Chapter 14

29 6 51
                                    

THIRD PERSON POV

"Guys, musta na kayo?" masiglang bati ni Evangeline at isa-isang nilapitan ang mga kaklase niya noong kolehiyo para yakapin. Tumayo silang lahat mula sa  kanilang inuupuan at masayang nagbatian.

"Evangelineee! Na-miss ka namin!" sigaw ni Calliope at niyakap siya pabalik.

"Teka, nasaan pala yung magaling mong jowa na si Kevin? Hindi mo siya kasama ngayon?" Humiwalay si Calliope sa yakap at lumingon-lingon sa paligid. Nang makita niya si Kevin sa kalapit na lamesa, kinawayan niya ito at tinawag ang pangalan.

"Kevin!" Sumenyas siya na lumapit ito. 

"Sandali--!" Biglang napatalikod si Evangeline nang lumingon si Kevin sa gawi nila. Saglit niyang inayos ang kaniyang buhok. Kinuha niya ang maliit na salamin mula sa bag niya at tumingin dito. 

"Bakit ayaw lumapit dito ni Kevin? LQ ba kayo?" nagtatakang tanong ni Calliope kay Evangeline. 

Kinagat ni Evangeline ang kaniyang labi at lumingon sa gawi ng binata. Bumuga siya ng hangin at pinigilan ang sariling umiyak. Nang makita niya ang mukha ng dati niyang kasintahan, nanumbalik lahat ang lahat ng kaniyang mga alaala, pati ang masamang alaala noong maulang gabing iyon.

Pinilit niyang panatilihin ang masayang mukha kahit niya at hinarap ang kaniyang kaibigan. Gustuhin man niyang kusang lumapit kay Kevin upang kausapin ito ay hindi niya magawa dahil sa kawalan ng lakas ng loob.

"A-About that--" Naputol ang sasabihin ni Evangeline nang biglang magsalita si Ella, isa sa mga kaklase nila noong kolehiyo.

"Musta na kayo ni Richard? Kayo pa rin ba?" usisa niya kay Emily. Nakangiti naman itong tumango bilang sagot.

"Ohh, buti naman. Engaged na ba kayo?Imbitahan niyo ako sa kasal niyo, ah," aniya at sabay-sabay silang tumawa.

 Nakitawa si Evangeline sa kanila kahit na tila tinutusok ang puso niya dahil sa sakit at pagsisising nararamdaman. Pilit niya ring iwinawaksi ang mga naiisip dahil ayaw niyang sirain ang mood ng mga kaibigan niya.

"Ikaw Geline, musta naman kayo ni Kevin? Siguro kayo pa rin 'no? Sobrang tamis niyo kasi nung nag-aaral pa tayo," ani ni Ella na sinundan ng kantyawan mula sa kaklase niya. Hindi na naitago ni Evangeline ang tunay na nararamdaman. Biglang nawala ang kaniyang ngiti at napasulyap sa gawi nina Kevin.

Tumamlay ang mukha niya nang makitang may kausap na babae si Kevin na hindi niya kilala.

"May problema ba? Bakit ganiyan ka makatingin sa jowa mo?" tanong ni Calliope at umangkla sa braso niya.

"A-Ano kasi..." Pabigat nang pabigat ang nararamdaman ni Evangeline. Hindi niya kasi sinabi sa kaniyang mga kaibigan ang tungkol sa paghihiwalay nila.

"Teka, baka hindi ka niya nakita kanina. Hahatakin ko lang siya saglit papunta rito." Pipigilan sana ni Evangeline si Calliope pero napatigil siya nang lumingon ulit si Kevin sa gawi nila. Tumalikod siya at umupo sa isa sa mga upuan.

"Bakit niyo ako tinawag?" tanong ni Kevin nang makalapit siya sa lamesa nila. Isa-isa niyang tiningnan ang mga nandoon pero hindi siya nag-abalang sumulyap sa nakaupong si Evangeline.

Nanigas sa kinauupuan si Evangeline at bumilis din ang tibok ng kaniyang puso nang marinig niya ang boses ng dating kasintahan.

"Kevin, bakit hindi ka lumapit dito? Nandito yung girlfriend mo, oh!" nakangusong saad ni Calliope at itinuro si Evangeline gamit ang kaniyang niyang kamay at hawak naman niya sa kaliwang kamay ang braso ni Kevin.

 Pumikit nang mariin si Evangeline at pinakiramdaman si Kevin na nasa likuran niya. Kinagat niya ng kaniyang labi habang naghihintay ng sagot mula sa binata.

Amidst the Season (Symbol #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon