Chapter 8

39 7 44
                                    

THIRD PERSON POV

Muling lumipas ang limang buwan at hindi pa rin nagpaparamdam si Evangeline  kaya unti-unti nang nawalan ng pag-asa si Kevin. Gayunpaman, kahit papaano ay natututo nang makisalamuha sa mga tao si Kevin.

"Pre, pasensiya na kung niyaya kitang pumunta rito, ah. Mahilig kasi si be sa party kaya gusto niyang magdiwang ng kaarawan dito." Ang tinutukoy na be  ni Luther ay si Aliyah, kasintahan niya.

"Ayos lang, gusto ko rin namang magpahinga mula sa trabaho kahit saglit. Salamat sa pag-imbita," aniya at initaas ang hawak na shot glass para makipag-cheers kay Luther.

"Hindi ko alam na umiinom ka, pre. Kailan pa?" natatawang tanong Luther

"Hindi ko rin alam. Nagustuhan ko lang," kibit-balikat niyang sagot habang nakatitig sa baso. Napansin naman ni Luther ang biglang paglungkot ng mukha ng kaniyang kaibigan kay umupo siya sa tabi nito.

"May problema ba?"

"Wala. Wala naman," naiiling nitong saad at dumukdok sa lamesa.

"Tungkol ba 'to kay Evangeline?" Nang marinig ni Kevin ang pangalang Evangeline, napaangat siya ng tingin at tila nabuhayan ng loob.

"Nasaan siya?" tanong niya.

"Ano?" gulat na tanong ni Luther pero agad din niyang binawi dahil ayaw niyang masaktan si Kevin, "wait pre, i-se-search ko sa Ins--" naputol ang sasabihin ni Luther nang biglang sumulpot si Aliyah at mabilis siyang hinila patayo.

"Tara, magsayaw tayo!" sigaw nito dahil biglang nag-iba ang tugtog. Ang kaninang nakakalungkot na kanta ay naging masigla at malakas kaya nagbago rin ang atmospera ng lugar. Mas naging masigla at nag-iba rin ang kulay ng mga ilaw kaya maraming mga tao ang tumayo para sumayaw. Kabaligtaran naman ito ng nararamdaman ni Kevin. Hindi niya maitago ang lungkot dahil sa pangunguli sa kaniyang mahal sa buhay.

Kahit na maingay ang paligid, tila mas maingay pa rin ang puso ni Kevin dahil sa halu-halong emosyon at mga iniisip.

"Sandali lang, be--!" tarantang sabi ni Luther at nag-aalalang tumingin sa kaibigan.

"Sige na, Luther. Pumunta na kayo sa dance floor. 'Wag mo nang paghintayin si Aliyah. Birthday niya pa naman ngayon," aniya at ngumiti nang tipid.

"Sige, babalik ako," paalam ni Luther bago sila nawala sa kaniyang paningin. Bigla namang nanikip ang dibdib ni Kevin nang marinig niya ang salitang iyon.

"Babalik ako." Malakas na hinampas ni Kevin ang lamesa nang pumasok sa kaniyang alaala ang huling sinabi ni Evangeline. Sa loob ng mahigit apat na taon, buong puso siyang naghintay sa kaniya kahit na walang kasiguraduhang babalik nga siya. Kahit na nahihirapan, si Evangeline lang nag-iisang tao na gusto niyang makita, at hindi ang magulang niya.

Kaya nga labis siyang natakot at nalungkot nang bigla itong magpaalam kahit na wala silang problema at kahit niya ginawa niya ang lahat ng makakayaya niya para hindi siya mawala. 

Ginulo niya ang kaniyang buhok dahil sa sobrang pagkabalisa at ipinatong ang ulo sa kaniyang braso na nasa lamesa. Kasabay nito ang pagpasok ng isang masayang alaala sa kaniyang isipan.

"Geline, ayos lang kahit maghintay ako ng ilang taon para--" Naputol ang sasabihin niya nang biglang magsalita ang dalaga.

"Kev, sinasagot na kita," pigil na ngiting wika ng dalaga at huminto sa paglalakad.

"'Wag kang mag-alala, hindi naman kita minamada--wait," gulat na napalingon si Kevin sa dalaga at napatigil din sa paglalakad. Pauwi na kasi sila mula sa paaralan at biglaan lang nilang napag-usapan ang tungkol sa panliligaw ni Kevin kay Evangeline.

Amidst the Season (Symbol #1)Where stories live. Discover now