Chapter 24.2

21 5 43
                                    

THIRD PERSON POV

"Bakit mo pa ako tinawagan? Akala ko ba nakipaghiwalay ka na sa ex mo? Dapat hindi mo na ako kai--" Natigil sa pagsasalita si Jessica nang bigla siyang hilahin ni Kevin sa braso at niyakap. Nanlaki ang mga mata niya at ilang segundo siyang hindi nakagalaw dahil sa sobrang pagkabigla.

Lumingon-lumingon si Jessica sa paligid at inobserbahan kung may nakatingin basa kanilang dalawa. Walang gaanong tao sa coffee shop na pinuntahan nila kaya kahit papaano ay nabawasan ang hiyang nararamdaman niya.

"H-Huy," nauutal niyang saad habang nakatingala nang bahagya. Tinapik-tapik niya si Kevin na ngayon ay nakahawak ang isang kamay sa likod niya at ang isa naman ay nakahawak sa likod ng ulo niya.

Kahit na walang gusto si Jessica kay Kevin, hindi maiwasang mamula ng pisngi niya dahil sa hiya at kakaibang nararamdaman. Nang matauhan siya, malakas niyang hinampas sa likod si Kevin na naging dahilan para lumuwag ang hawak nito.

"Huy, ano bang trip mo? Ang lakas mong magpakilig, ah. Kakagaling ko lang sa heartbreak, jusmiyo. 'Wag mo nang dagdagan," aniya at nagpumiglas. Bumitaw si Kevin at walang emosyon siyang tinitigan sa kaniyang mga mata.

"Sabi na, eh," aniya at at ginulo ang buhok ng dalaga. Dahil maliit lang ito, halos sakop ng kamay niya ang ulo nito. Naguguluhang tinabig ni Jessica ang kamay niya.

"Bakit mo ba ako tinawag dito, Kevin? Anong trip mo? Miss mo ba ako?" biro niya at tumawa para pagaanin ang atmospera sa pagitan nila.

"Gusto ko lang kumpirmahin kung gusto kita. Sabi na, hindi, eh." Napataas ang dalawang kilay ni Jessica pero agad ding napalitan ng ngisi nang may maalalang isang bagay.

"So, si Evangeline ang gusto mo?" tanong ni Jessica kay Kevin at nagkibit-balikat siya habang nakapamulsa. Naglakad siya palapit sa isa sa mga bakanteng upuan sa loob ng coffee shop at umupo rito. Sinundan siya ni Jessica at umupo sa tapat nito.

"Ano ba talagang balak mo, pre? Nandito ka ba dahil kay Evangeline? O kaya--"

"Hulaan mo ang kapalaran ko," seryosong saad niya. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa lamesa at diretsong tumingin kay Jessica. Nagtataka itong tiningnan ng dalaga habang nakakunot ang noo.

"Ha? Hindi ako marunong," nakangusong tugon nito at napatigil. Nang matantong nagbibiro lang si Kevin, inangat niya ang kaniyang tingin at inis na pinalo ang kamay ni Kevin na nasa lamesa. Napatawa naman siya nang mahina.

"Hay*p. Akala ko totoo, t*ngina. Ang lakas mong magbiro,'di ako nakapaghanda!" walang preno niyang sabi at natawa silang dalawa.

"Bagay nga kayo ni Evangeline. Mukhang seryoso at mature ang awra niya, tapos kalog ka kahit hindi halata." Muling sumeryoso ang itsura ni Kevin at tumingin sa menu na naka-display sa lamesa.

"Sa totoo lang, hindi si Evangeline ang pinunta ko rito," aniya habang nagtitingin ng iba't ibang inumin.

"Eh, sino?"

"Si Luther."

"Si Kuya pogi? Hindi na ba babae ang gusto mo ngayon? Kaya ba hindi tumatalab sa'yo ang ganda ko?" aniya at ituro ang mukha niya gamit ang kanang kamay. Kung pwede lang siyang batukan ni Kevin, ginawa niya na. Kaso may lamesang nakaharang sa pagitan nilang dalawa kaya hindi niya natuloy.

"Mag-o-order muna ako," pag-iiba niya ng usapan at tumayo.

"Galit ka na n'yan?" Tiningnan lang niya si Jessica at dumaan sa bandang gilid nito.

"'To naman, 'di mabiro. Paorder din ako ng Strawberry frappuccino at chocolate cake, ah. Libre mo, thank you!" pahabol na saad ni Jessica kay Kevin at pinalo siya braso bago pa man makalampas.

Amidst the Season (Symbol #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें