CHAPTER TWENTY NINE

50 3 0
                                    

TATLONG araw na din simula ng makaalis si Lavsole, at tatlong araw na din akong hindi sanay na tawaging Doctora dito sa hospital, nang malaman ni Cloudeth at Aria ay tawa sila ng tawa dahil kahit sila ay hindi alam ang tungkol sa propesyon ko at sa mga experience ko

Umalis din si Cloudeth dahil marami syang aasikasuhin dahil napaka suplado daw ng kasama nya at akala mo laging may buwanang dalaw kung magsalita kasi parati daw high blood. Si Aria naman ay busy parin sa kaso ng tatay ni JD at may mga na trace na din daw sya tungkol dito, sana nga lang ay masulosyunan nito dahil gustong gusto talaga ni JD na makuha ang hustisya ng tatay nito

Hindi ko madalas nakikita si Rhys tuwing nagra-rounds ako, at kung magkikita naman kami ay sa Operating Room lang o sa ibang case, nabibisita ko na rin si Jessy, at kahit si Jessy ay hindi sanay sa unipormeng suot ko, pero sinusubukan nan yang masanay

Sa loob ng tatlong araw, araw araw ding nagpapadala ng pagkain si Rhys,at iisa lang ang nakalagay dun na note

Don’t skip your meal, it’s bad to your health

Yan lang parati pero araw araw iba iba ang sticky note, noong unang araw hindi koi yon kinain dahil wala akong gana at hindi ko trip ang bigay nya, pero naaawa din ako dahil nag e-effort yung tao, kaya napilitan akong kainin na lang

Napilitan nga ba?

Bumuntong hininga ako saka tiningnan muli ang mga records, kung nakakapagod ang pagiging med tech, mas nakakapagod ‘tong trabaho ko ngayon dahil literal talagang araw araw nagkakaroon ako ng major cases, lalo na at talagang malaki ang hospital na ito

Nang malaman ng magulang ko ang tungkol dito ay nag-alala sila sakin dahil baka lalo ko daw mapabayaan ang sarili ko pero wala silang choice kung hindi hayaan ako dahil wala na din naman silang magagawa

I looked at my wrist watched, magra-rounds muna ako bago magbreak.

At iyon ang ginawa ko, after ng rounds ay nagpunta na ako sa cafeteria pero nasa elevator pa lang ako ng makita si Rhys na may hawak ng lunch box, he looked at me and smiled. Hindi ko alam kung ngingiti din ako o hindi lalo na at kaming dalawa lang dito

Tumabi sya ng konti para bigyan ako ng space, nang makapasok ako ay tahimik lang kaming dalawa sa loob ng magsalita sya

“I am about to give your lunch personally pero mukhang nalate ako” napatingin ako sa kanya ng magsalita ko, gusto kong matawa dahil namula pa ang pisngi nya

Grip yourself Miaryne!

It’s okay, maybe we can eat that at the cafeteria” nakangiti kong saad at nakita ko syang magulat

Wait? Sinabi ko bang we? Ah bahala na! Masama bang maging mabait kahit ngayon lang?

Nang marating namin ang cafeteria ay agad akong pinaupo ni Rhys at sya na ang kumuha ng iba pa, buksan ko ang lunch box at paper bag ay halos maglaway ako ng makita Jollibee French fries!

Shocks! Kanina pa ako nagki-crave nito!

Mas lumapad ang ngiti ko ng dumating si Rhys na may dala pang ibang pagkain

“Akin ‘to?” nahihiya kong tanong nang makita kong napatingin sya sa hawak ko, natawa ito saka tumango hindi parin sya umuupo

“Yup I bought that because I know you’re craving” nangunot ang noo ko pero hindi na pinansin ang sinabi nya, napatingin ako sa kanya ng makitang inaayos nya ang plato at kutsara

“Di ka kakain?” taka kong tanong, sa dami ng pagkain sa harap ko hindi sya kakain?

“Nah, I know you don’t like seeing  me here so-” napangiwi ako saka hinawakana ng kamay nya at hinila paupo

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now