SPECIAL CHAPTER

28 4 39
                                    

THIRD  PERSON  POV

"Tama ba talaga yung number na sinabi mo?" paniniguro ni Evangeline at tiningnan ang phone ni Kevin kung saan niya kinopya ang mga numero. Walang load si Kevin ngayon at siya lang ang meron kaya nagpresinta siyang tumawag sa babaeng gustong makausap ni Kevin.

"Tama naman," maikling sagot ni Kevin at mahahalata sa mukha niya ang matinding kaba. Pinindot muli ni Evangeline ang dial button at itinapat ang phone sa kaniyang tainga.

"Invalid. Luma na yata yung number. Wala ka bang ibang na-save sa phone mo, Kev?" 

Umiling si Kevin at nanlumo sa narinig. Kahit na ganito ang kaniyang inaasahan dahil halos dalawampung taon na ang nakalipas buhat noong huli silang mag-usap ng ina niya, hindi niya pa rin maiwasang malungkot.

Nandito sila ngayon sa bahay ni Kevin para tawagan ang mama ni Kevin na si Kyline. Nakabukod na ang bahay niya sa kaniyang ama pero kada linggo o buwan ay hindi niya nakakalimutang bisitahin ito. 

Halos isang taon na ang nakalipas buhat noong magkabalikan sina Kevin at Evangeline. Saka niya pa lang ikinuwento ang buhay niya at mga pinagdaanan. At sa buong oras na 'yon ay pinakinggan lang siya ni Evangeline ang ipinaramdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Ipinaalala niya pa na pati ang mga lalaki man ay may emosyon kaya wala siyang dapat ikahiya.

"Akala ko pareho kayo ng mama ko. Pareho niyo akong iniwan nang hindi nagpapaalam nang maayos. But I realized that it's not her fault. It's my dad's fault," pagkukwento ni Kevin habang nakaharap kay Evangeline, "You, too. Akala ko iniwan mo ako dahil hindi mo na ako mahal o kaya may iba ka na. Ngayon ko lang napagtanto ang ibig mong sabihin na mahalin ko muna ang sarili ko. Sorry, Geline."

"'Wag kang mag-alala, naiintindihan ko."

Hinawakan ni Evangeline ang kamay niya at ngumiti nang nakakatunaw. Kahit paano ay napalakas nito ang loob ni Kevin.

"Lagi lang akong nandito, anak. Pasensiya na kung hindi kita kayang buhayin. Mas kaya kang palakihin ng ama mo. Mahal na mahal kita," ito ang naalala niyang sinabi ni Kyline bago umalis. Ngunit dala nang galit dahil inakala niyang may ibang lalaki ang kaniyang ina, ibinaon niya ito sa kaniyang isipan at saka lang niya naintindihan ang ibig nitong sabihin.

Lumipas ang ilang minuto, may ibang naisip na paraan si Evangeline para tawagan o kausapin ang ina ni Kevin, facebook.

"Kev, anong pangalan ng mama mo?"

"K-Kyline Lorenzo," garagal nitong tugon. Saglit siyang niyakap ni Evangeline para damayan. Ramdam niya ang matinding pangungulila ng kaniyang kasintahan sa ina kaya't hindi niya mapigilang mabahala. Yumuko siya saglit para ipanalanging matagpuan nila ang kaniyang ina.

"M-Maghahanda lang ako ng p-pagkain natin," mahinang saad ni Kevin at pinahid ang luha mula sa kaniyang mga mata bago tumayo. Nang makatalikod siya, humarap si Evangeline sa laptop na nakapatong sa lamesa at binuksan ito.

Saglit munang nag-browse ng kung anu-ano sa youtube si Evangeline habang hinihintay si Kevin na matapos sa ginagawa. Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin ito bumabalik kaya napagpasyahan na niyang simulan ang paghahanap.

"Kyline Lorenzo," pagbanggit ni Evangeline at nag-search sa facebook. Maraming resulta ang lumabas kaya nag-scroll down siya at isa-isang tiningnan ang mga profile picture pati lokasyon. Napatigil siya at lumabas ang tibok ng puso nang makita ang isang itsura ng babae sa profile. Bagaman may katandaan ang mukha, hawig a hawig niya ang mata ni Kevin. Mag-isa lang ito sa litrato at nakangiti. Nakasuot ito ng salamin at medyo close up ang mukha.

"Ito na--" Lumingon si Evangeline sa kaniyang likuran at nakita niyang natigilan si Kevin habang nakatitig sa litrato na nasa laptop. Halata sa mga mata nito ang gulat ang halu-halong emosyong nararamdaman.

Amidst the Season (Symbol #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang