PROLOGUE

298 6 0
                                    

   Nanghihina akong napaupo sa sofa ng apartment ko sa sobrang pagod kanina, dumagdag pa ang isang tao na nakita Ko six years later

“Anong emote yan?” nakasuot na ng pantulog ang kapatid ko ng lumabas sa kusina na may dalang mug

“Can’t sleep?” I asked her, she shrugged and sat beside me, saka humigop sa gatas nya, inalis nya ang salamin nya saka tumingin sakin, I rest my head

Pupunta si Ate dito bukas” sabi nya, tamad akong tumingin sa kanya, saka bumuntong hininga

“Hindi ba’t nasa Korea sya? Akala ko ay may trabaho sya dun?”

“Done, ang sabi nya ay dito sila pinadala ng kompanya, ewan ko ba dun”

“Bakit gising ka pa pala?”
halata sa kanya ang puyat “Eh bakit ngayon ka lang dumating? Mag a-ala una na! Ang alam ko ay hanggang 10 pm lang ang shift mo?, may emergency na naman ba?”

“Nah, something came off” mahina kong sagot, pagod na pagod na ako sa araw na to

Nagtataka syang tumingin sakin“Anong nangyari at kailangang abutin ka ng madaling araw?”

Wala yun, ikaw ba? Bakit gising ka pa?”

Wala yun? Pero parang meron? Ewan ko sayo ha! Marami akong plates na gagawin ngayon, may major exam din kami bukas kaya kailangan kong mag aral” Tumango ako saka umayos ng upo

Kailangan mo ba ng pera?” Agad kong tanong, umiling naman sya “Nah, It’s okay may pera pa naman ako eh” Tahimik akong tumingin sa kapatid ko, lagi syang ganito, ayaw nyang umaasa sakin kahit na alam naman nyang kaya ko syang suportahan

Lagi kang ganyan sakin, baka mamaya mapagalitan ako nila Tatay kapag nabalitaan nilang hindi kita binibigyan ng pera” nagtataka syang tumingin sakin, alam ko naman na nahihiya lang sya sakin pero ayaw ko ng ganun, kapatid nya parin ako

“Tsk, sabihin mo lang sakin ang nangyari okay na ako” isa pa syang napakulit! Alam nyang ayaw nyang pag usapan ko pero pinipilit nya parin, maybe she’s just concern?

I sighed, “I saw him” hindi ko alam pero bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko, naalala ko na naman ang paraan ng pagtingin nya sakin kanina

“Saw who?” nagtataka nyang tanong, pero ng tingnan ko sya sa mata ay nanlalaki ang mata nyang tinitigan ako saka itinuro pa ang mukha ko
Her jaw dropped, “What the heck?! Kelan?! Anong sabi sayo? Bakit kayo nagkita?!” sunod sunod nyang tanong pero nanlalaki parin ang mata, I sighed..

“Nasa cafeteria ako ng Hospital para magkape dahil nakakapagod ang duty ko, ng pabalik na ako ay may sumakay na lalaki sa elevator, which is okay with me, pero ng tingnan ko kung sino yun, parang kahit ako nanlamig pagke-kwento ko, parang hindi parin sya makapaniwala

Naguguluhan syang tumingin sakin,

Anong naramdaman mo? Please sagutin mo ng totoo” Natatawa ako dahil sa sakit na naramdaman ako, nangilid na lang bigla ang luha ko

“Hindi ko din alam Mika eh, pero ang sakit, the way he looked at me, alam kong ako ang may kasalanan pero naman! Ayaw ko lang na maipit ako! Alam kong sinisisi nya ako, yung malamig na tingin nya palang sakin, ang sakit eh! Sobrang sakit!” at dun na ako umiyak ng umiyak, inalo ako ng kapatid ko

Shhh… Ate don’t cry, baka naman kasi nagkataon lang, wag mo ng isipin yun, hindi mo na naman sya makikita bukas kasi baka napadaan lang sya” Hindi ko alam kung makukumbinsi ako sa sinabi ni Mika

“I don’t know if I can convinced myself too Mika”, nagtataka syang tumingin sakin “Huh? Of course you can! Ano ka ba! Baka bukas wala na yun sa hospita--”

“He’s our new Doctor” at dun na mas nagulat ang mukha nya, halos mapatalon pa ako sa gulat ng sumigaw sya “WHAT?! DOCTOR SYA?!” Parang gusto kong lumubog na lang sa lupa dahil kahit ako nag-aalala!

“Look sis, nasa laboratory ka okay? Minsan lang kayo magkikita nun” pilit paring gumagawa ng dahilan si Mika para mapanatag ang loob ko, bumuntong hininga na lang ako para hindi sya mag-alala

“Don’t worry about me sis, okay lang ako. Ikaw mag review ka na at matulog na din, wag mo ng isipin yung sinabi ko. Punta na ako sa kwarto ko para matulog. Goodnight” mukhang nag aalala parin siya pero ngumiti lang ako para hindi na sya mag-alala.

Bukas, bukas na talaga ang simula. I need to be strong. My weakness just came……

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ