CHAPTER TEN

49 4 0
                                    

“Someone told me na tumalon daw kapag twelve na para tumangkad, ginawa mo ba yun nung bata ka” at binuntutan pa ng tawa! Walang hiyang to!

“Rhys, bagong taon ha! Wag mo kong binubwisit!” inis na sabi ko, tumawa ulit sya. Magkausap kami through video call, nandito na kasi ulit ako sa Udalo beause it’s New Year, and it’s eleven, hinihintay na lang naming ang twelve

“Just kidding, by the way wheres your parents?”  at kunwaring may tinitingnan pa sya, I shrugged

“Nasa baba sila, doon nila hinihintay ang New Year, andito ako sa second floor to watch the stars

“Me too, I’m here at the veranda watching the stars, last year kasi umuulan kaya hindi ko na-enjoy” yeah, he’s right may bagyo kasi noong isang taon

“What your New Years Resolution?” I asked, tumingin sya sa taas at nag-isip

Hmmmm….. I think to do the things I want to do noon pa, Mas pasasayahin ko pa ang taong gusto ko—”

“Hey!Hey! Wait! Wait! Tama ba rinig ko?! May gusto ka ng tao?!” gulat kong tanong at ang loko, ngumiti lang!

“Yup” at ngumisi na sya!

“Bakit di ko yan alam?” taka kong tanong, wala syang nababanggit tungkol sa ganun noon!

Hindi ko alam, halatang halata na kaya! Marami nga ding nakakapansin eh” sabi nya, kumunot ang noo ko

“So schoolmate mo?” curious kong tanong, tumango sya. Ngumuso naman ako.

May kahati na ako sa oras nya

Naipilig ko ng mariin ang ulo ko sa naisip ko, eh ano naman?! Kung gusto nya yun edi support na lang

“Yeah.. Kilala nga ako eh” sabi nya, huh? Sa dami ng nakakakilala sa kanya malaman ko pa ba?

“Maraming nakakakilala sayo Rhys wag mo kong niloloko tumawa naman sya ng malakas

“Oo nga pala hahahaa!” sira ulo!

“Edi nililigawan mo na?” imposibleng hindi, gusto nya nga daw diba? Atleast ready na ulit sya maging in a relationship

“Nope, hindi pa. Mukhang di pa sya ready eh” wow? Ang arte naman nung babaeng yun, pero sabagay kung study first din yung babae eh hindi ko sya masisisi, kahit naman ako mas gusto kong mag-aral muna

“Oh, edi hihintayin mo?” ang bitter ko ata nung nasabi ko yun?

“Oo naman! Ilang buwan na lang naman manliligaw na ako sa kanya” sabi nya, wow may naka set na date na para sa panliligaw

“Paano kung hindi sya pumayag sa panliligaw mo? Lalo na’t sabi mo hindi pa ready?” tanong ko, he grinned

Imposible napanganga ako sa sinabi nya

“Ang yabang mo” nakasimangot kong sabi, tumawa sya

“Bakit? O sige tatanungin kita, anong bagay ang maaaring matanggihan ako?” napatitig ako sa kanya, parang wala naman ah, he’s too kind, too sweet, too handsome, lahat ata ng too na positive sa kanya ay nasa kanya

“W-Wala naman pero sabi mo--”

“Exactly my point Bella, kaya imposibleng umayaw sya” aba’t! Ang kapal! Talagang pinangungunahan nya ang liligawan nya!

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now