CHAPTER FOUR

68 4 0
                                    

TAHIMIK lang andkong nagbabasa dito sa living room, tutal eh wala din naman ako magawa, dapat ay nasa Udalo ako ngayon dahil Undas pero hindi ako umuwi dahil sa dami ding ginagawa sa school

Tok.tok..

Agad akong pumunta sa pinto at binuksan iyo, nakangiting sumalubong ako ni Ate Jane, may dala din syang ginataang saging

Nagluto ng ginataang saging nakangiti koi tong tinanggap saka sya pinatuloy

Nabanggit sakin ni Mary na hindi ka daw uuwi sa inyo, nagtatampo na iyong kaibigan ko sayo dahil mas mahal mo na daw dito kesa sa kanila” natawa ako sa sinabi nya

“I talked to her yesterday Ate Jane, hindi ako pwedeng umuwi sa Udalo ngayon dahil ang daming school projects and activities na dapat kong gawin, at sigurado akong hindi ko yun magagawa sa Udalo, nabalitaan ko pa na may dadating na bagyo sa isang araw, kapag umuwi ako ay baka ma stranded lang ako dun mas mahihirapan ako. Nakausap ko naman sila” she sighed

“Eh paano yan mukhang nagtatampo talaga, ang Ate Yvette mo ay umuwi na roon tapos ikaw yung hindi”  ….. “Ate iba naman ang lugar ni Ate Yvette, sa batangas sya ako dito sa manila, mas mahirap ang byahe ko kesa kanya” kahit naman gustuhin ko eh wala akong magagawa, I’m just too busy. I need to maintain my grades at kung ang pag uwi sa Udalo ang magiging dahilan kung bakit bababa ang grades ko eh wag muna

“But I promised to them na sa Christmas Break sure akong uuwi ako” sunod ko pa, tumango naman sya

“By the way ito pala ang sahod mo, naku ang daming natuwa na empleyado ko sayo, tinatanong kung kelan ka ulit bibisita dun!” napangiti ako, nanggaling kami ni Ate Jane sa Makati para tingnan yung business nya dun, nag enjoy din naman ako, nagdala din ako ng ginawa kong graham du

“Naku tingnan natin kung makakapunta ulit ako, thank you ho pala dito” at inabot na nya sakin ang sahod ko, okay na ako sa sahod na ito atleast na ma-manage ko ng maayos ang pag aaral ko at sideline job ko

“Ang dami mo na atang ipon ah, baka ikaw na ang nagbabayad ng tuition mo” natawa ako

“Plano ko ho kasing regaluhan ang magulang ko sa pasko eh, pati marami na akong kailangan sa school ngayon, ayaw ko namang umasa sa kanila dahil hindi lang naman ako ang nag-aaral”

“They are very lucky, nako kahit ako ay humahanga sa pagmamahal mo sa propesyon mo, nakikita ko ng successful ka na!” ngumiti ako sa kanya “By the way, gusto mo bang sumama bukas, pupunta ako sa sementeryo para bisitahin si Tatay”

Tumango naman ako

“SIge po, wala din naman akong gagawin eh”  tumango sya

“Oh sya sige ako’y babalik na sa bahay, ikaw ba ay kinakausap pa noong kaibigan mong lalaki?” natagilan ako sa tanong nya, si Rhys?

“Ah nakapag usap naman kami kagabi Ate, nasa Laguna sya ngayon”  tumango sya at lumabas na, bumalik ulit ako sa sala para magbasa, I need to read more dahil hindi naman tuwing may pasok lang dapat mag basa! Nagbeep naman ang phone ko

From: Bessy Aria
Ui! Nakakainis ka! Hindi ka pala umuwi dito sa Udalo?!

Natawa ako, ang alam kasi nila ay umuwi ako

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon