CHAPTER FIFTEEN

41 4 0
                                    

Inis akong nag-iwas ng tingin ng mapansin kong nagba-vibrate ang phone ko, tsk! Ang landi landi nya eh

“Di mo ba yan sasagutin? Kanina pa tumatawag si Rhys ah” pansin ni Aria, nandito kami sa starbucks para mag relax, at kanina pa din tumatawag si Rhysdave, ang sabi ni Tita ay gabi na daw naka-uwi si Rhysdave at pumunta daw iyon kagabi sa bahay pero tulog na ako, but honestly gising ako nun at badtrip ako sa kanya

Kahapon kasi eh umalis na lang sya ng walang paalam at si Harold lang nagsabi sakin na umalis daw si Rhysdave kasama ang isang babae sa labas ng gate, akala ko eh nanjo-joke lang itong si Harold pero nakita ko si Rhysdave sa isang café kasama ang isang babae na tingin ko mas bata lang sakin ng konti, short hair sya at masasabi kong maganda talaga, maputi kasi, hindi katulad ko na tan

Mukha naman silang masaya at hindi na nila ako kailangan kaya wag na lang akong lumapit diba? Tsk! Palibahasa nagkita lang sya ng may lahi makakalimutan na ako? Tse! Edi dyan sya sa may lahing babae na yan! Hindi sya kawalan! Nagkita lang ng mas bata?!

Kaya umalis na ako, at sa loob ng isang linggo eh hindi ko sya pinapansin, tsk! Bahala sya sa buhay nya

“Baka naman pinsan nya” sabi ni Aria, I rolled my eyes

“Tsk, may lahi Aria! At mukhang American yun, alam mong Asian lang din ang lahing meron si Rhys” sabi ko, nakita kong natawa si Aria

“Hay naku Ryne, kung ako pag-usapan nyo yan, baka kasi friend nya lang yun!” hindi ko alam kung makukumbinsi nya ako sa sinabi, o kaya si Heidi! Edi Wow! Uso naman marupok sa mundo! Tsk!

“Bahala sya sa buhay nya” natawa naman si Aria, kaya napa irap na lang ako

“By the way may tsimis ako” nakanguso akong tumingin kay Aria, bumuntong hininga ito saka nag-iwas ng tingin, luh?

“Bakit? Ano ba yun?” taka kong tanong, ilang beses syang bumuntong hininga saka tumingin sakin

“May girlfriend na yung ex ko” gusto kong umirap sa harap nya dahil sa sinabi nito, duh! Ang obvious kaya! It’s been three years? Imposibleng wala yung girlfriend! Mukhang gwapo pa dahil baliw na baliw ang pinsan ko!

“Tsk, nakakagulat ba yun? Kilala mo ba?” bumuntong hininga ulit ito bago tumango

“Yup, paano kapag nakilala mo sya Ryne? Paano kapag nakita mo sya sa personal anong gagawin mo?” tanong nya, napaisip naman ako

“Sa tingin ko eh wala, wala naman kasing ginagawa sakin yung babae, pero siguro dun sa lalaki or dun sa ex mo, syempre magagalit ako sa kanya, siguro naman alam nyang tamang tama ka parin sa ex mo, pero hindi sya pumayag sa proper break up nyo, o wala kayong proper break up, siguro naman eh deserve mong malaman kung tapos na talaga diba?” natulala sakin si Aria saka bumuntong hininga ulit

Magagalit ka sa ex ko?” napaisip ako sa sinabi nya at nag-aalangan na tumango

“Yup, maybe? Kasi diba sabi mo nga hindi ka naman nakipag break sa kanya, sya lang. Sa relationship kasi dapat parehas kayong magde-desisyon hindi ba? Respeto na lang sayo” tumango tango si Aria

“Eh ikaw ba? Kelan mo sasagutin si Rhysdave? Sapat na ba yung mga nalalaman mo sa kanya para mag-commit kayong dalawa? I mean, support kita sa gusto mo at desisyon mo Ryne pero sapat na ba yung alam mo? Nagda-doubt ka ba?” I sighed, tingin ko eh may point naman si Aria, concern lang din sya sakin pati si Cloudeth

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now