CHAPTER ELEVEN

36 3 0
                                    

“Ms. Tabia Napa-angat ang tingin ko sa prof naming terror

“Miss” sagot ko at dahan dahang tumayo, seryosong nakatingin sakin si Ms, nakatingin na din sakin ang mga kaklase ko

“It’s been a week or so? Alam mo ba kung nasaan si Mr. Silva? Ang dami na nyang quizzes na hindi nati-take up” sya yung prof na may gusto kay Rhys. I sighed

“Hindi po Ms, hindi pa po kami nag-uusap simula ng um-absent sya” mahina kong sagot, pasimpleng umirap ang prof naming saka nag-dismissed

“Leader ano na? Isang linggo ng absent si fafa Tim, imposibleng hindi mo alam kung bakit” at tumabi sakin si Harold para tanungin yun, umiling ako

“Hindi ko talaga alam Harold eh, hindi pa kami nag-uusap promise” kahit ako ay namo-mroblema, he never called me this past few days para mag tanong ng mga ginagawa

“Eh paano na yan? Maraming prof na ang nagrereklamo sa kanya” I sighed, noon ko pa iniisip ang mga posibilidad na magiging problema ni Rhys pagbalik nya, pwede naman nya akong tawagan para tanungin kung anong mga ginawa na eh, malapit na din ang mid term kaya dapat hindi na sya uma-absent!

“Hindi ko din sya macontact Harold eh, I asked Ate Jane pero kahit sya hindi alam, I tried to call him pero cannot be reach palagi ang phone nya” kinakabahang tumingin sakin si Harold at mabilis na ipinilig ang ulo nya “Hindi naman siguro” mahinang bulong nya, kaya napakunot ang nook o

“Bakit? Anong naiisip mo?” I asked, kinakabahan syang nag-iwas ng tingin

“Sana mali ang iniisip ko leader” sabi nya, tumitig ako sa kanya

“Anong bang iniisip mo?” ulit ko, he sighed “Hindi kaya may nangyari kaya sa kany-”

“Knock on the wood Harold” sabi ko, parehas naman naming ginawa iyon. Siguro ay family problem? Pwede naman yun diba? Pero bakit naman isang linggo ng cannot be reach ang phone nya? Wala akong number ng kahit kaninong family member nya kaya di ko alam kung sino ang tatawagan ko para sa concern na to

“Leader gusto mo bang samahan kita after this last period?” napatingin ako kay Harold, pupunta kasi ako sa Ophthal ko, para ipacheck ang mata ko kasi sumakit sya ng bongga last night. Tumango naman ako

“Sure, wala din akong kasama eh” sagot ko, after ng last period ay nagpunta na nga ako sa doctor ko, alam na ni mommy at tatay ang tungkol sa nangyari kaya nag-alala sila ng bongga pero sabi ko naman eh magpapa-check na lang ako para hindi sila mag-alala

“We’re here” sabi ko at pumasok kami sa office ni Mrs. Ramos

“Good Afternoon Ryne” bati ni Mr. Ramos, denstist naman ito

“Good Afternoon po” bati ko, bumati din naman si Harold saka kami pinatuloy

“Naku mabuti at nakarating kayo” sabi ni Dra. Ramos, at nagsimula na syang magdiscuss at i-check ang mata ko, may mga naging plaiwanag sya tungkol sa mata ko at mga bagay na dapat hindi ko gawin at dapat kong gawin, ang dami ding na-warning nya sakin at may mga pagkain at ilang gamot din ang nireseta sakin

“Sige ingat ka!” kaway ko kay Harold habang pasakay sya ng kotse, inihatid na nya ako dito sa tinutuluyan ko, kumaway pa sya bago umalis

“Hindi pa rin ba pumapasok si Tim?” halos mapatalon ako ng pagharap ko eh nasa harapan ko na si Ate Jane at naka office attire pa, umiling naman ako

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now