Chapter 9

31 7 34
                                    

THIRD PERSON POV

Naalimpungatan si Kevin nang biglang tumunog ang kaniyang phone dahil sa isang tawag. Napahawak siya sa kaniyang ulo nang makaramdam siya ng sakit at kirot.

"Naglasing nga pala ako kahapon," naiinis na bulong niya at tila nagsisi sa ginawa. Lagi niya itong sinasabi pagkatapos niyang maglasing pero ginagawa niya pa rin naman ito pagkatapos magtrabaho dahil sa iisang rason.

 Kinapa niya gamit ang kaliwang kamay ang bulsa ng pantalon niya habang nakapikit. Bahagyang napakunot ang kaniyang noo at dahan-dahang napamulat nang malamang walang nakalagay na phone sa bulsa niya. Iginala niya ang paningin kaniyang paningin at mas lalong napakunot ang noo nang makitang nasa sahig ang hinahanap niya.

"Ba't nandito 'to?" naguguluhan tanong niya bago ito pulutin at sagutin ang tawag ni Luther.

"Pre, papasok ka ba ngayon? Malapit ka nang ma-late. Baka pagalitan ka ni boss." Dahil sa sinabi ni Luther, napatingin si Kevin sa orasan sa phone niya. Biglang nagising ang diwa niya nang makitang isang oras na lang bago sumapit ang alas-nwebe ng umaga.

"Pre?" pagtawag ni Luther.

"Papasok ako," aniya bago ibaba ang tawag. Muli niyang sinulyapan ang phone at nagpakunot ang noo niya dahil sa nakita.

"Ano 'to??" nagtatakang sambit ni Kevin nang makita ang Message failed sa phone niya. Dahil sa kuryosidad,  binuksan ko ito at binasa.


From: Kevin

Sa totoo lang, kahit sinabi kong kalilimutan na kita, kaya ko itong baguhin. Kaya kong ibaba ang sarili ko para sa'yo. Tatanggapin pa rin naman kita kung sakaling sasabihin mo na ako pa rin hanggang ngayon. Wala, eh. Mahal talaga kita...

-Kevin

Fvck?! Sinabi ko ba talaga 'to?!! 

Sa sobrang gulat, naibato niya ang phone sa sahig at napasinghap.

Binalak ko ba talagang ipadala ang mensaheng iyon?!!

Mariin siyang pumikit at nag-isip. Pilit niyang inalala ang nangyari kahapon. Natatandaan niyang nalasing siya pero hindi niya maalalang isinulat niya ang mensaheng iyon.

"Baka nasabi ko lang ito dahil lasing ako. Maayos na ang kalagayan ko ngayon kaya hindi ko na siya kailangan. Ipinapangako ko sa sarili ko na wala na akong pakielam sa kaniya." Ito ang itinatak niya sa kaniyang isipan bago tuluyang bumangon para mag-ayos ng gamit at sarili bago pumasok sa kumpanya.

***

KEVIN LORENZO

It's been  years since we last saw each other. It's been years since I saw her stony face without even a shed of tears in her eyes. And here I am, trying my best to do the same.

Kagaya ng kinagawian ko ilang linggo na ang nakalilipas, nandito ulit ako ngayon sa bar para lunurin ang sarili ko sa alak. Kakagaling ko lang sa trabaho at dito agad ako dumiretso para maglibang. Wala namang may pakielam sa akin kaya kahit saan ako pumunta, walang maghahanap.

"Mister, isang alak pa nga!" Napalingon ako sa isang babaeng sumigaw sa bandang gilid ko. Nakaupo siya sa pinakagilid na bar stool habang nag-aabang ng order niya. Nakasuot siya ng pormal na damit at nakalugay ang kaniyang mahabang buhok. May dala rin siyang purse na nakapatong sa lamesa.

Amidst the Season (Symbol #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon