa sa kabilang bayan napangiwi ako ng alukin si Rhys ng ninong ko, umiinom si Rhys pero hindi ng ganiyan, kahit hindi pa naman ako nakakatikim ng alak o kahit itong lambanog ay masasabi kong hindi masarap dahil sa amoy nito

Ninong, hindi naman umiinom si Rhys” sabat ko dahil mukhang hindi din gusto ni Rhys uminom, tatlong araw na ang nakalipas simula ng araw na iyon, uuwi na sana si Rhys noong 26 pero sabi ni tatay eh kung pwede pang i-celebrate ang bagong taon dito, pumayag si Rhys pero nag-paalam parin sa magulang nito

“Aba eh bakit naman? Laking maynila ang batang iyan kaya imposibleng hindi iyan marunong uminom!” sabi naman ng isa kong tiyuhin na katabi ng ninong ko, sabay kaming napangiwi ni Rhys pero labis akong nag-alala sa kanya, alam kong may trust issue sya at kahit na alam nyang hindi naman sya lalasunin ng mga ito ay hindi nya iyon magawang pigilan

“Sige na hijo, isa lamang kahit ayaw man ni Rhys ay kinuha nya ito at ininom, agad na sumama ang mukha nito pero hindi pinahalata, gusto ko mang kapitan si Rhys pero hindi ko magawa dahil alam kong magagalit ang mga tiyuhin ko, alam ko namang sinusubukan lamang nila si Rhys dahil nga manliligaw ko ito

Balita ko ay magaling ka daw mag-basketbol totoy?” tanong ni Kuya Des na naka-upo lamang sa tabi at hawak ang kanyang cellphone, hindi nakikisama sa inuman ng mga tiyuhin ko

“Yes”pormal na sagot ni Rhys, hindi nito binanggit ang pagiging Captain nya sa Basketball, nagpapa-humble

“Gusto mo bang sumama samin bukas ng ibang pinsan galing kabilang bayan at kaibigan ni Ryne?Dumayo talaga kami rito dahil marami kaming taga hanga dito sa lugar nila,  Maglalaro kami ng basketbol masaya namang tumango at pumayag si Rhys, siguro ay namimiss nya din ang paglalaro ng sports na gusto nya

“Sige” noong una ay palaging may po at opo itong si Rhys kay Kuya Des pero pinatigil ni Kuya si Rhys roon dahil limang taon lang naman daw ang tanda nito samin

Ryne!” napabaling ako ng tawagin ako ni Lola, as usual nakapa-meywang na naman ito, kaya nagmumukhang matapang eh “Po?” tanong ko ng makalapit, bumuntong hininga sya saka tumingin kay Rhys saka bumuntong hininga ulit at tumingin sakin

“Paalisin mo na iyang si Timothy diyan sa mga tiyuhin mo at hindi iyan titigilan ng mga iyan hanggang hindi nalalasing” lihim akong napangiti kay Lola, sa ilang araw na nagstay si Rhys dito ay hindi nawawala ang taray nitong tumingin, pero alam ko naman concern parin sya kay Rhys. Hindi naman nito sinasabi sakin na ayaw nya kay Rhys pero wala din naman syang nabanggit na gusto nya ito para sakin. Siguro ay okay na iyon kesa naman ayaw nya diba?

Lumapit ako kay Rhys ng akmang iinumin na naman nito ang lambanog na nasa basong inabot ni ninong, inagaw ko ito saka napatingin sakin. Ganun na lang ang gulat ko ng makitang mamula-mula na agad ang pisngi nito saka ilong

“Give that to me Bella” makulit na nitong sabi habang pilit na kinukuha ang baso na hawak ko at pilit na nilalayo sa kanya

“No” matigas kong sabi, namumungay syang tumitig sakin saka ngumiti, “Give it to me Bella, don’t make me repeat myself” masama ko syang tiningnan “I’ll give it to you but you will leave here tomorrow” parang natauhan si Rhys at agad na tumiklop

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now