Chapter 3

39 8 47
                                    

EVANGELINE ALLEJO

"Rain, rain, go away. Come again another day~" rinig kong kanta ng isa sa mga kaklase kong lalaki na nakaupo sa tabi ng bintana. Napasilip ako sa bintana at nakita ko ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Akala ko ba malapit na yung tag-init?  

Kung mamalasin ka nga naman, naiwan ko yung payong ko sa bahay. Isang oras na lang at matatapos na ang klase pero wala pa yatang balak tumila ang ulan. Wala pa namang pasok ngayon si Kev dahil Biyernes kaya wala akong kasabay umuwi. Yung mga kaibigan ko naman ay sinusundo ng mga driver nila kaya hindi na sila nagdadala ng payong. Si daddy naman, hanggang gabi pa yung trabaho  kaya hindi niya rin ako masusundo.

Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa bungad ng building ng college department upang hintayin na tumila o humina ang ulan. Naglalaro lang ako sa phone ko at paminsan-minsa'y tumitingin sa labas para alamin kung huminto na ang pag-ulan.

Maya-maya'y napatingin ako sa wrist watch ko, malapit nang sumapit ang alas-sais. Ang tagal ko na palang nakatambay dito. 'Di pa kasi gaanong madilim dahil tag-araw na ngayon at mas mahaba na ang umaga kaysa sa gabi.

"Uy, Geline, bakit hindi ka pa umuuwi? Kanina ka pa ba d'yan?" tanong ni Calliope nang makita niya ako sa bungad ng building. Galing kasi siyang faculty kanina, may tinanong yata siya tungkol sa topic namin ngayon.

"Hinihintay ko pang tumila ang ulan. Wala akong payong," sagot ko.

"Ah, gusto mong sumabay sa akin? Malapit nang dumating yung driver ko," paanyaya niya pero tumanggi ako kasi magkaiba yung direksyon ng bahay namin. Baka maabala ko pa yung driver niya.

Sa halip, pinadala ko muna kay Calliope yung gamit ko dahil wala naman kaming pasok bukas. Bukas ko nalang kukunin sa bahay niya yung bag ko. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating yung sundo niya. 

Isinabay niya nalang ako hanggang sa labas ng school sa may silong.

"Dito na lang, bye Calliope. Salamat!" paalam ko at kinuha yung phone ko na nasa harap ng bag.

"Teka, may plastic ka ba?" Umiling siya at kinalabit yung driver niya.

"Manong, 'di ba po may plastik ka?" Tumango naman ito at tumingin sa amin gamit ang rear mirror.

"Ilan ba kailangan mo?" usisa niya.

"Isa lang, para hindi mabasa yung phone at wallet ko."

Pagkatapos akong bigyan ng plastik, muli akong nagpaalam.

"Sigurado ka talagang ayaw mong magpahatid? Libre lang naman, o kaya kahit hanggang  sa sakayan lang," tanong niya ulit pero umiling ako. Medyo malayo kasi ang sakayan buhat dito at iba rin ang direksiyon. "Hindi na. Salamat nalang, bye. Ingat ka sa pag-uwi!" Ngumiti ako bago buksan ang pinto at lumabas. Kumaway pa ulit ako hanggang sa umandar yung kotse. 

Nagdadalawang-isip ako kung pupunta ba ako sa waiting shed na malapit dito o hindi. Ang problema nga lang, bago ako makarating doon ay paniguradong basa na ako ng ulan. Balak ko sanang doon nalang tumambay hanggang sa tumila ang ulan pero baka abutin ako ng gabi kaya 'wag nalang.

 "Tsk. Bahala na nga, wala namang pasok bukas!" ani ko at nagsimula nang maglakad. Itinapat ko yung kamay ko sa ibabaw ng ulo ko at nakayukong naglakad. Wala lang, trip ko lang gawing payong yung kamay ko kahit alam kong wala itong kwenta.

Amidst the Season (Symbol #1)Where stories live. Discover now