CHAPTER THIRTY TWO

45 3 0
                                    

MATAGAL lang ako nakatitig sa mukha nya habang paulit ulit nya akong tinatanong kung sino ang may gawa nito sakin at kung anong nangyari sakin. Tinitingnan ko ang ekspresyon nya kung puro pam pa-plastik ba iyon o totoo

Pero wala akong makitang sign plastic ang mga ito , mukhang nag-aalala talaga sya at galit.

Minsan ka ng naloko ni Rhys, Bella, alam mo kung gaano yan kagaling umarte. Tinalo nya ang primetime king na si Dingdong Dantes sa sobrang galing nya umarte Bella! Wag kang tanga!

“B-Bella, please talk to me… d-don’t be l-like this” muli nyang saad pero tila nabato ako sa aking kinatatayuan at tinititigan lang sya kung paano sya magsinungaling sa harap ko

Magsasalita pa sana sya ng umatras na ako, ayaw ko ng maging mapalapit sa kanya, ayaw ko ng lumapit sya sakin dahil baka tuluyan na akong masaktan!

“L-Leave” ganun na lang ang pag sikip ng dibdib ko dahil sa pagkaawa sa sarili ko, kahit ako ay rinig na rinig ko ang panghihina sa boses ko, ang sakit at ang galit “B-Bella” nagtangka muli syang lumapit pero this time iniharang ko na ang kamay ko sa pagitan namin para pigilan sya

“please…. Please R-Rhys… just leave me a-alone” wala na akong lakas para makipagtalo sa kanya, ayaw kong nakikita nya akong ganito dahil lalo lang akong nanghihina, ayaw kong kaawaan nya ako

Nakita ko syang matigilan pero agad ding umiling “No Bella! Tell me! Talk to me! Why are you…” hindi nya alam ang sasabihin dahil mukhang kahit sya ay naguguluhan

Tinakpan ko ang aking mukha dahil dun na nagtuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko, sunod sunod akong umiling at patuloy na umatras

“N-No! You listen to me Rhys! Please, spare me from your bullshxt games! Kahit ilang araw lang pwede bang lubayan mo muna ako?! Hindi ko na kasi kaya eh! Kukuha lang ulit ako ng lakas para makipag plastikan sayo, so please just this day, just… just leave me!” I exclaimed because I can’t control myself! Feeling ko anytime sasabog na ako sa galit!

Nakita ko syang matigilan, nakanganga pa itong nakatingin sa akin, hindi makakuha ng tamang word

“B-Bella, no….. I know you’re not okay, what happened?” magsasalita na sana ako ng makita ang tatlong bulto ng tao sa likuran nito ang tatlong taong nagbigay ng chance na maging malakas at samahan ako sa lahat ng laban ko

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Honey, ang pag-aalala ni Doc Maxine at ang halo halong emosyon ni Lavsole, kitang kita ko kung paano umigting ang panga ni Lavsole

“Y-You happened Rhys, you did everything to dragged me in this situation so please leave me alone!” isinigaw ko ang tatlong huling salita dahil sa sobrang sakit, sa pagkagulat ni Honey at Doc Maxine at mabilis silang lumapit sakin at mabilis akong inalalayan ng mapaupo ako

Doc Maxine whispered at me na magiging okay ang lahat pero hindi ko alam kung kaya ko bang paniwalaan yun!

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Lavsole at Rhys, lalapit na sana si Rhys sakin ng pigilan ito ni Honey

“Please don’t, you’re not helping Tim” mahinahon nitong saad, nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni Rhys pero agad kong inawas ang paningin ko

“Anong ginawa ko Bella? What did I do para magkaganyan ka? Kasi Bella wala akong maintindihan eh! You left me six years ago and not giving me a chance to explain my side! Hindi kita maintindihan! I give you time because I know your shock pero Bella naman! You left! You promise me that you’ll not leave! You promised Bella! At naniwala ako na babalik ka dahil mahal mo ako! and I trust your love Bella even it hurt me so much!” kahit ako ay natigilan sa sinabi nya

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now