Chapter 19.2

23 6 49
                                    

THIRD PERSON POV

"Bakit mo sinabing girlfriend kita?" nagtatakang tanong ni Kevin kay Jessica nang makalayo sila kay Evangeline. 

"Excuse me, sir. Ang sabi ko, girl friend. As in babaeng kaibigan at hindi girlfriend. Asa ka naman," depensa niya at binelatan si Kevin bago maglakad palayo sa kaniya. Agad naman siyang sinundan ng binata.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba gusto mo nang umuwi?" tanong ni Kevin nang makahabol siya.

"Ikaw? Bakit parang ayaw mo pang ipakilala mo ako bilang jowa mo kung naka-move on ka na naman sa kaniya?" pag-iiba ng usapan ni Jessica at inilabas ang phone niya sa bag para tingnan ang ig.

"Ay wait," pagpigil ni Jessica at inangat ang kaliwang kamay.

"'Wag mo nang sagutin. Parang alam ko na ang sagot. Pero alam mo ba," hinigit niya si Kevin sa braso upang pantayan ang tainga bago bumulong. "Mukhang nasaktan siya noong sinabi kong girl friend mo ako."

"Paano mo naman nasabi?" kunot-noong tanong ni Kevin.

"Babae rin ako, Kevin. Alam ko kung sino ang mga karibal ko. Parang kabit yung tingin sa akin, eh," aniya at tumingala para mag-isip. 

"Ay, hindi yata." Pinalo niya sa braso si Kevin bago ulit magsalita, "ah, basta! Parang may kakaiba sa tingin niya kanina. Parang nasaktan talaga siya."

"Bakit naman siya masasaktan? Siya nga yung nang-iwan."

"Aba malay, hindi ko naman alam kung anong huli niyang sinabi bago ka niya iwanan," tanging sagot ni Jessica at tiningnan ang isang litrato sa phone bago ito iangat para makita nang malapitan. 

"Saan 'to banda?" tanong niya kay Kevin. Kinuha ni Kevin ang phone at tiningnan din ang litrato. Close up ang mukha ng lalaki at nakangiti sa camera. Makikita sa likuran niya ang mga silya at lamesa, pati na rin ang iilang taong kumakain na nahagip ng camera. Sa pangalawang litrato makikita ang sisig at teriyaki na binili niya, mukhang pang-dalawang tao ang pagkain na 'to. Sa huling litrato naman, makikita ang kabuuang itsura ng restaurant sa labas kaya nalaman agad ni Kevin ang lokasyon nito.

"Sa second floor, malapit sa Cinema. Bakit mo naitanong? Sino 'to?" may halong kuryosidad niyang tanong at tiningnan ang profile picture at username. Tonymprl

"Ex ko," nakangusong tanong ni Jessica at muling tiningnan ang ikalawang litrato, "nakita ko kasi sa post niya kanina na papunta raw siya dito sa SM. Tapos nag-post ulit siya, 17 minutes ago, na nandito siya sa resto na 'to para kumain. Gusto ko siyang kumustahin."

"Kumustahin?" magkahalong gulat at pagtatakang tanong ni Kevin habang nakatingin kay Jessica. Tumango ito at ngumiti.

"Mahal mo pa rin ba yung ex mo?" tanong niya ulit na parang hindi kumbinsido.

"Wow, nahiya ako sa apat na taong 'di ka naka-move on," sarkastikong tugon ni Jessica at nag-flip  ng buhok bago pumuntang escalator para umakyat.

"Ano ba talagang gagawin mo kapag nakita mo siya?"

"Aalamin ko kung may pag-asa pa ba kaming dalawa."

***

"Anthony!" sigaw ni Jessica pagpasok niya ng restaurant. Napapalo ng noo si Kevin at napailing dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

 Nilibot ni Jessica ang kaniyang paningin at nang makita niya si Anthony sa bandang gilid, akma niya itong lalapitan pero hinawakan siya sa braso ni Kevin.


"'Wag kang mag-eskandalo rito," paalala niya. Hindi siya pinansin ni Jessica. Kumalas siya sa hawak niya at patakbong lumapit kay Anthony.

Amidst the Season (Symbol #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora