Chapter 2

38 8 45
                                    

EVANGELINE ALLEJO


"Kev, magkita tayo sa field, kakatapos lang ng presentation namin," sabi ko sa kabilang linya.

"Okay, pupunta na ako doon!" masigla niyang sagot.

"Bye. Mamaya nalang."

"See you later," pahabol niyang sabi. Agad ko namang pinatay ang tawag dahil hindi matatapos iyon kung hihintayin kong siya na mismo ang magpatay nito. Gusto kasi niya ako yung laging unang magbaba ng tawag. Napaka-gentleman talaga.


Pagkatapos ng klase, iniligpit ko yung mga gamit ko at dumiretso sa locker room para ilagay yung mga librong hindi ko gagamitin bukas. Tinawagan ko ulit si Kevin at sinabi niyang kanina pa siya naghihintay roon.

"Saan tayo kakain?" bungad ko nang makarating ako sa kinalulugaran niya.

"Ikaw? Saan mo gusto?" Napasimangot ako sa sinabi niya. Ito na naman kami. Lagi niya kasi akong tinatanong kung ano ang gusto ko. Kahit ayaw niya, hindi niya ito sinasabi sa akin kaya laging ako ang nasusunod.

Isang beses noong kumain kami sa isang seafood restaurant, hindi siya umorder ng pagkain. Akala ko ay nagtitipid o busog lang siya kaya sinabi ko na ako na ang magbabayad. Hindi naman siya pumayag na ako ang magbabayad pero pumayag siya na ako na ang pumili ng pagkain niya.

Nagulat ako nang bigla siyang inatake ng allergy. Hindi ko alam noon kaya nagalit ako sa kaniya, agad naman siyang humingi ng tawad at sinabing ayaw niya ng away kaya pumayag siya. Kung iisipin, hindi naman ako magagalit kung sasabihin niyang ayaw niya ng ganoon kasi allergy siya. Pero hindi nalang ako sumagot para hindi na lumala ang usapan.

Ayaw niya rin na ako ang magbabayad ng mga ginagastos namin. It's either, kani-kaniyang bayad o libre niya. Ayoko sana ng ganoon dahil pakiramdam ko ay mauubos ko ang allowance niya dahil wala pa naman kaming trabaho pero lagi niyang sinasabi na gusto niya naman iyon kaya pumapayag nalang ako. He's way too perfect for me.

Nang makarating kami sa mall, naghanap agad kami ng makakainan dahil dalawang oras lang ang bakante ko.

"Doon na nga lang tayo kumain." Tinuro ko kainan sa harapan namin at agad naman siyang tumango.

Pagpasok namin sa loob, marami pang bakante kaya pareho nalang kaming pumila habang nag-iisip ng bibilhin.

"Anong order mo? Mag-isip ka na para makaupo ka na agad," aniya habang nakatingin sa menu.

"Chicken at Fries," sagot ko at inilabas ang wallet para kumuha ng pera.

"Sige. Umupo ka na roon." Pinatalikod niya ako at mahinang tinulak palayo. "Wait, yung bayad ako."

"'Wag na, libre ko na 'to." Napalingon ako sa kaniya at nakitang nakangiti siya sa akin.

"Lagi mo nalang akong nililibre, may pera rin naman ako Kev," nakasimangot kong sabi.

"It's okay. Gusto kasi kitang ilibre."

"Pero--"

"Isipin mo nalang na nilibre kita dahil maayos yung presentation niyo kanina," he winks. Napabuntong-hininga nalang ako at umupo na sa pinili kong pwesto na nasa bandang gilid. Mukhang hindi hahayaan ni Kevin na magbayad ako ng pagkain, eh.

Habang naghihintay, tiningnan ko nalang yung mga litrato namin sa gallery. Since highschool pa 'to at halatang immature pa kami. 1st year highschool kasi kami nagkakilala. Naging magkaibigan, tapos ayun, naging kami.

Ako lang yung may history ng lovelife sa amin. Ako raw kasi yung first love niya. Samantalang ako, may naging ka-MU no'ng 3rd year highschool pero hindi naman nagtagal dahil may pagkababaero siya. Kusa nalang nawala yung feelings ko doon, dahil na rin siguro sa ugali. Mababaw palang naman kasi 'yon.

Mabuti nalang at nandoon si Kevin, siya yung minahal ko talaga. Napangiti ako habang tinitingnan na unti-unti na kaming tumatanda dito. Memories worth remembering.

Ilang saglit pa ay dumating na si Kevin dala ang pagkain namin. Nakangiti niyang ipinatong ang tray sa lamesa at inayos ang mga pagkain. Hindi ko maiwasang sabihin sa sarili ko na sobrang swerte ko sa kaniya. Oo, hindi ako magsasawang sabihin ito.


"Maliit ka ba?" Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nahuli ko siyang nakangisi sa akin. Nang-aasar ba ang lalaking 'to?

"Tinatanong pa ba 'yan? Tss. Alam mo naman yung sagot eh" irap ko. Hanggang balikat niya lang kasi ako. 6 footer eh.

"Maliit ka nga ba?" pag-uulit niya kaya napairap ako.

"Oo nga--!"

"Ah. Kaya ka pala nagkasya sa puso't isip ko." Bigla akong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay namula yung pisngi ko dahil doon. Corny man para sa iba, dahil mahal ko siya, kinilig ako. Ba't 'di niya ako sinabihang babanat siya? 'Di tuloy ako nakapaghanda. Hayst...

"Uyyy, kinikilig siya," nakangiti niyang sabi at sinilip  yung mukha ko kaya agad ko itong tinakpan gamit ang dalawa kong kamay.

"Kumain ka na nga lang!" suway ko para makaiwas sa kahihiyan. Narinig ko pa yung mahina niyang pagtawa bago muling kumain.

***

"Magandang gabi po," pagbati ni Kevin kay daddy pagdating namin sa bahay. Pareho kaming nagmano sa kaniya. Ngumiti naman si dad. Ito talaga yung maganda kapag legal kayo, hindi mo kailangang itago yung nararamdaman mo dahil kilala ng pamilya mo yung taong gusto mo. Malalaman mo rin kung mahal ka niya kung kaya niyang humarap sa magulang mo kahit na strikto pa ito.


"Salamat sa paghatid kay Evangeline, iho," nakangiti sabi ni dad.

"Walang anuman po. Salamat rin po sa pagpayag na makakain at makapaggala kami kaninang tanghali," magalang niyang sabi at sumulyap sa akin.

"Ayos lang 'yon, tutal hindi ka naman distraction sa anak ko. Basta huwag kayong magpapabaya sa pag-aaral niyo, ah," paalala niya sa amin at agad naman kaming tumango.

"Sige na Geline, bye. Paalam na rin po, tito," huling sinabi niya bago siya kumaway at tumalikod para pumuntang sasakyan. Kumaway naman ako pabalik at pinanood siyang sumakay sa kotse niya hanggang sa tuluyan na siyang umalis.

"Hanggang ngayon ba, wala pa kayong nickname sa isa't isa?" biro ng katabi kong si dad at mahina akong siniko habang nakangisi sa akin.

"'Di naman po kailangan 'yon eh. Geline at Kev lang, okay na. Nakakakilabot kasi kapag iba," nakanguso kong sagot. Inakbayan ako ni daddy bago muling nagsalita.

"Ayaw mo ba ng baby? O kaya ng sweety pie? O hon?" Napakunot ana noo ko at kinilabutan nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Kumawala ako sa pagkaakbay niya at pinanliitan siya ng mata.

"Kadiri ka daddy, ah. Ayoko nga po n'yon," sagot ko at nauna nang pumasok sa loob. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Pero sa totoo lang, hindi naman ako naiinis dahil sa sinabi niya, ganoon lang talaga kami ni daddy, madalas na nag-aasaran. Nagpapasalamat nga ako dahil suportado niya ako sa kahit anong desisyon ko basta hindi ito nakakasira sa akin.

At tungkol naman sa tawagan namin ni Kev, kuntento na ako roon. Hindi naman kasi kailangan sa magkasintahan na magkaroon ng palayaw.

***

Amidst the Season (Symbol #1)Where stories live. Discover now